“Run! Bilisan mo Kash! Ahhhhhhhhhhh!” sigaw na lang nya ang tanging narinig ko. Hindi ko sya kilala at ngayon ko lang sya nakita pero pakiramdam ko ay unti-unti din akong pinapatay habang walang awa syang pinapatay nung mga taong humahabol samin. Tumakbo ako ng tumakbo gaya ng sabi nung babae hanggang sa makarating ako sa may gilid ng bangin.
“Pano ba yan pare? Wala ka ng tatakbuhan.” Sabi nung lalaking naka maong na jacket. Di ko alam ang gagawin ko, hindi ako natatakot pero parang may bahagi ng pagkatao ko ang gustong magmakaawa na buhayin nya ako.
“Why are you doing this? Sino ba kayo?” patuloy lang ako sa pag-atras habang palapit sya ng palapit sakin.
“Isa kang Salamander diba? Kelangan nyong mamatay sa mga palad ko” nagpupuyos sa galit ang mga mata nya. Patuloy syang lumapit sakin at patuloy din ang pag atras ko hanggang sa—
“AAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH” tuluyan na akong naubusan ng tutungtungan at nahulog sa napakalalim na bangin. Ito na nga siguro yun, hanggang ditto na lang ata talaga ako.