Chapter 10:Ex vs. Fake GF

130 6 2
                                    

Angelic POV

Sinampal ko yung babaeng humalik sa pisngi ni Axsel mukha syang transfer tapos ang una pa nyang gagawin halikan yung mine ko.

Pagkatapos ko syang sampalin ay sinampal din ako.

"Bago ka nga lang dito lumalandi ka na agad tapos mananampal ka pa!!" Bulyaw ko sa kanya.

"FYI hindi po ako bago dito ako lang naman si Katelyn Denise Santiago!!" Bulyaw nya pabalik saakin.

"Stop it Angelic!!" Pigil saamin ni Axsel my hero.

"Look ako yung kinakampihan nya. Diba ikaw yung nerd na nagkaroon ng amnesia? Well ipapaalala ko sayo kung ano yung inagaw mo saakin!"

Sasampalin ko dapat sya pero bigla nya akong pinigilan gamin yung kamay nya at itinulak pa nya ako sa baba at napa upo.

Tumayo ako agad pero hinitak ng kung sino ang buhok ko dahilan naman yun para mapa upo ulit ako.

"Hahahahaha!" Tawanan ng buong klase.

"Yan, yan ang dapat sayo!" Sigaw ni Cassandra yung bff ni Katelyn.

"Ikaw ba yung sumabunot saakin?!" Pasigaw kong tanong sa kanya.

"Oo bakit?! Its time for my revenge to you sa mga pinag-gagawa mo saakin at sa Best Friend ko!" Sigaw nya saakin.

Katelyn POV

"Oo bakit?! Its time for my revenge to you sa mga pinag-gagawa mo saakin at sa Best Friend ko!" Sabi nung babae na humatak sa buhok nung Angelic.

Limapit saakin yung babae at hinawakan yung kamay ko. "Bess ako to si Cassandra alam ko na hindi mo na ako natatandaan pero pipilitin ko na maalala mo ako." Sabi saakin ni Cassandra.

Cassandra

Cassandra

Cassandra

Biglang sumakit yung ulo ko. Everything goes blur

"Katelyn!!" Sigaw ni Tristan yun na lang ang narinig ko hanggang sa wala na akong makita.

Tristan Axsel POV (Sorry po kung paiba-iba)

Bigla na lang sya nahimatay dun sa sinabi ni Cassandra.

"Cassandra I think wag muna nating ipilit ang lahat sa kanya." Sabi ko habang buhat-buhat si Katelyn.

"Axsel samahan na kitang pumunta sa clinic." Alok nya saakin.

"Sige" tipid kong sagot.

Nag madali kami papuntang clinic para malaman kung bakit sya nahimatay.

"Nurse ano po ba ang nangyari sa girlfriend ko?" Tanong ko nq may kasamang pagaalala.

"Hindi ko po alam di naman po sya buntis. Baka po naaalala nya na yung mga na-lost nyang memory kaya sya nahimatay kasi po ganun yung kapatid ko nagka-amnesia yung mga ilang beses na sya nahihimatay ay naaalala nya na paunti-unti yung lahat." Paliwanag ng nurse saakin. Sana totoo yung sinabi nang nurse.

"Pero yung kalagayan nya okay lang po ba?" Tanong ko ulit sa nurse.

"Oo naman mga ilang minuto ang makakalipas at magigising na ulit sya." Sabi ng nurse sabay alis.

"Umm.. Axsel pwede bang humingi ng favor?" Tanong nya saakin okay lang naman syang humingi ng favor kasi Best Friend sya ng love ko. Tama in love na ako kay Katelyn.

"Oo naman pwede basta para sa BFF ng girlfriend ko." Sagot ko naman.

Binulong nya saakin yung favor at tumango naman ako na ibig sabihin ay pumapayag ako.

"Sige alis na ako may klase pa kasi tayo sasabihin ko na lang kay ma'am na nandito kayong dalawa sa clinic kasi nahimatay si Katelyn."

"Sige, salamat sa pagtulong sa pagdala dito kay Katelyn." Sabi ko sa kanya. Aalis na dapat sya pero may tumawag ng pangalan nya.

"Sandra saglit." Sabi ni Katelyn sabay hawak sa kamay nito. Nagulat ako sa nangyari ganun din si Cassandra.

Katelyn Denise POV

"Naaalala mo na ba ako?!" Tanong nya saakin. Tingin ko unti-unti nang bulabalik yung alala ko.

"Oo Sandra naaalala na kita saka yung mga pagtatangol na ginawa mo saakin mula kay Angelic." Sagot ko naman.

"Eh yung away nyo ni Angelic naaalala mo na ba." Tanong nya saakin.

"Yung iba oo pero hindi lahat." Sagot ko hay may care talaga saakin si bess

"Babe, mukhang di mo na ako pinapansin ah simula nung naaalala mo na yung Best Friend mo." Singit naman ni Tristan. May pa babe-babe pang nalalaman.

"Di naman babe kasi miss ko na yung BFF ko." Sabi ko naman. " So sabay-sabay na tayong pumasok sa may room?" Duktong ko pa.

"Sige!" Sabay pa nilang sabi ni Tristan, habang naglalakad kami ay hinawakan ni Tristan yung kamay ko.

Nakarating na kami sa room lahat ng istudyante at nagsitayuan Except kay Angelic

"Good Morning Bad boy king!" Sabay nilang sabi. "Good morning" bati nila saakin.

Ngumiti lanag ako sa kanila at nagsiupo na. Magulo ang lahat pero yung bumukas na yung pinto ay bigla silang tumahimik.

"Good morning everyone!" Bating pasigaw ni ma'am saamin.

"Good morning ma'am" sabay sabay na sabi namin kay ma'am.

Nag simula nayung klase. Medyo naiintindihan ko naman ng paunti unti syempre itsura lang ang nabago saakin hindi kasama yung ugali at katalinuhan. Natapos na yung klase yumg mga kaklase ko tuwang-tuwa kasi uwian na.

"Babe mauna na ako ha sila tita at tito kasi biglang umuwi. Alam naman namin na uuwi sila pero sa linggo pa pero umuwi na agad ngayon."

"Okay lang mag te-text na lang ako sa driver namin para masundo ako. Bye. Love you." Sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi nya.

"I love you too." Sabi nito at nag flying kiss pa saakin.

Nag text na ako kay Rolando paparating na daw sya. Maya-maya nag text ulit sya sabi nya nasiraan daw sya ng sasakyan.

"Well, well look who is here." Tumalikod ako at nakita ko si Angelic nakangiti tapos masama ang tingin saakin.

"Pwede ba Angelic tigilan mo na ako!" Sabi ko. Aalis na dapat ako pero hinitak nya yung buhok ko.

"Wag ka ngang bastos nakikita mong kinakausap pa kita!"

"Ayoko talaga ng away pero pinipilit mo ko."

"Great." Sabi nya at lumapit saakin saka nya ako sinampal. Sasampalin pa nya dapat ako pero di ako nagpatalo at sinampal ko rin sya, di lang yun isa kung di dalawa.

Hinawakan nya yung buhok ko tapos sinabunutan nya ako. Sinabunutan ko rin sya pabalik hanggang nagkaroon ako nang pagkakataon na itulak sya palayo. Dahil sa pagtulak ko sa kanya ay napaupo sya.

"Don't mess up with me!" Sigaw nya

"Dapat kasi linisin mo yung ugali mo para kahit konti may kabutihan naman dyan sa puso mo!" Sigaw ko namang pabalik.

Pagkatapos kong sabihin yun ay dumating na si Rolando at hinatid na ako pabalik sa bahay. Nakita ko yung mansion punong-puno ng mga decoration, talagang pinagkaabalahan itong party na ito ah.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at tinext lahat ng ka-klase ko at inimbitahan sa party.

Cast:
♥Jeon Jungkook as Tristan Axsel Fernandez♥
♡IU ad Katelyn Denise Santiago♡

My Fiance Is Marrying The Wrong Me #Wattys2017Where stories live. Discover now