CHAPTER 15 (FINAL)

342 9 1
                                    

CHAPTER 15 (FINAL)

 

YELLOW  POV

 

Nakatingin lang ako kay Red habang nagda-drive siya. Maya-maya napangiti ako dahil sa aking naisip. Biruin mo, nagkagusto ako sa lalaking katulad niya. Nung unang kita ko kasi sa kanya eh nagwapuhan na ko pero hindi ko inaasahan na mahuhulog ang loob ko sa kanya. Gusto ko lang kasi siyang maging kaibigan noon pero ewan ko ba? Mapaglaro talaga ang tadhana.haha :D

 

 

Nga pala, may sasabihin ako sa inyo pero sikreto lang natin to huh? Actually, matagal ko ng kilala si Jared Wilson. Eh kasi naman yung friend kong si Steffie eh laging bukang bibig si Red o di kaya yung mga kaibigan nito. Oo sikat sila sa school at kilala talaga sila ng lahat. Pero ewan, ayoko talaga sa mga famous na lalaki sa school dahil karamihan sa kanila eh mga womanizer, heartbreaker, o di kaya mga mayayabang.

 

 

Katulad na lang nung ex ko. Sikat siya kaya babaero at mayabang. Palibhasa may ipagmamayabang siya. Sa totoo nga lang, nagkagusto talaga ako sa ex ko na yun kaya nga naging ex-bf ko diba? Malambing at sweet siya. Idagdag mo pa na gwapo siya at sikat sa school. Ang kaso, ang lolo niyo babaero! Womanizer! Playboy! Akala ko noon eh mabait talaga siya at tapat. Yun pala, kaya naman pala sweet sakin dahil sweet din pala siya sa lahat ng babae. Kaya ayun, lalong nadagdagan yung inis ko sa mga sikat na lalake sa school.

 

 

Pero syempre, kahit naiinis pa rin ako sa kanila hindi naman ako gumagawa ng kung anu-anong bagay na makakapag-pahiya sa kanila. Dahil baka kasi lalo pa silang sumikat!haha.joke XD

 

 

So ayun nga, kilala ko na talaga si Jared noon pa. Ang kaso hindi lang ako namamansin. Hanggang sa ayun nga. Dumating yung marriage interview then nalaman kong si Jared Wilson pala yung mami-meet ko. Nung una, nag-aalangan ako pero kalaunan eh pumayag na kong pumunta dahil kawawa naman yung tao kung maghihintay diba? Kaya yun, dun ko na siya nakilala at naging friends hanggang sa alam niyo na! haha. Hanggang naging officially boyfriend ko sya ^______^

 

 

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan hon? Siguro gwapong-gwapo ka na sakin noh!haha" biglang sabi ni Red na ikinabalik ko naman sa realidad. Hayy naku! Ang yabang talaga ni Red. Sabi ko sa inyo eh, kapag sumikat ka talaga ayan na ayan yung magiging ugali mo. Eh kasi sikat ka na eh.=_______=

 

 

"Yabang. May naiisip lang ako noh? Kagad ka naman  nagbuhat ng sarili mong bangko.tsk.tsk" sabi ko sa kanya sabay irap pero nakangiti.haha.Parang baliw lang neh?

 

 

"Asus.! Nagpatay malisya pa ang hon ko!haha. Eh  kahit na hindi naman ako magbuhat ng sarili kong bangko eh gwapo naman talaga ako diba? At ayan ang hindi mo maikakaila" mayabang na sabi ulit ni Red.

 

 

"Oo na! Oo na! Ikaw na gwapo. Sayo na lahat" sarcastic kong sabi. Pero ngingiti-ngiti pa rin ako.haha. Nakakatuwa kasi si Red eh.

 

 

"Naman. Kaya nga pati ikaw...akin eh" sabi niya sabay wink sakin then humarap na ulit sya sa daan.

One-Sided Love(Short Story) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon