Epilogue: Expect the Unexpected

27K 276 50
                                    

Odesse's POV:

Halos ilang araw na din akong di kinakausap ni Jay.

Ni hindi man lang niya ako pinapansin o kahit tingnan man lang.

Ganoon lang ba yun?

Matapos ng lahat ng nangyari sa amin sa resort ay tila di na niya ako kilala?

Kung nagseselos siya kay Nikko eh dapat sinabi niya sa akin.

Di yung di na niya ako kikibuin.

But is he really jealous?

Halos gabi gabi na akong napapaiyak pag naiisip ko ang sitwasyon namin ni Jay.

Mas mabuti pa noong wala pang nangyari.

Pinapansin pa niya ako.

Ang saklap naman.

Ilang beses ko na siyang tenext at tinawagan subalit di naman siya sumasagot o nagrereply man lang.

Jay.. Bakit ganoon?

"Odesse anak.. Malungkot ka na naman." sabi ni mama sa akin.

Di ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin.

Kasalukuyan akong nakapangalumbaba sa aming terasa.

"Ma, ba't ganoon? Di man lang niya ako pinapansin mula ng makauwi kami. Wala naman akong maisip na nagawa kong mali." di ko mapigilang wag tumulo ang luha ko.

Nasasaktan na kasi ako sa ikinikilos ni Jay eh.

"Baka may nangyari. Wala ba kayong pinag-awayan?" tanong ni mama at tumabi ng upo sa akin.

"Wala ma. Ang saya pa nga namin noong pauwi na kami eh." sagot ko.

"Siguro di talaga niya ako gusto at baka nga pinaglaruan lang niya ako.." mahinang sabi ko.

Hinimas naman ni mama ang aking likod.

Napahikbi ako.

"Anak, kung anuman ang dahilan ni Jay sa kanyang ikinikilos ay dapat tanggapin mo na lang. Masakit man ang kabiguan ay maghihilom din ang sugat." sabi ni mama.

Tumango ako at di na muli pang nagsalita.

Maya maya ay pumasok na din kami sa aming kanya kanyang silid.

Tama si mama..

Maghihilom din ang sugat.

Marahil ay nagising si Jay sa katotohanang di niya aki gusto.

Masakit man ay kailangan ko itong tanggapin.

Kinabukasan ay matamlay akong pumasok ng school.

Buti nalang at walang exams o quizzes ngayon kundi wala talaga akong maisasagot.

Buti pa di nalang ako pumasok at wala din naman akong naiintindihan sa klase.

Pansin ko lang ha, wala si Jay.

Bakit kaya absent siya?

May sakit kaya siya?

Aissh.. Bakit ko ba siya iniisip?

Naglalakd na ako palabas ng school dahil tapos na ang pinakahuli kong klase ng makita kong humahangos papalapit si Obit.

"Odesse! Wait! Si Jay...ho.. Ho.. Ho.." hinihingal niyang sabi.

Nakatukod pa ang dalawa niyang kamay sa kanyang tuhod.

Napakunot noo ako.

Mukhang alalang alala ang itsura ni Obit.

DREAM Man [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon