Kabanata IX

8 1 0
                                    

With your presence, I thought I was able to see things clearly. Fuck! I guess, I did. Yet as the time goes by, being alone everything seemed to be pointless.



What's wrong with me?



Everything was blurry. I can't figure things out that easily. No, I can't figure out what's fucking wrong with me. I can't make any meaning about how I feel right now.



Should I be happy?



"Bumalik ako para sa Ate mo." parang sirang plaka na paulit ulit sa pandinig ko ang huling sinabi mo.



I...don't remember your voice anymore. I just remember things you said.



Nasasaktan ako, Oo. Pero wala akong magawa e. Kasalanan ko naman kung bakit naging ganito.



Buntong hiningang binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Ate at pumasok. Napatingin ako sa gawi niya. Binitawan niya ang hawak na libro at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.



"Saan ka nanggaling?" hindi ako umimik. Tinungo ko ang sofa hindi kalayuan sa kama niya.



"Nahanap ka ba ni Oliver? Nasaan na siya?" hindi ko maiwasan hindi humugot ng hininga sa mga sunod sunod na tanong niya.



Muli ko siyang tinaponan ng tingin. Parang isang anghel na nakakunot ang noo ang tinititigan ako. Sino ba naman ang hindi mahuhulog ang loob sa Ate ko?


Mukha na nga siyang anghel pati pa ugali.



Pero...



Sa t'wing iniisip ko kung gaano siya kabait, hindi ko maiwasan hindi mainggit. Hindi ko maiwasan hindi siya saktan.



She doesn't deserve a sister like me.



She doesn't deserve to be in doubt and in pain.


She doesn't deserve all this shit in life.



Bigla akong kinabahan nang makitang nabalot ng pag-aalala ang mala-anghel niyang mukha.



"Sis, is there something wrong? Are you okay?"



Yes. I hate myself, Ate...and I am not fucking okay.



Gusto kong isagot sa kanya 'yon, kaso mas pinili kong itikom ang bibig ko.



"I'm s-sorry." pagkarinig ko no'ng sinabi niya parang binalik ako sa nakaraan.



'Yong mga salitang yon ang naging sagot sa tanong ko sa kanya no'n.



Alam mo ba kung anong tinanong ko sa kanya no'n para bitawan kita?



Mahal mo ba siya? Isang tanong na lubos kong pinagsisihan itanong sa kanya no'n. Tapos ang sinagot niya ay... I'm sorry.



Naalala ko pa nga 'yong walang tigil na agos ng luha sa kanyang mga mata. No'ng oras na 'yon, sinisi ko ang sarili ko.



Bakit pa kasi pinakilala kita sa kanya?



Bakit kasi pilit kitang pinapalapit sa kanya kahit ayaw mo?



Bakit kasi naging kampante akong iwan kayo parati sa loob ng kwartong ito?



Kasalanan ko nga siguro talaga. Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar no'ng oras na yon ang nararamdaman ko.



Basta ang pumasok sa isip ko, karapat-dapat ka para sa kanya.



Hindi niya naman ginusto ang magkagusto sa'yo e... at mas lalong hindi kasalanan ang mahalin ka niya.



Nangibabaw kasi 'yong mga oras na magkasama kami ni Ate kaysa sa oras na magkasama tayo no'n, kaya naisip kong ipaubaya ka.



Nangibabaw yong mga panahon na pinagtatanggol niya ako sa mga bully sa school at sa parents ko na dapat ikaw ang gumawa.



Nangibabaw yong pagkagusto sayo ng parents ko para kay Ate kaysa sa akin.



Nangingibabaw ang kalagayan ni Ate kaysa sa relasyon natin noon.



Kung alam mo lang sana lahat at kung alam mo lang kung ano ang tumatakbo sa isip ko no'ng mga panahon na 'yon at hanggang sa oras na 'to, edi sana kahit papaano magiging maayos ako.



"W-wala kang kasalanan, Ate." mahinang sagot ko na halatang kinagulat niya. Ilang beses akong huminga ng malalim bago ako bumalik sa huwisyo at binitawan ang mga salitang 'yon.



Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan, ginawa ko na. Kung pwede lang na tumakas ako no'ng mga panahon na umalis ka, ay ginawa ko na para masundan ka lang.



Kung pwede lang talaga ibalik ang dati mong nararamdaman, gagawin ko, para lang iparamdam sa'yo kung gaano kita minahal.



Biglang bumukas ang pinto at ramdam kong sabay kami ni Ate napatingin do'n.



Ayon ka, walang emosyong pumasok at tumabi sa kanya. Kailan ba ako masasanay sa ganito?



Ngumiti ako ng mapait nang maramdaman ang nahihirapang pakiramdam ni Ate.



Kailangan ka niya. Mas kailangan ka niya kaysa sa'kin.



Sa huli, kahit paulit-ulit ko pang aalahanin ang mga panahon kung paano kita binitawan, hindi ko pa rin maramdaman ang pagsisisi sa t'wing mapapalitan ng matamis na ngiti ang malungkot na mukha ni Ate.

I Wish It Was Easy  (Dandelion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon