The next night

87 0 0
                                    

It's already 7:30 pm

Okay. I can't stop myself. I am really very curious now. It's been the next night and now, I feel the need to go online again. 

And so, nagonline na nga ako. Chineck ko kaagad kung online si Mr. Monvestre, but he ain't. Offline pa siya. Nakahinga ako ng malalim. Kinakabahan kasi ako sa kung anong mangyayari sa paguusap namin ngayon. Suddenly, nakita kong may unread message pala ako. And when I clicked it, as expected, si Mr. Monvestre ang nagmessage sakin. Nagulat ako nang makita ko ang mga minessage niya sakin. 

"Good morning Ms. Mendoza!" message was sent in 6:01 am

"Hi Ms. Mendoza sorry uminit yung ulo mo kagabi dahil sakin. Peace ulit! Hahaha! Wag mo nalang isipin yun. Baka hindi ka makapagconcentrate mamaya sa school mo." message was sent in 6:04 am

"Hi Ms. Mendoza! Papunta ka na ba sa school? Ingat ka ah! Baka madapa ka or whatsoever. Haha!" message was sent in 6:30 am

"Ms. Mendoza aantayin kitang magonline mamayang gabi ah! Mga 8:00 pm siguro. Late na kasi ako nakakauwi sa bahay. Please. Kailangan kitang makausap. :)" message was sent in 6:35 am

"Okay Ms. Mendoza, bye na. Papasok na din ako sa school!" message was sent in 6:37 am

Omyghad. This guy is really desperate. Kaninang umaga pa pala siya nagmemessage sa akin. Pero hindi naman ako online kasi naghahanda akong pumasok sa school. So, chineck ko ang time, 7:45 pm na.  8:00 pm pa daw magoonline si Mr. Monvestre, so may 15 minutes pa akong free time para maghanda ng kung anong sasabihin ko sakanya. 

Magagalit ba ako? Sisigawan ko ba ulit siya or shall I give him a chance to explain? Well, chill nalang nga muna kaya? Oo. Tama. Chill muna. Let him explain everything. 

So nagbrowse nalang muna ulit ako ng news feed ko. Nakita kong nagstatus si Anthon Silvestre. Hay. Mabasa ko lang ang pangalan niya, natutunaw na agad ako. Ang hot kasi ng pangalan niya. Hahaha!

"I had so much fun last night talking to her. Hope she'll make my day again. Gtg. Kakausapin ko na siya in a while from now" Yan ang status niya. What? Sino yung her? Sino yun babae? What? I can't believe it? May girlfriend na ba siya or ka MU? Ha? Eh? Hindi ako makapaniwala. Wala naman akong news na nasagap na may nililigawan or crush si Anthon. Omg. Wala na nga ata talaga akong pag-asa. Huhuhu! Mag-uusap pa daw sila mamaya? Noo. 

Something made it worse. Nakita kong nagcomment pa dito ang bestfriend kong si Emerald. 

"Yie! Yun naman. Dumadamoves na yan. I know she'll like you so much. Trust me." What? Srsly? Pati sarili kong bestfriend na alam na alam na matagal ko ng gusto si Anthon? Suporta pa siya sa ibang babae?! Talaga ah? Grabe. Ang sakit naman nun. Dapat man lang ipinaalam niya sakin na may iba palang gusto  si Anthon para hindi na ako umasa. 

*Buzz 

Ayan na nga. Time check. 8:00 pm. Nag message na si Mr. Tron Monvestre. Ugh. Wag na sana siyang dumagdag pa sa inis ko ngayon. 

"Good evening Ms. Mendoza! Nakita mo ba ang messages ko sayo kaninang umaga? Ang sweet ko diba?" Kailangan kong magchill. Naiinis pa kasi ako sa nakita kong status ni Anthon at comment ni Emerald. 

"Oo." Yung nalang sinabi ko. Ayokong buhusan si Tron ng galit ko. Kawawa naman kasi siya.

"Bad mood ka ulit Ms. Mendoza?" Buti pa si Tron nakakahalata at nakakaramdam. Okay. Kailangan ko ng makakausap ngayon about what I'm feeling. Kailangan kong mailabas ang galit ko. Gusto ko kasing tanungin si Emerald pero hindi siya online. Ugh. No choice. Si Tron nalang. 

"Oo! Bad mood ako ngayon!" See. Ready na sana akong kausapin siya kanina ng maayos pero dahil sa status at comment na yun, sira ang mood ko. 

"Shh. Shh. Okay. Bad mood ka nga. So. um. Bakit? Ano bang nangyari? Don't worry. I'll try to understand. Sabihin mo lang para maintindihan kita." Aw. Answeet naman niya. Katouch. Joke

"Wag mo sasabihin kahit kanino kundi patay ka sakin!" Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ba siya. Pero kailangan ko talaga ng makakausap and Tron is the only one who is there for me now. 

"Yup! Promise! Quiet lang ako! I'll zip my mouth! Hahaha!" Good dog Tron. Hahaha! Masunurin pala to. Medyo nawawala na yung galit ko. 

"Wala. I just found out na may ibang gusto yung crush ko. And my taksil na bestfriend ay sinusuportahan pa siya. Alam naman ng bestfriend ko na matagal ko ng gusto yung guy pero hindi man lang niya ako ininform. So ako lang naman ay nagpakatanga na nag-iisip na may chance pang magkagusto sakin si guy. That's it. It's okay kung tawanan mo ako. Medyo mababaw pero.. Ugh. Nevermind"  And sinabi ko lang naman sa isang stranger ang aking nararamdaman. What is happening to me? 

"Ah. Hindi kita tatawanan. I understand. Sino ba yang bestfriend mo? Kakausapin ko." Hala. No. No way na sasabihin ko sayo. 

"Ayoko sabihin" 

"Dali na. Or kung sino nalang yung guy"

"No way. I don't even know who you are" Nagtuloy-tuloy lang ang convo namin

"Tsaka ko sasabihin sayo kapag sinabi mo sakin kung sino yung guy" 

"Bakit ba gusto mong malaman? Magpakilala ka kasi muna. How could I trust you?"

"You'll know kapag sinabi mo sakin kung sino yung guy. And I know you trust me now. You've already told me how you feel. So just tell me who the guy is and I'll shut up." Mukhang hindi titigil itong si Tron hanggang hindi ko sinasabi kung sino yung guy. So I decided na sabihin ko na sa kanya.

"Fine. Si Anthon Tristan yung lalake and my bestfriend is Emerald Miranda"

"Ah si Mr. Anthon Tristan Silvestre?"

"Yes. Pano mo nalaman?"

"I just know him and your bestfriend. We're close btw. The three of us." Oh. So nasagot na yung tanong ko kung bakit kilala niya si Anthon at Emerald. Close sila? Really?

"Ngayon sino ka? Nasabi ko na sayo ang crush ko at bestfriend ko. It's your turn. Pano mo nalaman ang full name ko? And bakit yung mukha ko pa rin ang Profile Picture mo?! Paltan mo na! " Ha! Hindi mo ako maiisahan. Kailangan kong malaman kung sino ka ba talaga. And naiinis pa rin ako kasi mukha ko pa rin ang Profile Picture niya. 

"I don't think it's the right time. Okay. I've got to go now. I still have a lot of assignments to do. Ikaw din Ms. Mendoza, gawin mo muna ang assignments mo. 9:00 pm na. Sige ka. Baka hindi ka agad matapos. Wag kang magpupuyat ha. Masama yun. Magkaka eyebags ka. Hala ka. Goodbye for now. Bukas nalang ulit! Goodnight and sweet dreams Ms. Mendoza. :)" What?! Manloloko talaga tong Monvestre na to. I knew it. Hindi ko talaga dapat ito pinagkatiwalaan. Ayaw pa umamin! Ugh. Okay. Fine. Bukas paaaminin ko na talaga toh. 

"You'll never get away from telling the truth tomorrow. 8:00 pm again. Go online or I'll never talk to you again. Ever." Medyo tinakot ko siya. *Evil laugh. Hahaha! 

"Sure. Bye"

"Bye."

":)" That was his last reply again. A smiley face. I did not reply back.  He logged out. And I logged out.  

Tomorrow. I shall know the truth. Who is this guy. Sino ba talaga si Mr. Tron Monvestre? 

Facebook Chat (Si Crush o Si Stranger?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon