CHAPTER 1
MAKALIPAS ANG LABING DALAWANG TAON
Kastilyo ng mga Draven
SA pagbabalik tanaw ni Drifher sa nakaraan, lalong umigting ang pagnanais niyang mahanap ang apo nang sumumpa sa pamilya niya. Marami na siyang inutusan na mga Bampira para hanapin ito at alam niya na hindi magtatagal ay maisasakatuparan niya ang planong makuha ito sa paraan na ninanais niya. Paiibigin niya ito, sasaktan at ang huli ay kikitlin ang buhay para tuluyan nang maputol ang sumpang umubos sakanilang magkakapatid.
"Master, narito na si Pandora,"wika nang isang tagasunod niya na may katandaan na. Nakatayo siya malapit sa bintana ng kuwarto niya nang magsalita ito. Isa itong Vampire, wala itong kalahating tao ngunit hindi maituturing na pureblood vampire dahil tumatanda ang mga ito. Dalawa hanggang tatlong daangtaon lang ang itinatagal nang mga tulad nito. Matatawag lamang na pureblood ang isang Bampira kung ito ay may kakayahang maging imortal at may kalakasang natatangi at nakahihigit sa iba.
Tinignan niya ang tagasunod at tumango. Tumungo ito bilang pamamaalam at lumabas na ng kuwarto ni Drifher. Wala pang isang minuto pumasok na nga si Pandora ang kababata niya. Ang ina nito ang siyang tumayong ina niya sa pagkamatay ng ama at nakatatandang kapatid.
Wala silang ina iyon ang itinanim nilang magkakapatid sakanilang mga isipan. Dahil iniwan sila nito nang walang pamaalam nang mamatay ang kanilang ama na kinontra ang sumpa ng mangkukulam na dating nobya nito, kaya naman imbis na mamatay agad sila naagapan pa nang hanggang dalawampu't isang taon nila.
Pulang-pula ang buhok ni Pandora at talagang kaakit-akit, matangkad , napakakinis maging ang kuputian nito ay nakadaragdag sa taglay nitong kagandahan. Ang karikitan niya ang ginagamit niya para makadagit ng mga lalaking mortal na magbibigay sakanya ng pagkakataong sipsipin ang mga dugo nito nang walang pag aalinlangan. Hindi niya kailangan na manipulahin ang mga isip nito dahil sapat na ang kariktan niya para magkandarapa ang mga ito para lang ialay ang dugo sakanya.
Hinaplos ni Drifher ang makinis at mala sutlang mukha nito ng makalapit si Pandora sa kanya. Pinaglakbay ang isang daliri patungo sa labi nitong mapulang-mapula. Si Pandora na hindi magawang magpigil ay kinabig si Drifher sa batok at hinalikan. Isang mainit na halik ang pinagsaluhan nila, umaasa siya ng malaki na siya ang pipiliin nitong magiging Reyna. Noon pa man ay gustong gusto na niya si Drifher, ito lang ang tanging itinangi ng puso niya. Mainit ang pinagsaluhan nilang halik na nagbigay sakanila ng mainit na pakiramdam n dumadaloy sa bawat himaymay ng mga ugat nila. Sisiguraduhin niyang hindi ito maghahanap nang ibang babae maliban sakanya.
There's no other woman whose greater than me.
"GOOD MORNING"mahinang usal ni Moonshine Valdez kasunod ng isang ngiti. Naroon na halos lahat ng kaklase niya. Minsan lang talaga siya pumasok na halos oras na ng klase nila, madalas maaga siya kaya naman laking pasasalamat niya na wala pa ang Professor nila.
"Hi Sunshine!" bungad agad ni Justin nang makarating siya sa upuan niya sa pinakahuli ng row 2. Isa si Justin sa mahilig magpalipad hangin sakanya noon pa mang unang pasok niya sa naturang eskuwelahan. Iyon nga lang bahag ang buntot nito para manligaw lalo pa't may kasungitan siyang taglay.
"Don't call me Sunshine! I'm Moonshine, M-o-o-n Shine! Hmp!" Inirapan niya 'to bago siya umupo. She really doesn't want someone or anyone to call her Sunshine. Dahil lola niya ang nagpangalan sakanya ng Moonshine, ang pinakamamahal niyang lola na iniwan na sila.
Sobra talaga ng isa ang silya sa klase nila kaya inookupa niya iyon dahil madalas madami ang gamit niya,isa pa ayaw talaga niya ng may kalapit. She has friends but its not on the same class but in different class. Most of her classmates, its either they talk about late night parties or they drink at Friday night. One thing she also doesn't like in her class is most of her classmates doesn't respect their teacher, sometimes they bully every teacher in charge in their class. Bigla nalang may nawawala siyang kaklase at babalik kapag matatapos na ang klase, o kaya naman yung iba after attendance mag CR daw pero hindi na babalik. Kumukuha siya ng kursong Education, second year irregular siya kaya naman ibang mga course ang kasama niya kapag Psychology ang asignatura niya. Galing siya sa ibang Unibersidad at lumipat lang sa mas malapit, nangangamba kasi ang magulang niya dahil nalalapit na ang ikalabing-walong taon niya.
BINABASA MO ANG
Pureblood Series 1: The last Pure blood Vampire (EDITING .... )
VampirSi Drifher ang natatanging buhay na Pureblood Vampire ay nakatakdang paslangin ang dalagang apo ni Famana, ang dating nobya ng kanyang ama upang maputol na ang sumpang umubos sa kanilang magkakapatid. Walang lugar sa kanya ang pag-ibig at kahit kat...