Memory 1

2 0 0
                                    

"Will you be my forever, Jillian Alia Mendoza?" Tanong ng aking boyfriend na nakaluhod sa aking harap na may dalang diamond ring.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Tuloy tuloy na din ang pag agos ng aking luha.

"Yes!" Maligaya kong sagot. Isinuot niya na sa akin ang singsing atsaka ako niyakap ng mahigpit.

Tuwang tuwa rin ang mga taong nakapaligid samin. Everything's perfect!

"I love you so much" bulong niya sa akin sabay halik sa aking noo.

"I love you too, Bryan. And thank you for making me happy" tuloy padin ang iyak ko.

"Shhh. Don't cry, love. Ito yung pangarap nating dalawa diba?"

Tumango naman ako habang pinupunasan niya ang luha ko.

Finally, after 6 years matutuloy na ang gusto namin ni Bryan.

Pagtapos namin magyakapan ay pinuntahan namin sa lamesa ang aming college friends, ang bridge ng relasyon namin ni Bryan.

"Shocks! I'm so happy for you, girl!" Yakap ni Angelica sa akin.

"Salamat" sagot ko ng may galak.

"Congrats pare! Malapit ka nang isakal" kantyaw ni Gab na agad ko namang sinapak na ikinatawa ni Bryan.

"Umayos ka nga, Gab!" Saway ko sakanya.

"Love, hayaan mo na yan. Inggit lang yan" ganti ni Bryan para sa akin.

"Hoy masaya akong single!" Sagot niya na nagpatawa sa grupo.

"Tara puntahan naman natin sila mama sa kabilang table" bulong niya sakin.

Tumango naman ako at namaalam muna sa aming mga kaibigan.

Magkahawak kamay naming tinatahak ang daan patungo sa lamesa ng aming mga magulang, ang sumuporta sa 6 years naming relasyon.

Naabutan ko naman si mommy na nagpapahid ng luha.

"Ma! Ano yan? Sayang ganda!" Lapit ko sa aking mommy.

"Masaya ako para sainyo ni Bryan, anak." Nangiti nalang ako.

"Oh Bryan, alagaan mo iyang anak namin ha. Ikaw na bahala" bilin ni daddy sa kanya.

"Yes po, daddy" magalang na sagot ni Bryan.

"Congrats, son and my future daughter-in-law" bati sa akin ng mama ni Bryan.

"Thank you, Ma!"

"Sayang lang at hindi na naabutan ng papa mo ang magiging apo namin" sabi ng mama niya.

"Apo agad??" Medyo nahihiyang sagot ni Bryan.

Nagtawanan naman kaming lahat sa lamesa.

"Kasal muna dapat ah? Bawal magmadali." Depensa ng mommy ko.

Tumango naman kaming dalawa.

"Teka lang, love" umalis saglit si Bry sa aking tabi dahil nilapitan niya yung emcee.

Tinignan ko naman ang kapaligiran.

Isa itong simple engagement party na ang mga taong invited ay iyong naging parte ng aming relasyon.

Narito kami sa rooftop ng isang malaking bahay. Big enough to handle parties na ganito.

"Pwede na po kumain ang mga bisita" inannounce ng emcee.

La MemoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon