Chapter 9: Back to School

141 5 0
                                    

Katelyn Denise POV

"Tita, Tito, Tristan alis na po kami have a good night sleep po." Pagpapaalam ko sa kanila habang kumakaway. Malapit na kami sa bahay namin pero ni isa na nasa loob ng sasakyan namin wala pa rin nagsasalita. Naghihintay talaga ako ng magsasalita pero talagang wala.

"Mommy, Daddy bakit po ba ang tahimik nyo." Basag ko sa katahimikan.

"Akala kasi namin tulog ka na kaya hindi kami maingay. O siya nandito na tayo sa tapat ng bahay natin bumaba na tayo at para makapag pahinga na rin kasi may mga pasok pa tayo bukas." Sabi naman ni Daddy

Bumaba na ako ng kotse namin. Papasok na ako sa loob ng kwarto ko nang bigla akong tawagin ni mommy.

"Nak alika dito may sasabihin ako sa inyo ng daddy mo." Seryosong sabi ni mommy sa amin.

Lumapit na kami nila daddy kay mommy bakit ganon na lang kabilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

"Mommy ano po iyon?" Tanong ko na may pagka worried.

"Kent, Katelyn buntis ako." Sabi ni mommy. Nabuo ng katahimikan at....

"Yay magkakaroon na ako ng kapatid!!" Masaya kong sigaw.

"Talaga Danika?" Tanong ni Daddy

"Oo nga magiging apat na tayo sa pamilya." Mahinahong sabi ni mommy habang naka ngiti.

"Great announcement bukas na bukas magkakaroon tayo ng party dito sa mansion kahit sinong friends nyo pwede nyong imbitahin bukas." Sabi ni daddy

"Mommy may pasok pa po ako bukas baka po malate ako ng gising." Pagpapaalam ko sabay alis.

Naglinis na ako ng katawan tapos nagbihis na rin ako ng pantulog ko. Tiningnan ko muna yung mga gamit ko noon. Nagaagaw pansin saakin ang isang notebook na kulay red at nakasulat ay 'Diary'. Binuksn ko yun pagkatapos ay binasa ko.

Nung last page ng diary ko ang nakalagay ay...

Dear:Diary

Hindi pa end ng school year pero lalagyan ko na ito ng sulat. Kung sino ang makakuha ng first three kiss ko sya yung lalaking papakasalan ko at mamahalin ko habang buhay. Kahit sino pa sya alam ko naman sa sarili ko na hindi na lang ako nagpapa kis kung kani-kanino lang dyan kaya I trust my self.

Loving:
Katelyn Denise Santiago

Biglang nag flashback saakin yung dalawang kiss ni Tristan. Naku isa na lang tapos sya na. Pumayag pa ako na maging fake gf nya hay naku nasa pahamak na naman ako nito.

Humiga na ako sa kama ko ipinikit ko na ang mga mata ko at tuluyan nang nakatulog.

Tristan Axsel POV

Bago kami matulog nila mommy ay pinag usapan muna namin ang pagbalik dito ni Tita Dazel, Tito Lance, Marilyn at Madelyn ang tita at mga pinsan ko sa side ni mommy.

Malapit na ako sa pintuan ng kwarto ko nang makita ko tong nakabukas. May dumaan na Maid.

"Yaya nakita nyo po ba na may pumasok dito sa room?" Tanong ko kasi may secret ako dun sa room ko ako lang nga nakakapasok ko sa kwarto ko eh.

"Sir nakita ko lang po na may lumabas dyan yung magandang babae na anak nila ma'am Danika at sir Kent. Di na nga po nya naisara yan sa kakamadaling lumabas."

Pumunta agad ako sa kwarto ko.

"Holly, lagot na ako." Sabi ko sa sarili ko

My Fiance Is Marrying The Wrong Me #Wattys2017Where stories live. Discover now