Memory 2

6 0 0
                                    

Ilang araw nakalipas mula noong engagement party ay nag simula na kaming mag ayos sa bagong bahay.

Sakto lang naman ang laki ng bahay para sa bubuoin naming pamilya.

Dalawang palapag ng bahay na may rooftop sa taas kung saan ginanap ang party.

Isang master bedroom, dalawang maliit na kwarto para sa aming magiging anak, dalawang guestroom para sa aming mga kaibigan, at isang kwarto para sa mga maids.

Sa labas naman ay may malaking garden na tila gusto kong pagawan ng maliit na swimming pool.

"Love, paki tignan naman yung mailbox kung may sulat na nakalagay" pakiusap sakin ni Bryan.

"Sige" lumabas ako para icheck ang mailbox.

Pag silip ko ay may laman nga itong envelope. Walang address na nakalagay.

"Love, may sulat kaso parang walang address na naka lagay. Baka hindi sa atin ito" sabi ko.

"Paki buksan naman oh" pakiusap niya

Binuksan ko naman ito at may papel sa loob.

"Basahin mo" utos niya

"Third surprise?" Basa ko sa naka sulat. Tumingin naman ako sakanya ng may pagtataka.

May inangat siyang dalawang ticket mula sa kanyang bulsa at iwinagayway sa harap ko.

"Surprise!" Sabi niya ng maligalig

"Love, ano ito?" Sabay kuha ko sa ticket

Hinila niya ako at pinaupo sa sofa

"Bago tayo ikasal, gusto ko tuparin iyong mga pangarap mong lugar na gustong puntahan at uumpisahan muna natin sa malapit" he explained.

"Pupunta tayong Enchanted Kingdom?" Mangha kong tanong.

"Oo, pupunta tayo sa Sabado! Matagal mo ng gusto iyon diba?"

Tumango naman ako at niyakap siya.

"Nextweek naman ay makikipag kita na tayo sa wedding organizer natin" sabi niya

"Love, excited na ako. I love you" sabi ko.

"I love you more" at hinalikan ako sa labi.

"Tara hahatid na kita sainyo?" Sabi niya

At tumango naman ako.

Sinarado na namin ang bahay atsaka tumungo sa sasakyan.

"Love, gising na" napadilat naman ako

"Nakatulog pala ako, sorry" paumanhin ko

"Okay lang, pagod ka eh. Sige pumasok ka na sa loob."

"Hindi ka na papasok?" Tanong ko.

Umiling siya

"Kailangan mo magpahinga. May pasok ka pa bukas." Sabi niya

"Okay, bye. Mag iingat ka, love" bilin ko pagbaba ng sasakyan.

Bumusina muna siya bago tuluyang umalis.

La MemoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon