Fever
"Aya, okay ka lang ba dyan?"
Nag aalang sabi ni mommy sakin mula sa pinto. Hindi ko parin mapigilan ang pag tulo ng luha ko. Tinakpan ko ang bibig ko para maiwasan mapa hikbi. Namuo ang takot sa dibdib ko dahil sa nararamdaman ko para kay Zero.
He's my counsin for goodness!
This is incest and wrong!
My feelings is so wrong!
This is stupid!
Itataboy ako ng pamilya ko pag nalaman nila ang nararamdaman ko para sa pinsan ko. Tinakpan ko ang muka ko at biglang bumukas ang pinto. Bumungad sakin si mommy na mukang nag aalala at di ko maiwasan mapahikbi.
Hindi nila pwedeng malaman to dahil alam kong ma didissapoint sila sakin. They always proud of me, They always happy for me. Tapos malalaman nilang ganito? Na ako, Gusto ko ang pinsan ko.
"Hindi ka lumalabas mula kahapon. Tapos umiiyak ka? Nag away ba kayo ni Zero?" Lalo lumakas ang luha ko ng marinig ko ang pangalan nito.
"M-masama po pakiramdam ko." sagot ko sa kanya.
"Oh, Kaya pala umiiyak ang anak ko. Ikaw kasi bakit nag babad ka sa pool na halos limang oras. Masakit ba katawan mo?" Mabilis akong tumango sa kanya.
Pinahiga ako ng mommy at tumayo sya, Kumuha sya ng damit sa loob ng cabinet ko. Pumunta sya sa Cr para kumuha ng tubig at alcohol. Patuloy parin ang pag tulo ang luha ko dahil sa takot.
Ngayon alam ko na kung bakit ako ganito. Kung bakit ako inis na inis kayCynthia, I'm jealous everything about her! Dahil napapansin sya ni Zero! Naiinis ako pag di ko nakikita si Zero sa isang araw at kahapon. Di man nya ko pinuntahan samin, Tumawag ako kay tita para itanong kung asan si Zero pero sinabi nito sakin ay kasama daw si Cynthia. Sobrang naiinis ako dahil don.
Gusto ko syang bawalin pero di pwede, Pinsan ako at bawal tong nararamdaman ko para sakanya. Kailangan ko syang iwasan pero lagi naman syang hinahanap ng mata ko. Ang boses nya, gustong gusto ko naririnig sa araw araw. Gusto ko ang mga hawak nya sakin, ang bawat yakap nya at sa bawat salita nya na nag dadala sakin ng ibang pakiramdam.
"Gusto mo ba papuntahin ko si Zero dito?" Mabilis akong umiling kay mommy ng matapos nya kong bihisan.
"He's with Cynthia, My. Wag nyo ng istorbohin." nahihirapan na sabi ko.
Huminto na ang pag tulo ng luha ko at pinikit ang mata ko. "Okay na ba sya?" si daddy.
"Nilalagnat sya dahil sa kakababad sa pool kahapon. PAg gising nya papainumin ko sya ng gamot para bumaba lagnat nya. May pasok sya bukas."
"Tatawagin ko si Zero, para ipaalam ang sakit ni Aya."
Narinig ko ang pag sara ng pinto at dinilat ko ulit ang mata ko. Tumulo nanaman ang luha ko dahil iniisip ko kung ano ginagawa nilang dalawa ngayon. Kung ngumi ngiti ba to, kung napapasaya ba sya ni Cynthia. Umupo ako sa kama ko at tumayo. Yumuko ako sa ilalim para kunin ang Box. Binuksan ko to at nakita ko ang bili kong polo para kay Zero na may pangalan ko.
Binalik ko na to sa ilalim at nilagay ko sa sidetable ang polo na yon. Bumalik ako sa pag kahiga at huminga ng malalim.
Nilalagnat ako dahil sa kakaiyak ko mula kagabi hanggang ngayon tanghali. Hindi pumupunta sakin si Zero, hindi nya ko hinahanap o tinetext man lang. Nag sisimula nanaman sumikip ang dibdib ko at pinikit ang mata ko. Ramdam na ramdam ko ang pag daloy ng luha ko. Halos di ako makatulog dahil don, kahit mag salita man lang di ko magawa.
Ganito pala kasakit ang mag kagusto sa isang tao, lalo na't di kayo pwede.
Halos dalawampu't minuto ako umiyak ng umiyak at narinig ko na ang pag bukas ng pinto ng kwarto ko. Hindi ko dinilat ang mata ko pero nung naamoy ko ang pamilyar na pabango ay saka ko dinilat unti unti ang mata ko at bumungad sakin si Zero na hingal na hingal. Lalong lumakas ang pag tulo ng luha ko.
BINABASA MO ANG
You're Mine (Montenegro Series #1)
Romance'You're mine' he said. Mabilis ang pag tibok ng puso ko habang pinag mamasdan ang kanyang mga mata. Is he serious about this? We're cousin for goodness! "Z-Zero..." i stuttering "You're mine, Aya! Damn it!"