Teaser

3.4K 82 5
                                    


Title: Love Songs, Isaw, At Siyempre, Ikaw (Tough Love #1)

Ally And The Grumpy Guy (Some Type Of Love) spin-off

Written by S. Light/ LittleRedYasha

All Rights Reserved © 2017

Teaser:

Bakit walang relasyong nagtatagal? Dahil sa third party? Dahil sa selos at kawalan ng tiwala? O dahil basta na lang kayong na-fall out of love?

Ako si Donna at wala sa mga nabanggit ko ang rason kung bakit ako bigo ngayon. Ipinagpalit lang naman ako ng magaling kong boyfriend sa American dream niya!

Para sandaling makalimot ay niyaya ako ng mga pinsan ko sa isang bar para panoorin ang kinababaliwan nilang banda—ang Tough Love. Imbes na gumaan ang pakiramdam ko ay lalo lang nadagdagan ang pagdurusa ko. May lalaking nag-propose ng kasal sa babaeng mahal niya na nagkataong kapangalan ng ex ko! Kapag pinagti-trip-an ka nga naman ng mundo. Hindi ko kinaya. Nag-walk out ang ganda ko. Then someone unexpectedly followed me. He's no other than Bob Earvin Montelibano—ang gwapong leader at gitarista ng Tough Love. Matutuwa na sana ako kung hindi lang niya ako napagkamalang man-hater na may criminal instinct. Sa ganda kong 'to talaga? Brokenhearted lang ako, 'oy! 



Harana,  Isaw, Tamang Tiyempo, At Ikaw(Tough Love #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon