Chapter 08 *who's the girl? *

37 1 0
                                    

Ngayon lang ako nagkapag-update paano kasi lagi lang ako nakamobile..hehehe, babawi ako promise.. Hope magustuhan niyo :)

Please comment guys… ^^ thank you :D add nio rin ako sa fb ko :’>

-yannihaneli

“When I feel you already gave up showing your feelings to me”

                "Chabs, hindi muna kita masusundo ngayon ah. May pasok pa kasi ako. Sorry talaga, babawi ako next time." sabi ni kuya Yro sa akin habang kausap ko siya sa cellphone. Dissmisal na namin, nasa may corridor pa ako, hindi pa ako bumababa hinihintay ko pa yung bruha kong bff eh.

                "Oo na. Sasabay na lang ako sa service." sagot ko naman.

                "Uy si Chabs,nagtatampo. Ako na talaga magsusundo sa'yo next time."

                "Haay, anu pa nga ba?" nasabi ko na lamang sakanya.

                "Sige na chabs, parating na prof ko. Bye ingat ha Chabs."

                *toot *toot *toot(tunog yan kapag wala na yung kausap mo sa kabilang linya) babaan ba naman ako?

                Napabuntong hininga na lamang ako. Tumingin ako sa grills, ang dami ng taong nagsisilabasan. Haayy, tagal naman ni Miles.

                LUMABAS na kami ng classroom ni Chris, pagkalabas na pagkalabas namin nakita ko si Ayesha natingin sa labas sa may grills parang ang lalim ng iniisip.

                "Nag-iisa lang siya Keith oh,lapitan mo na." sabi pa ni Chris sabay tulak. Bumaba na ako para makapunta sa kinaroroonan niya. Tumabi ako sa kanya, siguro may 1 and half na ruler ang distance namin. Naramdaman niya siguro na may tumabi sa kanya, pero hindi siya lumingon. Parang gusto ko siyang kausapin, pero anong sasabihin ko? Ok ka lang ba? Aish, bakit ba ako nagkakaganito sa babaing ito? Ang seryoso ng mukha niya, parang pasan niya ang mundo. Para gusto tuloy siyang pasayahin, hindi ako sanay na ganyan siya eh. Usually minsan lang siya ganyan ka-seryoso kapag galit siya okaya kapag wala siya sa mood.

                Kahit na may problema yan, pilit pa rin siya ngumingiti at tumatawa. Kasi ayaw na ayaw niyang kinaawaan siya ng lahat. Pero ako kilala ko yan kapag malungkot okaya kapag may problema siya at kapag masaya siya. Paano ko alam? Hindi ko rin alam, basta nababasa ko lang sa mga mata niya. T@ng3n@ no? Nagmumukha na akong bakla dito. Pero ano ba, eh sa ganito yung nafefeel ko eh.

                "Ayyyiiieee malulusaw na si Ayesha oh. Hahaha"

                "Kanina ka pa titig na titig kay Ayesha" narinig kong sigaw ng mga kaklase ko. Nakatitig na pala ako salanya di ko namalayan. Kaya sabay pa kaming napatingin sa kanila sa taas.

0.o? <--- ganyan itsura namin dalawa.

                "Ayyyiiee, lalanggamin kayo diyan hahaha." kantyaw pa nila. Sinong pasimuno? Si Sandy, sa kadaldalan ba naman niya. Sabay kaming napatingin sa isa't-isa.Nakakunot parin siyang nakatingin sa akin, nagtataka siguro siya kung bakit ako tumabi sa akin. Nginitian ko siya. Nagulat pa siya sa ginawa ko kaya umiwas siya ng tingin.

                "Tara na nga, baka nakakaistorbo tayo sa love birds na yan." si Sandy nanaman ang pasimuno. Nagsibabaan na nga sila, kada dadaan sila sa harap namin ni Ayesha isang nakakalokong ngiti ang binibigay nila.

                "Hahaha." narinig kong tumawa si Ayesha, kaya napalingon ako sa kanya. Medyo nagblush yung cheeks niya which made her more prettier.

When My Heartbeat Starts to PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon