Pagkatapos nang pangyayaring yun. Tumigil na ko. Bakit pa di ba? May girlfriend na nga makikigulo pa at tsaka FORBIDDEN din yun. Kaya no choice rin naman ako kaya tigil-tigil habang maaga pa.
Naisip ko din na. Yung mag asawa nga naghihiwalay, magsyota pa kaya? Pero naisip ko din. Hindi ako ganun naghahangad ng kasamaan sa isang tao para lang matupad ang gusto nya. Wala rin namang magandang dulot sakin.
*Sigh*
Kasalukuyang nandito kami sa first Class namin. But sad to say ginagamit ang room namin. Kaya dito muna kami sa room na katabi ng AP centre. Two Months na rin akong natigil sa pagpapantasya sa kanya.
*Sigh*
Naiisip ko pa lang na pinagpantasyahan ko ang isang teacher nandidiri na ko sa sarili ko. Grabe! Pero Oh? Well! Tapos na yun.
Pumasok si Sir sa klase namin.
"Dala niyo ba yung libro nyo?" tanong nito samin.
"Opo."
"Ok Open it in Page 69 at tsaka answeran niyo na din" sabi ni Sir samin.
Habang ginagawa namin yung activity kung anu-ano yung tinatanong ng mga classmate ko kay sir.
"Sir sino po ang highest sa TLE ngayong first grading?" tanong ng classmate kong lalaki.
"Hmmmm... hulaan niyo?" sabi nito . Nasabi ko bang palabiro rin tong teacher namin sa TLE.
"Ako! sir Ako! " sabi nung classmate kong isa.
Ok! Paano ba toh gawin! Ay oo ganito nga pala toh! then yan tapos na!
Natapos ko na yung ginagawa ko habang sila tanong pa rin ng tanong kay Sir.
"Eh Sir? sino na lan yung lowest? " tanong naman nung isa ko pang classmate.
"Ay yung lowest gwapo yun eh!" sabi ni Sir.
"Oy?! Ako pala yung lowest?!" sabi naman nung isa kong classmate.
Nagtawanan naman kami sa sinabi nya.
"Sir!" May tumawag naman kay sir kaya napatingin kaming lahat sa likod. Dalawang estudyante.
"Oh? Bakit?"
"Kukunin lang po namin yung *toot*" sabi nung isa na I think na isang officer sa CAT.
"Ah sige andun kunin niyo na." sabi ni Sir may maliit kasi na Office dun sa likod ng blackboard.
Agad namang pumasok yung isang lalaki dun sa loob.
"Ah? Yan officer yan ng Cat" sabi ni Sir.
"Anong pangalan?" tanungan ng mga classmate ko. Sa pagkakaalam ko kasi kelangan nila yung list ng name ng mga officer ng CAT dahil mag si-COCC sila.
Lumabas na si Kuyang may bitbit na parang baril na gawa sa kahoy!? ay basta di ko alam ang tawag dun.
"Oy Pahiram ng notebook at papel" sabi naman ng classmate ko.
Pinahiram ko naman sya.
Inakbayan naman ni Sir yung lalaki na officer din.
"Eh? sya gwapo ba?" tanong ni sir samin.
"Ay Sir sya lowest?" tanong isa kong classmate.
Kanya-kanyang side comment naman yung classmate ko. Nakasideview kasi si kuya sakin kaya di ko makita kung gwapo pero alam ANTANGOS ng ilong nya.
Umalis naman na sila nang kasama nya pagkatapos nila kunin yung kelangan nila.
"Oh grace oh?" binalik na sakin ng classmate ko yung notebook ko.
"Anong ginawa mo?" tanong ko rito.
"Ah yun ba? sinulat ko lang yung pangalan nung isang officer kanina?"
Huh?
Agad ko namang tinignan yung likod ng notebook ko.
At nakita ko may pangalan nga. At....
Ang ganda ng pangalan nya.
Napangiti ako ng di sadya.
"Oy?Crush mo na?"
"Ano hindi ah?" Nakangiting sagot ko.
----------END----------
BINABASA MO ANG
CRUSH KITA! Sir!
Short StoryNagkaroon ka na ba ng CRUSH? Malamang lahat naman eh! Meron yung iba lang in-denial pa! Pero ako! May Crush din ako noh! Kayalang... Iba siya eh... Teacher kasi sya..