"Di mo lang alam"

861 6 0
                                    


Alam mo ba? Syempre hindi pa.
Kaya ipapaalam ko na sayo at sa lahat.
Di mo lang alam araw araw akong humihiling sa mga tala na sana makausap kita.
Di mo lang alam pero nasasaktan ako tuwing may kasama kang iba.
Di mo lang alam ikaw ang dahilan nang mga ngiti ko at ikaw din dahilan nang pag lungkot ko.
Di mo lang alam kung gaano ako kasaya pag nag kakausap tayo.
Isang araw nag biro ka sa akin na tayo na lang, pero agad akong nag mura pero ang totoo mahal kita.
Di mo lang alam kung gaano ako ka desperadang mapansin mo yung tipong walang kwenta yung tanong ko sayo pero kahit walang kwenta din ang sagot mo ayos lang sa akin at least napansin mo ako. Di mo lang alam.
At yung minsan kitang chinat sa fb tapos ang bilis mo mag reply... feeling ko tuloy ako yung priority mo.
Sa tuwing nag kakausap tayo daig ko pa baliw dahil kahit walang nakakatawa, tawa ako ng tawa. Baliw na ako sayo, tapos di mo parin alam kasi puro SIYA na lang iniisip mo..
Siya na pinagpalit ka..
Siya na iniwan ka..
Siya na sinayang ka..
Siya na minamahal mo parin kahit pinagpalit ka na..
Pwede bang ako naman ang maging siya?
Di mo lang alam nasasaktan mo na ako kahit tanggap ko naman na kaibigan mo lang ako, kahit masakit tatanggapin ko pero sa tuwing mag kukulitan tayo ay di ko mapigilan mapangiti at pabalikin ang damdamin ko para sayo..
Di mo lang alam pero ang sakit sakit na pero kailangan ko parin ngumiti sa harap mo na parang hindi ko din alam na gusto kita.
Maraming araw na ang lumipas, gusto ko'ng kumawala sa damdamin na ito.
Sa araw araw na nakakasalubong kita pilit ko'ng iniiwasan na ikaw ay sulyapan dahil gusto ko na mawala ito, baka sakali pag hindi na tayo gaano nagkikita ay baka mawala na itong mapaglarong damdamin. Di mo lang alam ang hirap hirap na.. ang sakit na. Kahit ganito mo lang ako pagmasdan, at hindi ko parin kayang ikaw ay lagpasan. Sana mapansin mo na damdamin ko para sayo na hanggang ngayon di'mo parin alam.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon