Adriana's point of view
Nag ayos ako ng sarili ko para kumain, nilakasan ko ang loob ko para sa lugar na ito naisip kong harapin kung ano man ang nakatadhana para sakin, at inihanda ko rin ang sarili ko sa mga sasabihin ng ibang nakakita sa nangyare. Nang matapos akong magayos ay lumabas nako sa dorm ko para pumunta sa Dining Hall.
Pero ang gagara ng lugar na ito may dining hall pa sila, mukhang masarap ang mga pagkain dito. Pero Adriana kumalma ka at pakalmahin mo yang tyan mo! Napaka takaw mo. Naglakad nako sa may hallway patungo doon, kailangan ko lang ng lakas ng loob.
Pagkain ang mag papalakas ng loob ko!Ito ang una kong gabi na kakain doon hindi kase ako pumunta dito nung una dahil talagang ayoko dito pero wala na akong magagawa. Pumasok ako sa may malaking pinto at tumambad sakin ang napaka gandang hall.
Ang gagara ng chandiliers at may malalaking kurtina din sa may mga bintana at kitang kita mo ang liwanag ng buwan.
Humanap ako ng bakanteng pwesto at doon iyon sa may bandang likod, kaya pumunta nako doon at maghihintay ng magseserve. Nang makaupo nako ay nilaro laro ko muna ang mga daliri ko, nang may naramdaman akong ibang presensya sa tabi ko at pag tingin ko ito yun nakabungguan ko.
Nagulat ako ng makita ko siya, Nakakatakot yung tingin niya, yung mga mata niya nanlilisik na parang kahit anong oras papaslangin ka.
"What?" Pagtataray ko, try lang baka bagay sakin maging mataray.
"Nothing makikitabi lang" nakangiti niyang sabi
"Psh" bulong ko
" may sinasabi ka?" tanong niya
"Wala" tipid kong sagot
"By the way ako si Calix Matriyieve"
Pagpapakilala niya, pero wala akong pake
"Uh so?" Walang gana kong tanong
" ang taray mo naman Adriana" damn! Kinikilabutan ako ng banggitin niya yung pangalan ko.
"Paano mong nalaman pangalan ko? sa pagkakaalam ko ngayon palang tayo nag usap right?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Well obviously kilala kita but it seems like ikaw di mo parin alam kung sino ka or I should say na kung ano ka" direderetso niyang sabi habang pinaglalaruan ang table napkin. Parang may kakaiba sa lalakeng to, parang hindi siya to iba kase yung pakiramdam ko nung nagkabanggaan kami unlike now there is something na hindi ko maexplain.
"Anong ibig mong sabihin?" .. naconfuse lalo ang utak ko! Damn! naguguluhan na ko.
"If you beg me I will tell you who you are " pangiinis niya, ngumisi pa ang loko
"Beg you?" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, tinetempt ba niya ko kase mahina ako sa temptation..
"Yes beg me just say please" sabi nito "and say that you need me".. kapal! Kung di lang to dahil sa katauhan ko malamang na upakan na kita!
"Damn you" bulong ko
"I heard you". Nakangisi niyang saad
Okay! Huminga ka ng malalim Adriana matatapos din ang lahat. Ngayon lang to... masyadong tukso itong nasa harapan k9
"Argh okay okay " huminga muna ko ng malalim " Calix... ple-ase I beg you, I n-eed y-you" nauutal kong salita and what the heck? Ngayon lang nag sync in sa utak ko para saan yung I need you?
"Haha good so mamayang 12 midnight magkita tayo sa nay soccer ground and I will tell everything about you " sabi niya at tumayo na siya.
He winked at me kaso parang may mali sa kanya, para bang may kung ano sa kanya... sa totoo lang habang nagsasalita siya kinikilabutan ako.
****
Nang matapos na kong kumain ay nagayos muna ko sa kwarto ko ang kalat kase eh. Napatingin ako sa oras...
11:30 na pala
Hinanda ko na ang sarili ko sa mga mangyayare mamaya. Na eexcite ako at kinakabahan.
Ito na ang hinihintay ko..
Ang malaman kung ano ako o sino ba talaga ako.......
11:50 na
Lumabas nako at nagtungo na sa soccer ground at gustong gusto ko na talagang malaman kung ano ako
Luminga linga ako sa paligid Mahangin dito tanging huni ng mga insekto ang mga naririnig ko.
Pero may nararamdaman akong kakaibang presensya sa lugar na ito, naglakad lakad akong muli at pinakiramdaman ko ulit yung presensya na yon.
Malapit lang sakin to, huminto ako sandali sa gitna ng ground.
Pumikit ako, nang may biglang mabilis na bagay ang sumibat sa likod ko! Shit!!!
Dumilat ako, ano ba yun?!
Mukhang mapapalaban pako. Asan na ba kase yun calix na yun?
Shit! Nasa likod ko
Mabilis akong napasuntok patalikod at may natamaan ako
"Sino ka!" Sigaw ko sa nasuntok ko, ang tigas! Ramdam na ramdam ko ang pamamanhid ng kamao ko.
"ako to Adriana easy ka lang ".. saad niya
Nagulat ako ng si Calix ang lumitaw sa harap ko, nasuntok ko yung mukha niya pero walang kahit anong gasgas o dugo.
But how? Ang bilis parang hangin.. multo kaya siya?
" hey paanong nangyaring andito ka eh wala ka naman kanina" nalilito kong tanong, eh totoo namang wala siya kanina !
"Actually kanina pako dito pinagmamasdan ka " nakangiti niyang sagot
Pakiramdam ko nagiinit ang pisngi ko...
"so sabihin mo na.." panimula ko, para makaiwas na rin sa mga tingin niya.
"ihanda mo yung mga tenga mo" tipid niyang sagot..
BINABASA MO ANG
Rosewood University [Completed]
FantasyAnong klaseng eskwelahan ito? Napaka misteryoso. Sino ba ang nagtayo ng ganitong klaseng unibersidad ? Anong klaseng mga estudyante ba ang mga nagaaral dito? Maraming misteryo ang bumabalot, ano ang mga mangyayare dito? Naniniwala kaba sa itinakda...