One

145 5 0
                                    

Chapter 1

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnggggggggggg!*

"Anak! Gising na!" Sigaw ni mama mula sa baba.

"Tatayo na po!" 4am.  New day, new school, new people. Bagong araw na naman. First day of school. 

Nga pala, Mara  Dela Cruz. 16 years old. 4th year student. Simple lang ang gusto ko sa buhay. Yung tipong ma-i-angat lang yung pamilya ko sa kahirapan. Makaramdam man lang sila ng ginhawa sa buhay.

Yung hindi na kinakailangan pang maghanap ng trabaho si mama sa gabi para lang matustusan kaming lahat.

Makaramdam ng ginhawa ng walang tulong na nanggagaling magaling aking ama.

"Hoyyyyy! Josh! Gising na!! Maaga pa pasok natin! Tulungan mo pa si Nanay diba? Gising na!" sabi ko taong muka namang hindi tao sa tabi ko.

"Mara naman! Wait lang. 5 minutes. Sandali lang ah? Tutulungan ko si Tita. PRAMIS Ma. Wait lang talaga"

Hay nako! Ang hirap talagang gisingin nitong lalaking to! Ang sarap itulak sa kama okaya buhusan ng nagyeyelong tubig to nang magising eh! 

"HOY JOSHUA NAVARRO GIGISANG KA BA O UUPAKAN KITA?!" Sabay hila ko nung unan sa muka niya. Nako. Walang mararating tong isang to! -______-"

"Opo na. Gising na po. Sadista talaga tong best friend ko. Nako. Hindi ko talaga alam kung bakit mahal kita eh. Siguro-----"

"Siguro kaylangan mo ng maligo.  Para hindi tayo ma late. At para matulungan na si Mama. Kaya GO! LIGO NA!" Sabay tulak ko sa kanya papuntang cr.

"Oo na po. Labyu bespren! Mwuah! Laby---" Sabi niya habang tinutulak ko pa rin siya papasok ng banyo.

"ANG LANDI MO!" Sabay sara nung pinto ng cr.

Bestfriend? Yes. Best friend ko lang yan. Isang napakalaking pabigat sa buhay ko! At sa buhay ng pamilya ko.

De joke lang. Mahal ko yan no. 

Si Josh, bata palang kami bestfriend ko na yan. Siya lagi kong kasama sa lahat ng napagdadaanan ko.Nagtataka kayo kung bakit siya nandito? 

 Ayun, pabigat lang naman. Nakikitira lang dito sa bahay. Biro lang.

10 years old ako. Kakapanganak lang ni mama sa kapatid kong si Marco. Kakalayas lang din ng napakagaling kong ama. Nasa loob kami ng apartment namin ng biglang may narinig akong pumutok na bagay. Sa sobrang lungkot ni mama hindi namin napansin na nasusunog na pala yung katabi naming apartment.

Narinig kong may kumakalabog sa pintuan namin. Lumalakas na rin ang usok kaya hindi ko ganong nakita ang muka ng lalaking kumakatok.

"MARA! ANG TITO EXEL MO TO! BUKASAN MO ANG PINTUAN! LUMALAKI NA ANG APOY!" Sigaw ng tao sa labas. Napatakbo ako sa pintuan at binuksan iyon.

Ang pamilya ni Josh tumulong samin. Binuhat ko na si Marco dahil sa kapal ng usok wala na akong makita. Kaya tinulungan ako ni Josh at nung mama niya. Ubong ubo na ako sa usok.

"Mara, okay ka lang ba? Okay lang ba ang kapatid mo?" Tanong ng mama ni Josh. Tumango na lamang ako.

Naiwan si Mama sa loob ng nasususnog na apartment. Iyak ako ng iyak dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Ganun na rin si tita Margo. Wala na akong nagawa kung hindi pagmasdan ang apartment na nasusunog habang nandun sa loob si mama at si tito Exel.

Magkabilang Mundo (JulQuen Fan Fiction) Short Story!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon