Memory 3

10 0 0
                                    

Nagising naman ako sa tunog ng aking cellphone

Love calling....

"H-hello?" Sagot ko

"Goodmorning, Sleepyhead" he said in a husky voice.

Ang hot naman ng mapapangasawa ko

"Goodmorning" sagot ko

"Bumangon ka na. Kumain ka ng breakfast bago ka umalis" bilin niya

Ganyan siya. Minsan gigisingin niya ako para iremind sa mga dapat kong gawin.

Human reminder kumbaga.

"Ikaw din, kumain ka na" ganti ko

"Kumakain na ako. See you later"

"Hmm. See you later"

"Sige na, kumilos ka na. Bye, I love you" lambing niya

"Okay. I love you too"

Then I hang up

Ang sweet at caring talaga ng fiancé ko.

Bumangon na ako at nagsimulang maligo.

Pagtapos ko naman mag ready ay bumaba na ako para kumain ng agahan.

Dinatnan ko sa aming lamesa ang balot ng favorite fastfood ko.

Nang sinilip ko ito ay may note na nakalagay.

To: Soon to be Lim
Goodmorning, love! Enjoy your meal. See ya later! Take care. Always remember that I love you so much.

- Bryan Lim

Tinext ko muna siya bago lantakan yung mga pagkain na pinadala niya.

To: Love
Thank you sa food! Kaya pala ginising mo ako :P Mahal na mahal mo talaga ako ano?

Message sent!

Nangingiti naman ako habang kinakain itong nuggets with fries

My phone beeped

From: Love
Mahal na mahal nga kita. Patay na patay nga ako sayo eh :P

Tila umiikot naman yung pwet ko sa kilig.

Hindi ko muna pinansin yung text niya dahil baka hindi ako matapos kumain kakalandi sa fiancé ko.

Pagkaubos ko nito ay agad na akong tumungo sa aking trabaho dala ang aking kotse.

Pagka park ng aking kotse ay dumeretso na ako sa aming department.

Habang nakasakay ako sa elevator ay tinawagan ko muna si Bryan.

"Miss mo na ako agad?" Bungad niya

Tumawa lang ako.

"Wag mo na pala ako sunduin mamaya. May dala akong kotse" I informed him.

"Hmm. Okay. So hindi mo ako miss?" Pagtatampo niya kunyari

I chuckled.

"Tinawanan lang ako?" Mas nagtampo siya

"Syempre miss na kita. Kaya nga kita tinawagan eh" bawi ko.

"Mahal na mahal mo talaga ako ano?" Pang gagaya niya sa sinabi ko kanina sa text.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

La MemoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon