"Sige guys. Una na kami," saad ng kaibigan ko na siya ring kasama ko sa banda. Si Kelly, ang lead singer.
"Okay. Ingat kayo! Hoy Adam! Ingatan mo yan!" Bulyaw ni Marco kay Adam. Napailing na lamang ako.
Si Adam ay ang drummer. Which is boyfriend ni Kelly.
Si Marco naman ay pianist or minsan guitarist.
Mga malalandi.
"Guys, una na ako. Maggo-grocery pa ako," si Amber the lead guitarist. Ang bait-baitang anak ng grupo. Agad-agad naman siya umalis.
At ako naman, ang basist ng grupo.
Tahimik lang akong nagliligpit ng mga wirings sa tabi-tabi. Katatapos lang kasi ng practice/jamming namin. And so para makabalik pa kami dito ay dapat kung anong itsura ng dinatnan namin, dapat ganun pa rin pagkaalis namin.
We're not famous. Tamang kilala lang sa school namin at siyang laging iniimbitahan para tumugtog. Hindi naman kasi kami bumuo ng banda para sumikat. Tamang makapagtugtog at makakanta lang para mawala ang stress, bigat ng loob at kung ano-ano pa.
Ang totoo niyan, nagkakilala kami lahat sa isang park kung saan kaming pinagtagpo ng tadhana. Choss may pa tadhana.
Lahat kami ay may dinaramdam nung mga panahon na iyon at gustong maglabas ng sama ng loob or just spend some alone time.
May namatayan, merong may sama ng loob sa pamilya, merong stress sa school, stress sa pamilya, at may broken hearted. Nagkasundo kaming lahat. Nagdamayan. Naging magkakaibigan. Ang iba naman, nagka-in love-an. Nagkataon pa na sa iisang school lang kami nag-aaral kaya nakakapag-bonding kaming maigi.
It all started with a single beat.
"Rain," napalingon ako sa taong tumawag sakin. Si Marco. "'Di ka pa uuwi?"
Inilibot ko ang aking paningin sa kwarto. Kami na lang palang dalawa ang naiwan dito sa music room. At madilim na rin sa labas.
"Maya-maya na ako. I still have to finish this," sagot ko sa kaniya habang patuloy pa rin sa pag-aayos. "Sige na Marco. Mauna ka na. I'll be fine."
"Are you sure?" Tanong niya pa ulit. Tumango lang ako. "Okay. I'll go now. Bye Rain. Mag-iingat ka."
"Bye," bahagya ko pa siyang tinapunan ng tingin at nginitian.
Nang matapos ako sa pag-aayos, mga ilang minuto muna akong nag-stay sa lugar na ito at nagmasid.
This place has been my home when I can't find one. I will never forget the memories I had in this place, in this music room. Ang lugar rin na ito ang naging confession room ko. At masasabi kong halos kalahati ng mahahalagang pangyayari sa buhay ko ang lugar na ito ang saksi.
Hindi na ako natagal. Umalis rin ako matapos ang ilan pang minuto. Pasukan na pa naman bukas. Kailangan ko nang umuwi.
Akala mo naman may naghahanap sayo.
Anyways.
Ghaaaad. I'm craving for ice cream. And so dumaan muna ako isang convinience store para bumili ng ice cream. Tinatamaan na naman ako ng sakit ko kaya kailang ko ng comfort food ko.
Hmm. Ice cream, ice cream, ice cream.
Binaybay ko ang mga pasilyo ng convinience store na ito. Habang naglalakad, sinasabayan ko naman ng pag-tap sa hita ang beat ng tugtugin mula sa aking earphones na nasa tenga ko. Wala ibang hangad itong bibig ko kundi ice cream kaya hindi ko magawang tumingin pa ng ibang makakain.
"Ohh. There you are. Pistachio ice cream," naibulalas ko na lamanng makita ang hinahanap.
Nagtubig ang bagang ko. Feeling ko pa nga eh nagniningning pa ang aking mga mata habang tinitignan ang 1 gallon ng pistachio flavored ice cream.
Hindi ako sisipunin. Tiwala lang.
Pumunta na ako sa counter para magbayad. Pa-cool pa akong naglalakad habang sinasabayan naman ng pag-hmm ang music.
At sa aking katangahan na hindi tumitingin sa daan, may nabangga akong matigas na pader na halos ikatilapon ko sa Mars.
Sht. Hindi pala pader, tao pa. Taong malapader sa lapad at tigas.
Wag kayong ano. Hindi niya ako sasaluhin. At hinding-hindi ako magpapasalo sa kahit sino. Hindi na nangyayari 'yang pasalo-salo na 'yan sa realidad ha. Basta na lang nilang iiwan sa ere matapos saktan.
"Sorry," paghingi niya ng paumanhin.
Ehh?
"Sorry. I wasn't looking," saad ko naman at bahagya pang siyang tinignan.
Tipid pa akong ngumiti atsaka naglakad paalis.
Wait. He looks familiar. It was like I've seen him somewhere sometime. Pero hindi. Ngayon ko lang talaga siya nakita.
Anyways. Bakit ko pa pinoproblema gayong may mas malaki akong problema ngayon. Tsk. Wala na akong time para sa mga ganyan. Gusto ko ng makauwi at makain ang ice cream na ito.
Tinungo ko na ng cashier binayaran ang ice cream na hawak ko. Bahagya ko pang inikot ang aking paningin sa store na ito habang hinihintay na mabalot ang binili ko. Nakita ko pa yung lalaking nakabangga ko sa di kalauyaan ngunit agad ko ring binawi ang aking paningin nang mapansing palingon siya rito.
Pagkakuha ko sa binili ko ay agad din akong lumabas ng convinience store at tinahak ang daan pauwi. Mga isang kilometro pa ang layo ng convinience store na ito so medyo malayo-layo pa pero mas trip kong maglakad ngayon.
Pagdating sa bahay, as always walang ibang tao maliban sa guard, driver at mga katulong. Nasa business trip na naman kasi mga magulang ko ngayon.
Lagi akong mag-isa sa bahay na ito which is what I always wanted, ang mapag-isa. Although may kasama naman akong ibang tao, at least may bantay ako while I'm locking myself in my bedroom.
Bago ako umakyat sa aking kwarto ay dumaan muna ako sa kusina para kumuha ng kutsara. Nae-excite na akong kumain ng ice cream kaya wala na akong ganang kumain ng hapunan.
Papasok na ako sa aking kwarto nang mapatigil ako dahil sa pag-vibrate ng phone ko. Dinukot ko ito mula sa aking bulsa.
From: Amber
May transferee daw. Lalake at nagbabanda.
Napataas naman ang kilay ko.
Eh ano naman ngayon? Pakihanap pake ko sa inner core.
Napakibit-balikat na lamang ako at ibinalik sa aking bulsa ang phone. As I entered my room, patalon akong humiga sa higaan ko at sinimulang lantakan ang aking fave ice cream.
Yummm.
BINABASA MO ANG
She's So Gone
RandomNagmahal, nasaktan Pinahirapan ng kapalaran Nawala, nabagok Hinarap ang bawat dagok Bumangon, nagbago Namuhay sa limot Nagbalik, nagtagpo Muling sinuyo Nakalala, natuto Nais malaman ang totoo. Anong mananaig, Sarili o pag-ibig? [Start: August 1, 201...