Jealous:

22.4K 201 6
                                    

Odesse's POV:

Ang saya ng ginagawa namin buong araw.

Naglaro kami ng volleyball, habulan at kung ano-ano pang pakulo ni Coach Carl.

Pagod na pagod kami pero sulit talaga ang victory party.

"Okay ka lang Odesse?" tanong ni Jay habang nag-eempki kami.

"Okay lang. Ang saya nga eh.." nakangiting sagot ko.

Lumapit naman si Jay at hinapit ako sa bewang.

"Thank you at napasaya kita.." sabi niya.

Napatitig ako sa kanyang mata.

Kung alam mo lang Jay kung gaano ako kasaya na makasama ka.

Kahit ba di pa malinaw sa atin kung ano ba tayong talaga.

Ngumiti nalang ako at itinuloy na namin ang pag-iimpaki.

Dala ni Jay ang gamit namin ng lumabas.

Handa na din ang mga kasamahan namin at hinihintay nalang si Coach.

Maya maya ay dumating na din sila.

Gf pala ni Coach Carl si Ara.

"Awkie guys! Uuwi na tayo! So ready na ba kayo?" tanong ni Coach.

"Yes coach!" sabay sabay na sigaw namin.

"Nag-enjoy ba kayo?" tanong niya uli.

"Yeah!" sagot ng lahat.

"Okay let's go!" masayang sabi ni coach.

"Wooohhhh!!!" hiyawan ang lahat habang isa-isang sumakay ng kotse.

"Ang saya noh?!" nakatawang sabi ko kay Jay.

Kasalukuyan na naming binaybay ang daan pauwi.

Magkasunod lang ang mga kotse ng kasamahan namin.

Naghihiyawan pa at nagkakantahan.

Maingay ang grupo.

Buti nalang at wala pang gaanong kabahayan sa aming dinaanan at may konting liwanag pa ng araw.

Alas singko pa kasi.

Maaga kaming bumiyahe pauwi upang di daw kami gabihin sa daan.

Biglang tumunog ang message alert tone ko kaya kinuha ko agad at baka si mama na ang nagtext.

Subalit laking gulat ko ng makitang Nikko ang pangalang nakalagay sa screen.

Huh? Himala at naalala niyang magtext.

Kaibigan ko siya na nagmigrate sa amerika ng makatapos.

Halos isang taon na ding wala kaming komonikasyon.

Napangiti ako at nagreply sa text niya.

Engrosed na engrosed ako sa palitan ng aming text kaya di ko na napapansin ang pagtahimik ni Jay.

Napapatawa pa ako ng malakas.

Kenkoy kasi si Nikko at mahilig mag joke kaya nakakaenjoy na kausap.

"Sino ba yang katext mo at kanina ka pa tawa ng tawa?" naiiritang tanong ni Jay.

Nilingon ko siya at nginitian.

"Ah... Si Nikko. Kaklase ko siya dati at nagmigrate sa amerika. Nakauwi na pala siya kaya tenext ako. Magkikita daw kami at marami siyang pasalubong sa akin." nakangiti kong sagot.

Nagsalubong naman ang kilay ni Jay.

Subalit wala naman siyang sinabi at bumaba na ng kotse.

Nakarating na pala kami sa bahay.

Pinagbuksan niya ako at saka kinuha ang mga gamit ko.

Wala pa din siyang kibo hanggang sa makaabot kami sa harap ng bahay.

"Salamat Jay ha?" nakangiti kong sabi subalit tumango lang siya at saka nagpaalam na.

"Pakisabi nalang sa parents mo na nauna na ko. May gagawin pa ko." paalam niya at saka sumakay na sa kanyang kotse.

Huh? Anong nangyari doon?

Nagtataka ako sa ikinikilos ni Jay.

May nasabi ba ako?

Nanlaki ang mata ko ng maalala ang tungkol kay Nikko.

Hala? Is he jealous?

Patay!

Napailing nalang ako at pumasok na ng bahay.

Wala pa sina mama at papa.

Marahil ay nagdiner sa labas.

Dumeretso na ako sa silid at saka naligo.

Matapos kong magbihis ay inatupag ko naman ang laptop.

Nagsign-in ako sa social network at nagpost ng status.

Nilagay ko din ang mga pic namin sa resort.

Napangiti ako ng balikan ang pangyayari.

Ang saya talaga.

Nakapiling ko si Jay at naganap pa ang madalas kong napanaginipan.

Maya-maya ay may nagcomment sa post ko sa facebook.

Si Nikko pala.

Naglike pa siya.

Ang ganda ko na raw.

Nakakainggit daw at ang saya ng outing namin.

Nagreply ako.

Ilang oras din kaming nagpalitan ng comments.

Biglang nagpop out ang message ni Jay.

Ba't gising ka pa?- Jay

Hala! Anong oras na pala?

Napalingon ako sa orasan sa gilid.

OMG! Alas onse na pala!

Nawili kasi ako sa fb eh!-ako

Kasi kausap mo si Nikko?- Jay

Ahehehe! Oo nagcomment lang siya sa pictures natin.- ako.

Biglang di na nagreply si Jay at ilang sandali pa ay naglog-out na.

Ano ba yan..

Haayyyy... Makatulog nalang nga.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok.

Ang gaan kasi ng pakiramdam ko.

Excited pa akong makita si Jay.

Ang laki ng ngiti ko ng makita kong makakasalubong ko na si Jay.

Subalit nawala ang excitement ko ng lampasan lang ako ni Jay.

Huh? Anong nangyari doon?

Bakit di man lang ako pinansin?

Di ba niya ako nakita?

Ghad! Anong kasalanan ko?

Why is he acting like that?

Is he JEALOUS?

-------

Another short update.

Next would be the unexpected epilogue.

DREAM Man [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon