CHAPTER 3: The Preparation

7 0 0
                                    

Maaga akong nagising sa kwarto ko at nag ayos.

Bumaba ako para mag almusal.
Nakita ko sa hapag si mommy at si Ate na kumakain.

Tahimik akong umupo at kumain
Binasag ng mama ang katahimikan

"Balita ko ngayong araw ang laban?"

"Opo Mom. At alam moba ? Nahulaan kong mananalo kami" Nakangiting wika ni Serene.

"Dapat lang. Dahil ang pamilya Walker dapat ay laging wagi" may diin ang bawat salita ni mama.

"Ikaw Serenity" Sabi ni mama
"Ano po iyon?" Sabi ko
"Wala akong pake kung buhay mo ang kapalit don basta matitira lang ang anak kong si serene" Sabi nya

Napayuko lang ako. At tumayo
"Papasok napo ako" Sabi ko at dali daling umalis

Habang nag lalakad ako paalis ay pinpigil kong lumuha.
Wala akong kasalanan sa pagkamatay ni dad pero ako ang sinisisi. Simula daw ng dumating ako ay nagkada leche leche na ang buhay nya. Pero sanay nako kay mommy. Sinabi nyang wag ko na daw syang tawaging mommy. Kahit masakit tiniis ko kaya sa Game na to sisiguraduhin kong mananalo kami at si Ate ay ligtas.

Nakarating nako sa school.
Madaming studyante na bumabati sakin at sinasabihan ako ng goodluck.

Dumirecho ako sa Training Ground at naabutan ko si Harry, Jonas, Hefner na nag aayos na ng gamit.

Diko sila pinansin at dumirecho sa Locker ko para kuhain ang mga kakailanganin ko.

Lumabas ako para ayusin ang gamit ko

Nararamdaman ko ang mga titig ni Harry at Hefner sa likod ko pero wala akong pake.

Lumapit ang presensya ng isa.
"Hi babe" Geez its Hefner.
I just rolled my eyes . di ko ito pinansin
"Babe let me help you" he said with a flirty tone.
"Wag moko simulan Mr.Washington wala ako sa mood" Sabay taas ng kamay ko na mukhang mag cacast ng spells.

Itinaas nya ang kamay nya na parang susuko.

"Alright, chill babe eto naman, sige dun muna ako." He said with a giggle then he left

Hays. Sakit sa ulo.
Di pa ako nakaka get over kay Hefner ng may nagsalita nanaman sa gilid ko.

"Di mo padin tinatanggap ang alok ko? Serenity?" Nilingon ko sya at tinignan ng masama.
"No. Diko tatanggapin" Sabi ko.
"But Honey. Kaya kong palakasin lalo ang pamilya mo. Pag nagkaanak na tayo. Sigurado akong malulupig na ang mga White Witches nayon" He said while staring at me.
"I don't care Harry. Magpakasal kana lang sa ibang tao. Pero parang awa mona? Wag ako" Sabi ko.
"Ano paba ang hinahanap mo Serenity. Lahat naman na sa akin na. Wala bang ibang makakapantay sakin ? Then Why?" Sabi nya na parang napipikon na.
May sasabihin pa sana ako ng bumukas ang pinto at pumasok ang ate ko. She glaring at me. Geez Sabi na e.

Kaya minadali ko ang pag aayos at akmang aalis ng hawakan ni Harry ang kamay ko.

"Di pa tayo tapos mag-usap Serenity wag mo akong tatalikuran" Galit na Sabi nya.
Dumaan ang Ate ko sa gilid ko at binangga ako Sabay bulong ng bitch.

"Wala tayong dapat pag usapan bitawan moko at aalis na ako" Sigaw ko sa kanya Sabay tabig ng kamay ko at dumirecho sa labas at tinungo ang kalesa na nakapangalan sa akin.

Nandoon lang ako sa loob at nagmumuni muni sa may bintana.

Natanaw ko naman na palabas na sila sa Training Ground kaya lumipat ako ng bintanang sisilipan.
Naramdaman kong papaandar na ang kalesa ng may nahagip ako sa aking paningin.

Na madilim na parte ng gubat ay naaninag ko ang isang bulto. At base sa body feature ay lalaki sya. Tanging ang mala nyebe nyang buhok at mga matang kulay asul lamang ang nakikita ko.

"Rabbit?" Yan lang ang lumabas sa bibig ko ng tuluyan syang mawala sa paningin ko.

--
Hahaha sorry guys
Keep reading.🙌

FORBIDDEN MAGIC (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon