"Naalala mo pa ba?"

8.3K 72 5
                                    


-

Naalala mo pa ba yung sinabi mo saakin na I love you?,
Naalala mo pa ba yung sinabi mong mag ingat ka sa pag uwi?,
Naalala mo pa ba na pinag laruan mo ako?
Sapalagay ko hindi mo na naaalala, kasi sino ba naman ako? Para isipin mo?
Bakit kasi hindi ko pinigilan,
Bakit kasi hinayaan lang kita,
Bakit kasi ikaw pa,
Ikaw pa na.. kahit kailan hindi ako magugustuhan.

Ang taas kasi ng pangarap mo sa babae
Na kahit isang katangian wala ata ako,
Sa sobrang taas hindi mo na napansin na sa ibaba ay merong tunay na nag mamahal sayo,
Sa sobrang taas hindi mo na napansin ang isang tulad ko,

Naalala mo pa ba yung araw na sinalo mo yung bola na dapat tatama sa akin?,
Naalala mo pa ba yung pinili mo ako para maging ka team mate mo?.. hindi ko alam ang gagawin ng sinabi mo ang pangalan ko para makasama mo,
Naalala mo pa ba yung hinawakan mo ang kamay ko.. at napatingin ako sa mukha mo na nakangiti? Na dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

Ang galing mo kasi
Nakakabilib ka
Kahit na alam ko naman na laro mo lang yun
Pero nahulog parin ako sayo.

Pero bakit alam mo na ngang nahulog na ako, pero hindi ka parin lumalayo?
Imposible na mang mag ka gusto ka saakin,
Kaya nag tanong ako kahit masakit tatanggapin ko dahil pinili ko to..
Ngayon tinanong kita kung ano ba tayo,
Pero bigla ka na lang tumawa at saka ko lang naalala na kaibigan mo lang pala ako.

Ang sakit naman
Kasi bakit ako pa?
Ang napag tripan mo?
bakit kasi ako pa?
pwede naman yung gusto mo talaga, yung pasado sayo?
o kaya yung kayang mag pigil ng feelings..
Bakit kasi ako pa?
bakit kasi ikaw pa?

Naalala mo pa ba yung ikinahiya mo ako sa lahat..

Kasi ang alam ng lahat may tayo
Pero sabi mo isa lang yung malaking JOKE at tumawa ka pa ng sobrang lakas at sobrang sakit naman ng puso ko.

Naalala mo pa ba...
Kung paano mo ako pinaikot?
Naalala mo pa ba?

Spoken Word Poetry(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon