"Junard! Mahal parin kita!" napatigil ako sa paglalakad ko,gusto ko syang lingunin at yakapin dahil ganoon din ang nararamdaman ko Mahal ko parin sya.
Kaso kaylangan ko na syang kalimutan dahil kung hindi, parehas lang kaming masasaktan. Tumango na lang ako sa sinabi nya at nagpatuloy sa paglalakad.
King's P.O.V.
Sobra ko talagang nasaktan si Junard.
Alam kong ako rin ang rason kung bakit naging matigas ang puso nya.
Napakatanga ko.
Hindi na ako bumalik sa klase ko sa halip nagpunta lang ako sa rooftop para mapag isa.
Pilit kong sinusuntok ang sarili ko kahit alam ko na hindi na sya babalik pa sakin. Nagsimula lang to nung...
--- Flashback---
"Anak wala ka pa bang girlfriend hanggang ngayon?" tanong sakin ni dad.
"Hay nako Hon. Siguro wala pa talaga sa isip ng anak natin ang mga bagay nayan." sagot naman ni mommy kay dad.
"Baka naman hindi girlfriend ang hinahanap mo?"seryosong tanong sakin ni dad.
"Anong ibig mong sabihin Hon.?" sabat naman ni mom.
Hindi parin ako umiimik dahil alam ko na ang tinutukoy ni Dad.
"Layuan mo na sya bago pa maubos yung pasensya ko." mahinahon na sabi ni dad pero alam ko na galit na sya.
"Ano bang nangyayari?" pagtataka na ni mommy.
"ah kase po ah-" kinakabahan kong sabi at hindi ko na naituloy ng magsalita na si Dad.
"Iwanan mo na ang lalaking yon!"pasigaw nyang sabi sa akin ng may panduduro pa.
"Sinong sya!?" natatarantang tanong ni mommy.
"Yang anak mo ang kasintahan kapwa lalaki! Hindi na nahiya!"Galit na sigaw ni dad.
"Totoo ba yun anak?" tanong sin ni mommy.
Tumango nalang ako.
"Bakit?" tanong muli sakin mommy.
"King kung gusto mo ng pamilya hiwalayan mo yang kasintahan mong lalaki! At kung hindi! Hinding hindi kana makapag aaral pa at maluwag ang pintuan para umalis ka sa pamamahay ko!" galit na sabi sakin ni Dad.
"Pwede naman natin sigurong maayos ito diba?" sabi ni mommy kay dad.
YOU ARE READING
Z.E.L. Shares - Stories Untold
RandomFully-shared stories all from our beloved followers! Want to share a story! PM me!