Chapter 4

1.4K 38 4
                                    

Flashback***

"Will you be my girlfriend?" Tanong ni Thomas kay Ara na hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

"Ha?" Nagulat si Ara sa tanong ni Thomas.

"I said will you be my girlfriend?" Nakangiting tanong ulit ni Thomas kay Ara.

"Yes!" Masayang sagot ni Ara at niyakap niya si Thomas kaagad.

Hindi makapaniwala si Thomas na sinagot na siya ng babae na pinakamamahal niya.

"Finally!" Masayang sigaw ni Thomas at nagpa-ikot-ikot silang dalawa.

Nagulat silang dalawa na may pumalakpak sa likuran nila. At makikita sa mukha ni Ara na namumula siya. Nakota kasi nilang dalawa na lahat ng tao sa restaurant ay nakatingin sa kanila.

Tumawa na lang si Thomas sa nakita niyang reaksyon mula sa kanyang kasintahan. Isinubsob ni Ara ang kanyang mukha sa leeg ni Thomas.

"Thom, nakakahiya" sabi ni Ara nakayakap sa nobyo.

"Bakit baby? Gusto ko kaya na ipagmalaki na girlfriend na kita" sabi naman ni Thomas at hiniharap si Ara sa kanya.

Bakas sa mukha nilang dalawa na masaya sila at sa wakas magkasintahan na sila.

"Thank you so much baby..." sabi ni Thomas at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Ara at hinalikan sa noo.

"Thank you din." Sabi ni Ara at niyakap ulit si Thomas.

"You don't know how happy I am right now." Nakangiting pahayag ni Thomas kay Ara.

"Ako rin."

"Hmmm, let's extend our date kaya. Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Thomas kay Ara.

Mas lalong ngumit si Ara dahil may naisip siya kung saan niya gustong pumunta.

"Enchanted kingdom tayo, Thom" malambing na saad ni Ara at parang bata na nagpapacute.

"Nako, parang baby naman ang babe ko" sabi ni Thomas sabay pisil sa ilong ni Ara "pero since mahal kita, sige punta na tayo doon"

"Yes!" Sa sobrang saya ni Ara ay napayakap muli siya kay Thomas sabay kiss sa cheeks.

"Thanks Thom. Let's go"

Thomas' POV

Finally, sinagot na rin ako ni Ara. Phew, akalo ko hindi pa niya ako sasagutin eh. Buti na lang. Anyway, papunta kami ngayon sa EK. Sabi kasi ng mahal ko punta kami doon.

"Babe, thank you ha..." Sabi ko sa kanya.

"Sus, ako nga dapat ang mag thank you sa iyo eh. Akalain mo, matagal mo akong niligawan tas ngayon lang kita sinagot. Mabuti naman at hindi ka nagsawa." Sabi ni Ara sabay tawa.

"That will never happen, babe. In fact, matagal na kaya ako may gusto sa'yo." At tumawa ba naman siya ng malakas. Tsk, haha!

"Talaga lang ha? Eh sa naalala ko nung una tayong nagkita eh sinungitan mo ako"

"Hindi kaya. Nahiya lang ako." Mas lalo niya pa ako tinawanan "sige lang babe tawanan mo pa ako."

"Ayie, tampo si baby boy ko. Huwag na tampo ah, nagbibiro lang ako" hinaplos niya ang aking braso at hinalikan sa pisngi. Naks, ang swerte ko naman.

"Ang sarap naman nun. Isa pa nga"

"Heh! Nakakarami ka na ah. Next time ah" sabi niya sabay kindat sa akin. Ang cute naman ng girlfriend ko.

Sa wakas at nakarating na kami ng EK. Medyo nahirap kami maghanap ng bakanteng parking lot kasi maraming tao ngayon especially yung mga schools na may fieldtrip. Good thing may nakita na akong bakanteng lot at doon nag-park.

Saving My Love For You (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon