"Huling hiling"

8.3K 79 3
                                    

HULING HILING
-
Nandito tayo ngayon sa lugar kung saan tayo nag tagpo at nag hiwalay,
unahin natin ang unang tagpo 
na kung saan nag sabi ako ng "Hi" at ang unang beses na nag hello ka sa akin, 
sa araw na yun ay nag karoon ng tayo..tayo na parang wala ng sila kundi tayo lang, tayo lang dalawa. Kahit limang araw lang nag karoon ng tayo ito lang masasabi ko... sineryoso kita kahit alam kong malabo na maniwala ka,
maniwala ka na mahal kita.
Ngayon simple lang ang hiling ko ang huling hiling nagusto kong sagutin mo, dahil gusto kong malaman kung meron bang Ana dyan sa puso mo,
Sana bago ka man lang lumisan sinagot mo muna ang dalawang huling hiling ko na sana pinag mukha mo saakin na hindi mo ako mahal na hindi mo ako minahal at ipamukha mo na ang tanga ko, na minahal kita..
Minahal ko ang tulad mo na walang pakialam sa nararamdaman ko, ni minsan ba nag tanong ka na kung okay lang ba ako? na kung okay lang ba ang puso ko.., lagi mo na lang sinasabi na hihintayin mo maging okay ang lahat..
at isa na ako dun na sana maging ok na, kung ok na ang lahat sayo sana ako din sana ako rin.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon