CHAPTER 5 First heart break

366 7 0
                                    

Pagkauwingg pagkauwi ko ng bahay. Agad kong kinuha yung tablet ko. At diretso FB.

Ayan nag lo- load na...

Loaddiiinnggg...

No connection.

Badtrip! kung minamalas ka ba naman oh?

"Oy?! may WIFI ba?" tanong ko sa kapatid ko.

"Oo andun sa may computer buksan mo na lang" sagot nung kapatid ko.

Agad naman akong nabuhayan ng dugo at lumabas ng kwarto.

Kinuha ko agad yung adapter ng WIFI at in-on ito.

Agad naman akong dumiretso sa Kwarto ko. At yan na...

Loooaaaadddiiinnnngggg...

Connected.

Agad kong binuksan yung FB ko. At ni research ang pangalan na sinabi nung guard kanina.

*type*type*type*

At may lumabas. Sya kaya tong *censored* na toh?

Pinindot ko yung pangalan. At...at....at..........................at..............

Sya nga!

Agad ko namang brinowse yung timeline nya. Nakita ko na friend nya rin pala yung mga ka schoolmate ko. Agad kong clinick ang ADD as FRIEND. At tinuloy ang pagtingin sa timeline nya.

Pero isang picture ang nakaagaw ng pansin ko.

Sya...kasama ang isang babae. Nanlumo ako... parang gumuho ang mundo nang dahil dun.

Pero baka kapatid nya lang. or Friend? o kaya baka...tama na nga...

bri nowse ko pa uli ang timeline nya at ang dami nilang picture na magkasama. At isa pang nagbago ng mood ko ay yung parehas silang nakangiti sa bawat picture na yun.

Ayaw ko nang lamunin ako ng Curiousity kaya kahit ayaw ko pinindot ko yung isang picture.

At isang nakakapang hinang dalawang salita ang nagpatigil ng mundo ko.

"My Life" ang caption sa picture.

Binasa ko pa yung mga comment sa baba.

'Girlfriend mo'

'Opo'

'Bagay kayo'

Hindi ko namalayan na nangingilid na pala yung mata ko.Agad kong pinunasan yung mata ko ng likod ng palad ko kakahiya baka makita pa ko ni ate.

Click* Home*

At nagtingin-tingin na lang ako sa mga post ng mga friends ko sa FB.

May girlfriend na pala sya...

Ouch..

CRUSH KITA! Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon