"Ohemgee si Rain!"
"Yeah! Ang cool niya."
"Hi ate Rain!"
"Good morning Rain."
I just smilled at them atsaka nagpatuloy sa paglalakad.
Araw-araw ganito ang eksena dito sa hallway. Kabi-kabila ang bumabati. Paminsan-minsan may nagbibigay pa ng gifts, lagi ring puno ng love letter yung locker ko.
Ganda lang. Eww.
Pero minsan, hindi rin maiwasang makakuha ako-kami ng pamba-bash mula sa mga tao na walang ibang alam gawin kundi ang manira ng tao.
Napa-roll eyes na lang ako, hindi dahil sa naisip ko, kundi dahil sa walang-hiyang umakbay sa akin.
"Ano na naman bang problema mo Marco?" Tugon ko sa taong naglakas loob na akbayan ako.
"Ikaw. Ikaw ang problema ko. Hindi mo pa rin kasi ako sinasagot eh," sagot niya naman.
I rolled my eyes again at what he said and elbowed him. Inayos ko ang gitara na naka sabit likuran ko.
Ang landi talaga ng lalaking 'to kahit kailan. Sarap ipalapa sa aso.
"Gusto mo bang isumbong kita sa girlfriend mo?" Pagbabanta ko habang nakatingin ng masama sa kiya.
Agad naman siyang napabitaw sa akin na para bang napaso. Napangiwi naman siya sa tinuran ko na ikinangisi ko naman.
"Ikaw naman hindi ka na mabiro. Joke lang yun. 'Wag mo na akong isumbong."
"Tsk. Subukan mo pa uling gawin at sabihin pa iyan at sisiguraduhin kong tutulo ang uhog mo."
Nagsimula na kami ulit maglakad. Tahimik lang ako habang nakapasak ang earphones sa aking tenga. Siya naman ay parang tangang kilig na kilig sa pagbati ng mga babae sa kaniya.
Ang landi talaga!
First day of school. Panibagong taon na naman ng paghihirap ng mga estudyante. Panibagong mga mukha na makakaharap at makakasalamuha ko. Di bale, last year na lang rin ng pagiging high school. 12th Grade to be exact.
Napahinga naman ako ng maluwag ng makarating na ako sa classroom ko nang mag-isa. Wala na kasi yung malanding asungot kong kasama. Si Marco hindi ko na alam kung saan na napadpad. Nakipaglandian na siguro.
Pagkatapos ng saglit na katahimikan, bulungan, ngitian at batian naman ang nabungaran ko sa classroom na ito. Ayoko sanang makipagplastikan sa kanila pero no choice naman ako. Hindi ko sila kilala eh kaya tipid na ngiti na lang ang ginawa ko. Perks of being a famous band member.
Napadako ang mata ko sa mga bakanteng upuan. Napangisi na lamang ako ng makakita ng libreng upuan sa tabing bintana.
My favorite spot.
Agad kong tinungo ang bakanteng upuan at tamad na umupo. Masyado pa akong maaga para sa unang klase. And for sure tamad pa 'yang pumasok ang mga teacher.
Inilabas ko na lang ang gitara ko at iyon muna ang pinagkaabalahan. Nakinig na lang muna ako ng music habang nakatanaw sa labas ng bintana at sinasabayan ng pagtugtog ng gitara ang musika na aking napapakinggan.
I really love music. Simula pa noong bata ako, hilig ko na talaga ang music. Although alam nila na 'yun ang hilig ko pero hindi pa rin nila ako gaanong sinoportahan. And so I only just started chasing my dream last year. Hindi yun alam ng parents ko kasi wala naman silang pake kung ano bang gusto kong gawin sa buhay ko. Trabaho nga lang ang lagi nilang iniisip at binibigyan ng panahon na hindi man lang nila ako magawang kumustahin. They are always out of town, out of the country, on a business trip, conference, or whatsoever.
Only child na nga lang ako, wala pa rin silang oras sa akin. Mahirap pa rin kunin ang atensiyon nila. Busy pa rin sila sa pagpapayaman nila eh hindi ko naman alam kung para saan pa ba ang pera nila.
Last year, halos hindi ko na mabitawan itong gitara ko. There are times na hindi na nga ako natutulog para lang mag-aral tumugtog. Duon ko ibinuhos lahat ng aking oras noon, noong mga panahong sagad-sagad ang sakit at problema. Gitara ko na nga lang ang karamay ko sa buhay at sa pagtugtog na lamang ako kumakapit.
Naipikit ko na lamang ang mga mata ko nang maalala ang lahat ng dinanas ko makamit lamang ang pangarap kong ito.
But there's just this one thing that I can never do. And that is singing. Tinatanong nga nila ako minsan na kung bakit daw hindi ako kumakanta eh maganda naman daw ang boses ko. But I don't remember myself singing for other people. Kaya nagtataka ako kung paano nila nasabi na maganda ang boses ko gayong hindi ko pa namang nagagawang kumanta sa harap nila.
If you'll be asking why, hindi ko rin alam. It's just that my instincts are telling me not to.
Dumating ang teacher namin para sa klase namin ngayon na Philisophy. Itinabi ko muna ang gitarang hawak ko at ang earphones na suot ko. I gave part of my attention sa magiging Philosophy teacher and adviser namin for the whole senior year na nagpakilala siya as Sir Anthon which is his first name.
Well, mukhang magiging interesting ang buong taong ito.
Nagkwento siya ng mga bagay-bagay na patungkola sa experiences niya. At ito lang ang masasabi ko, marami siyang alam at he's quite witty.
Kasabay ng tawanan ng bawat isa sa jokes niya ay ang pagpasok naman ng hindi kilalang tao sa classroom. Everybody turned silent and looked at him. Hindi naman nagtagal ay nagsimula nang umusbong ang bulungan, nagtatanong kung sino ba siya.
And to my horror, napatakip ako agad ng aking tenga nang magsigawan and magtilian ang mga kaklase kong babae na para bang kinikilig sa nagpakita.
And seeing this scenery, one thing is for sure, hindi magiging tahimik ang buhay ko sa classroom na ito, dahil araw-araw na magtititili ang mga kaklase ko dahil sa taong bagong dating.
Geez. Mabibingi ata ako nito.
BINABASA MO ANG
She's So Gone
RandomNagmahal, nasaktan Pinahirapan ng kapalaran Nawala, nabagok Hinarap ang bawat dagok Bumangon, nagbago Namuhay sa limot Nagbalik, nagtagpo Muling sinuyo Nakalala, natuto Nais malaman ang totoo. Anong mananaig, Sarili o pag-ibig? [Start: August 1, 201...