5:59. Isang minuto na lang.
Hindi ko maiwasang kabahan sa bawat pagdating ng minuto.
Meet me on the tree at 6.
Sa dalawang taon naming pagsasama, ngayon niya lang ako tinext ng ganyan. Kalimitan kasi may sweet words pa siya. Atsaka mapansin mo din sa paraan ng pagka-deliver sayo ng message, parang napaka seryoso ng mga magaganap.
Tumunog na ang bell. Halos hindi naman ako makatayo dahil sa matinding pagkabog ng aking dibdib at panginginig ng tuhod.
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito na lamang ang reaksyon ng aking katawan?
Pinilit kong tumayo. Bukod kasi na may kailangan akong puntahan ay ako na lamang mag-isa ang tao dito sa classroom. Medyo creepy na rin kasi ang lugar na ito dahil padilim na sa labas.
Dali-dali akong pumunta sa punong sinasabi niya na siyang pinakapaboritong lugar at tambayan naming dalawa.
Nang abot-tanaw na ng aking mata ang puno ay dahan dahan akong naglakad papalapit at bahagyang lumiko upang makita ako ang kabilang parte mg puno.
Sa pagkakataong ito, isang napakamaling desisyon ang pagtangka kong silipin ang kabilang parte ng punong iyon. Feeling ko, tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Para akong itinulos sa aking kinatatayuan. Nanginig ang aking mga tuhod. Nagbabadya na rin sa pagtulo ang mga luhang hindi ko inaasahang magpapakita pa sa mga panahong nakalipas.
Naikuyom ko ng mahigpit ang aking mga kamay dahil sa aking nakikita.
"Zake..." pagtawag ko sa kaniyang atensyon.
Ngayong kaharap ko na sila, harap-harapan ko na ring nakikita ang kababuyan nilang dalawa.
Mga hayop.
Napalingon naman siya sa akin. Mas lalong tumindi ang mga emosyon sa akin nang hindi ko man lang nakitaan ng gulat ang kaniyang mukha.
"Hon, who is she?" rinig kong tanong ng babaeng kahalikan niya kani-kanina lamang.
Hindi ko inalis ang aking tingin sa kaniyang mga mata. Feeling ko para na itong apoy na lumalagablab at kung sino mang matitigan nito ay magliliyab.
"Zake," wala akong nakuhang sagot.
Inaasahan ko pa man din sanang magsasalita siya at ipapaliwanag ang mga kaganapang ito na dumudurog sa aking puso.
"ZAKE!!!" Hindi na ako nakapagpigil at naisigaw na ang kaniyang pangalan tawag kong muli at saka pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pala pinipigilan.
"We're over."
Ang mga huling salitang lumabas sa aking bibig bago ko tinalikuran ang lahat. Hindi ko na kinaya pang pigilan ang aking mga luha at kusa na silang nagsipagbagsakan.
Matagal ko nang alam na may kalandiang iba iyang lalaking iyan. At ngayon nasiguro ko na talaga. Sinayang niya ang 2 years.
Fck.
BINABASA MO ANG
She's So Gone
RandomNagmahal, nasaktan Pinahirapan ng kapalaran Nawala, nabagok Hinarap ang bawat dagok Bumangon, nagbago Namuhay sa limot Nagbalik, nagtagpo Muling sinuyo Nakalala, natuto Nais malaman ang totoo. Anong mananaig, Sarili o pag-ibig? [Start: August 1, 201...