KABANATA 5
" MOONSHINE, Alam monamang mapanganib sa 'yo ang dilim hindi ba?" May galit sa tono ni Alena kahit hindi naman iyon kalakasan. Sinabi ni Moonshine dito ang tungkol sa sayawan na magaganap, umaasa siya nag malaki kaya naman naiiyak siya dahil sa mga paliwanag ng magulang. Isang beses lang naman, bakit hindi pa siya mapagbigyan.
"Ma, please dala ko naman yung ibinigay mo," pagmamakaawa niya dito. Dala naman niya ang ibinigay nitong rosaryo na mabisa ngang pangontra ayon narin mismo sa ina. Naroon sila sa kuwarto niya nang pumasok ito para ibigay ang baon niya sa araw na 'yon. Nakatayo ito sa harapan niya at tila galit na galit dahil talagang pinupunto siya nang mga muwestra ng kamay nito.
" Hindi, wag mo na kaming suwayin tigilan mo 'ko!" duro nito sakanya,kasama ang panlalaki nang mga mata. Umiiyak siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama niya. Nakakaramdam siya nang inis, isang araw lang naman. Hindi naman niya sinuway ang mga ito kahit minsan, ngayon lang naman siya humingi nang pabor.
Paanong hindi siya iiyak? Sinabi na niya iyon kay Driefher at malaki ang posibilidad na pupunta ito, pagkatapos siya naman pala ang hindi makakapunta? Iniwan siya nang ina na mukhang isusumbong pa siya sa papa niya. Sinamantala niya iyon para i-lock ang pinto. Naupo siya sa likod nang pintuan at doon umiyak nang umiyak.
SAMANTALA Hindi naman matiis ni Alena ang anak kaya bumalik siya para muli itong kausapin, ngunit inilock nito ang kuwarto. Naririnig niya ang pag-iyak nito, marahil ay nakasandal ito sa pintuan kaya ganoon. Bihira lang itong magpaalam at kung tutuusin ngayon lang nito ginustong pumunta sa isang party sa eskuwelahan dahil hindi naman ito mahilig sa mga ganoon, ang hilig nito ay magbasa, magkulong sa kuwarto at pagkatitigan ang pang gabing kalangitan na nadedekorasyonan nang makikinang na mga bituin at ang buwan na siyang tanglaw sa kadiliman ng gabi.
" Moon, alam mo naman na makakasama sa 'yo. Iniinagatan ka lang namin ng papa mo 'diba alam mo naman iyon anak? Alam mo din 'yung dahilan," paliwanag ni Alena bagama't nakakaramdam nang awa sa anak, hindi padin nito mapayagan dahil nag-aalala naman siya talaga dito kung wala naman banta sa buhay nito magiging maluwag sila dahil alam nila na hindi ito katulad nang ibang kabataan na magagaslaw. Pinalaki nila ito sa pangaral at pananampalataya.
"Paano kung hindi na maulit yung araw na 'yon? Alam ko naman na gusto n 'yo lang ako mapabuti. Pero gusto kong makasama sa araw na 'yon yung taong gusto ko. Maaring hindi na maulit kasi nga kailangan konag magpakasal! Gagawin ko naman yung gusto n 'yo, " humihikbing sagot ni Moonshine habang pinapahid ang luha sa mga mata niya. "Isang beses lang naman , iingatan ko naman yung sarili ko .. " Aniya pa na gusto nang makaramdam ng inis dahil sa kamiserablehan ng pinagdadaanan ng pamilya nila dahil sa sumpa-sumpa na yan. Maging sa tono ng pananalita niya tila naninisi na siya. Kung wala naman kasing sumpa, wala namang gugulo sakanila.
Naramdaman na lamang ng Ina ang pagtapik nang asawa niya sa balikat. Para bang sinasabi nito na heto na ang bahalang makipag-usap sa anak.
" Anak, papayagan ka namin basta huwag kang mag papagabi nang husto, mag aalala kami ng sobra sa 'yo, " napipilitan man pumayag na ito dahil alam niyang bata padin naman ang anak niya at gugustuhin din nitong magsaya tulad ng isang pangkaraniwang kabataan. Iba na ang panahon noon at ngayon. Kung noon kapag labing walong taong gulang kana p'wede ka na talagang mag-asawa. Pero ngayon parang batang-bata pa ang edad na 'yon para lumagay sa tahimik. Biglang umingit ang pintuan at bumukas iyon, niyakap ni Moonshine ang ama, kanina pinagbabalakan na niyang takasan na lamang ang mga ito sa araw na iyon. Salamat naman at hindi na siya makakagawa nang kasalanan.
" Salamat pa," patuloy ang pag-iyak niya, hindi na nga lang katulad kanina na dahil sa sama nang loob. Ngayon naman nagpapasalamat siya sa Diyos na hinaplos nito ang puso ng mga magulang para payagan siyang dumalo sa acquaintance party.
READ.VOTE and COMMENT! *u*
<3
READ THIS FULL STORY ON DREAME FOR FREE
Dreame Acct: MisaCrayola
You can join to my fb group : Jobelle Rivera (MisaCrayola)
![](https://img.wattpad.com/cover/13936459-288-k896752.jpg)
BINABASA MO ANG
Pureblood Series 1: The last Pure blood Vampire (EDITING .... )
VampiroSi Drifher ang natatanging buhay na Pureblood Vampire ay nakatakdang paslangin ang dalagang apo ni Famana, ang dating nobya ng kanyang ama upang maputol na ang sumpang umubos sa kanilang magkakapatid. Walang lugar sa kanya ang pag-ibig at kahit kat...