Dream Come True Part 1:

38.8K 298 8
                                    

WARNING!

Ang nakapaloob po sa part na ito ay Rated SPG. Isa po itong obra na hindi angkop sa mga bata, inosente at mga taong di open minded.

Kaya kung di ninyo genre ang general fiction- SPG wag nyo na pong ituloy ang pagbabasa.

maraming salamat po.

-------++++--------

Odesse's POV:

Gaya ng sabi ni Jay ay maaga nga siyang dumating sa bahay upang sunduin ako.

Nakahanda na rin naman ang dadalhin ko kaya nagpaalam na kami kina mama.

"Tutuloy na po kami, maam, sir.." magalang na sabi ni Jay.

"Mag-iingat kayo doon ha? Tsaka yung pagmamaneho ang atupagin." bilin ni papa.

Napanguso naman ako.

Si papa talaga kung ano ano ang sinasabi.

Sumakay na kami ni Jay sa kanyang kotse matapos maiayos ang gamit ko sa compartment nito.

"Bye ma, bye pa!" sabi ko at kumaway pa.

Maingat namang nagmaneho si Jay.

Panay kwentuhan lang namin ng kahit ano habang nagbabyahe.

"Ang sweet talaga ng parents mo noh? Sana ganoon din ang family ko." mahinang sabi niya.

Huh? May problema ba?

"Bakit Jay? Di ba sweet ang parents mo?" tanong ko.

Huli na ng marealize kong mali na itanong ko pa.

Umiling si Jay..

Kita ko ang lungkot sa kanyang mata.

"Abala sila sa trabaho kaya minsan lang kami nagkakasama. Madalas wala sila.." saad niya.

Tila hinaplos ng awa ang aking dibdib sa aking narinig.

Sa kabila pala ng pagiging masayahin ni Jay ay may itinatago pala siyang kalungkutan.

Di ko napigilan ang sarili at hinaplos ko ang kanyang pisngi.

"Eh di makibonding ka na lang sa amin.. Wag mo na munang isipin ang parents mo. Abala ang mga yun sa pagpapayaman!" nakangiti kong sabi.

Napatitig naman si Jay sa akin.

Bigla ko tuloy naiwas ang aking tingin.

Pakiramdam ko ay pulang pula ang aking mukha.

"You know, i think your right. Masaya sa inyo.. Pwedi ko bang dalasan ang pagtatambay doon?" sabi niya.

Tiningnan ko siya.

Masaya na naman ang kanyang ngiti.

Patuloy lang ang aming masayang kwentuhan hanggang sa makarating kami sa resort ng kanilang coach.

Sinalubong kami ng mga kasahan niya sa varsity.

"Captain! Ang tagal niyo naman.. Kagabi pa kaya kami dito? Akala namin susunod ka agad.." nanunuksong saad ng isang player at nakatingin sa amin.

"Ipinagpaalam ko pa si Odesse." sagot ni Jay at pasimpleng binatukan ang kasamahan.

Sumalubong naman sa amin si Coach Carl.

"O Jay, andyan na pala kayo. Ready na yung silid. Yung ikatlong pinto sa kaliwa." saad ni Coach.

Tumango naman si Jay at umakyat na kami sa ikalawang palapag ng bahay.

DREAM Man [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon