CHAPTER 13

270 9 0
                                    

CHAPTER 13

YELLOW POV

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto pero wala pa rin ako sa aking sarili. Tsk. Ano ba ang gagawin ko?

'Malamang bababa.' 

Aish.Oo alam ko yun! Ang ibig kong sabihin, anong gagawin ko kapag hindi ko na kayang makita yung dalawa na magkasama.

'Ai teh! Edi tumunganga ka na lang! Problema ba yun duh?'

Pwede ba konsensya manahimik ka na lang dyan! Tsk.

*Sigh*

Bumaba na lang ang ako baka kasi isipin ng mga barkada ni Red na ayokong maki-pagbonding sa kanila kasi puro ang kasama ko sa mga nakaraang araw ng pagbabakasyon namin eh puro si Gino lang. Hindi ko naman nakakasama si Red dahil may Ashley na sya.Tch.

Pagkababa ko nakita ko sila Red at ang mga barkada niya na masayang nagtatawanan kasama sila Gino at Ashley.

Pumunta na ko sa Dining Room pero mukhang hindi naman nila ako napansin kaya nagsalita ako.

"Hi Guyz! Mukhang ang saya niyo ah? Anong meron?" nakangiti kong tanong tapos natigil naman sila sa pagtatawanan nila at tumingin kung nasan ako.

"Oh Yellow! Mabuti nandito ka na! Ano? maayos na ba yung pakiramdam mo?" tanong ni Carl. Isa sa mga kaibigan ni Red.

"Ah-eh. Oo, okay na ko. Medyo nahihilo lang ako ng konti.hehe. Pero ayos na ko. Promise" sabi ko kasi ang alam nila masama yung pakiramdam ko kaya medyo hindi ako naglalalabas ng room ko.

"Okay. So pano ba yan lika na. Samahan mo na kami rito" sabi naman nung Cj. Isa rin sa mga kaibigan ni Red.

"Okay" sabi ko na lang tapos lumapit na ko kung nasan sila.

Kumain lang kami ng kumain. Tapos meron ding konting tawanan dahil sa mga barkada ni Red. Okay lang naman. Hindi naman ako masyadong nag-emoXD

Pero alam niyo na! Si Ashley at Red. Malapit ng langgamin dahil sa sobrang sweet. Inaasar na nga siya ng mga barkada niya eh. Kesyo bagay daw sila, kesyo ang ganda daw ni Ashley, kesyo kinikilig daw si Red. Mga ganun.Tsk

'Selos ka naman'

Hmp. Don't care! Kung ganun yung gusto nila edi magsama sila! Kainis.

Natapos na kaming kumain at umakyat na ko sa taas para magbihis ng pang-swimsuit. Nag-katuwaan kasi sila na mag-swimming kaya pati kami ni Gino eh nadamay.

Tsk.Balik na nga tayo dito sa paghahanap ko ng susuotin. Ano ba yung bagay? Yung gusto ko yung matatalo ko si Ashley. Yung sakin lang yung atensyon ni Red.

Dahil sa paghahanap ko ng susuotin, nakakuha ako ng two piece bikini. kulay Red siya at mukha talaga siyang agaw-pansin kaya bigla akong napa-smirk

'Hmp. Kung paseksihan lang. Panalong-panalo na ko. Like duh? Ako kaya si Ynna Low Watson. Ang pinaka-sexy sa pamilyang Watson at nanalo ng sexiest bagets. ^____^Kaya humanda ka Jared Wilson dahil manganganga ka sa ka-sexyhan ko.'

---------------------------------------------------------------------------------------

RED POV

Nandito na kami ng mga barkada ko at pati na rin nila Gino at Ashley sa Cottage. Hinihintay na lang namin si Yellow. 

Tsk. Ayos lang ba siya? Mukha kasing iniiwasan niya ko eh. Dahil ba kay Ashley? Aish. Di siguro. Ayun magseselos? Assuming lang ako.

"Syet pre. Ang ganda niya at ang hot. Anong name niya?"

"Oo nga pre. Ang ganda nga! May syota kaya to?" 

"Hai Miss. Anong name mo?"

"Hai miss. Ang ganda mo naman"

Nakarinig kaming mag-babarkada ng ganyang mga usapan. Kaya syempre ang mga bugok nakitsismis kung sino yung pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan dun. 

Pero wala naman akong paki-elam dahil iisa lang talaga ang gusto ko noh.tsk.tsk. Hindi yun mapapalitan ng kung sino-sino lang.Getz?

"Oh Shoot! Kung sinuswerte ka nga naman! Si Yellow pala yun pinagkakaguluhan ng mga lalaki dun oh!" sabi ni Mon2x

Kaya literal na napanganga ako. Anong sinabi niya? Si Yellow yung pinagkakaguluhan dun? p**cha! Okay na yung ibang babae! Wag lang ang hon ko noh!

Hindi ko alam. Naglalakad na pala ako papalapit sa pwesto ni Yellow.

"Hon!" sabi ni Yellow habang nakangiti tapos yung mga lalaki bigla naman nagsibagsakan yung mga mukha nung tinawag ako ni Yellow na Hon. Oh ano kayo ngayon mga ugok huh? Tsk.tsk.

"Hi Hon" sabi ko tapos magsasalita na sana siya nung hatakin ko siya at halikan ang mga labi niya.

Akala ko papalag siya pero naramdaman ko na lang na she kissing me back. Napadilat naman ako at tumingin sa mga lalaking kanina pa pinagnanasahan si Yellow sa mga tingin nila. Nag-smirk na lang ako at pinikit ko na lang ulit ang aking mga mata para maramdaman ang mga labi ni Yellow na nakadampi sa mga labi ko.

"Yun oh!"

"Shoot! Naka-score rin"

"Tsk. Grabe! Galing mo talaga dude!"

Rinig kong sigaw ng mga barkada ko. Aish. Panira.

Tumigil na ko sa paghalik kay Yellow at tumingin ako sa mga mata niya at sabay sabi "I love you"

--------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Hello poe:)

Pasensya na po kayo kung eto lang yung U.D ko. Malapit na kasi itong matapos eh. Siguro mga 3 Chapters or 4. Mga ganun. Matatapos na po siya kaya sana subaybayan at suportahan po natin ang storyang ito:D

Thanks po.And love you all.

By: AgaiNstMe

One-Sided Love(Short Story) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon