Ang Hulit Takipsilim (Part 2)

344 6 0
                                    

Junard's P.O.V. 


 Isang taon narin na nakalipas ang mga pangyayari,lahat ng sakit ,pighati, at pagtigil ng pagpatak ng mga luha sa mga namumugtong mata ko. 


Nasa Senior High na ako at syempre gano'n din si King. 


Halos pinipilit ko namang kalimutan si King kahit parehas lang kame ng mundong ginagalawan.


Isang araw nag announce ang head ng math dept. Kung sino ang willing na sumali sa Math Camp. 


At pag gustong sumali magtungo lang daw kame sa Math dept. 


Hindi ko malamn kung sasali ba ako oh hindi kase maalala ko lang uli yung mga pangyayari nung nag leadership kami. 


Gabi rin kase ito gaganapin at dito kame sa school matutulog halos mga apat na araw ata ito.


Nilisan ko na ang gymnasium at binagtas ko naman ang daan patungo sa aking room.


Nang mapansin ko ang pila sa Math dept ng mga sasali. Napatigil ako,at di ko namalayang pumila narin ako. Dahil sa mabagal na pag usad ng pila naalala ko yung mga panahon na hindi ako magkandaugaga sa pag iintay dati kay king kung sasali ba sya sa leadership.


'Di ko namalayan na pumapatak na pala ang mga luha ko sa aking mga mata. 


Pinahid ko ang mga mata ko ng namalayan ko na may ilan na palang nakatingin sakin. 


Umalis ako sa pila at nakatungong umalis at sa di sinasadyang pangyayari may nabangga akong isang lalaki. 


Medyo may katangkaran ito sakin at yung amoy nya pamilyar sakin. 


"Sorry... *sob*" pasinghap kong sabi. 


"sos-sorr-y din" sabi nung guy. 


Na curious ako kayat tiningnan ko sya. nagulat na lang ako ng si King pala yung nakabanggaan ko. 


Napansin ko narin ang luhang na ngingilad sa mga mata nya na unti unti ng babagsak. Huminga ako ng malalim at sinabing, "Nag mamadali ako padaan." 


At sa paglakad ko hinawakan nya ang kamay ko para mapatigil ako. 


"Junard..."sambit nya habang hawak parin ang kamay ko. 


Utay utay ng pumatak ang luha ko habang nakatalikod ako sa kanya pero pinahid ko iyon at hinarap sya.


"Bitawan mo ang kamay ko." may diin kong sabi. Pero hindi parin nya ito binitawan sa halip mas hinigpitan parin nya ang kapit.


"Ano bang kaylangan mo!" tanong ko sa kanya ng may taas ng tono.


Tila namamaga na naman ang mata ko at gusto na namang maglabas ng mga luha pero pinigilan ko iyon. 


"Gusto kitang makausap..." mahinahon nyang sabi. 


At pagkatapos nun yinakap nya ako ng mahigpit pero tinulak ko naman sya. 


"Tigilan mo na nga ako... At huwag ka ng gumawa ng eksena dito. 


At hayaan mo narin akong mag - isa tutal ikaw naman ang naging rason kung bakit ako nasanay diba? Kaya please tama na..." umiiyak na ako dahil di ko narin mapigilan. 


Magsasalita pa sana sya pero tinaas ko ang kamay ko ng parang sumusuko hudyat na tama na. 


"May klase pa ako." pagpapa alam ko sa kanya. 


Hindi parin sya gumagalaw sa kinatatayuan nya. Tumutulo narin ang mga luha nya. 


Gusto ko syang yakapin pero kaylangan kong maging matapang at ipakita sa kanya na kaya ko kahit wala sya... 


Kahit hindi... 


Naglakad na ako palayo sa kanya ng marinig ko mula sa kanya ang salitang, "Junard Mahal parin kita!"   

Z.E.L. Shares - Stories UntoldWhere stories live. Discover now