"Junard!" lumingon sya na pumupatak ang kanyang mga luha.
"Pwede ba kitang makausap?" pagpapatuloy ko.
Nakatitiglang sya sakin at hindi sumagot pero alam ko na ang ibig sabihin nun kayat lumapit ako sa kanya.
"Kamusta ka na?" tanong ko sa kanya.
Huminga sya ng malalim.
"May sasabihin ka ba talaga?" tanong naman nya sakin.
"A-ah" hindi ko alam ang sasabihin ko at yinakap ko sya ng mahigpit.
at binulong sa kanya ang "I love you Junard... " at mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya pero bigla syang kumawala.
"Tama na king tama na..." at muli na namn syang umiyak.
"Junard mahal kita"
"kung mahal mo ako,hindi mo ako iiwan ng walang paalam!"
"Junard... Di ba sabi mo Mahal mo ako?"
"Oo.. Oo King Mahal kita.! Nakalimutan ko na ngang mahalin yung sarili ko ng dahil sayo. Tas ano malalaman ko na lang na ako na lang pala yung nakakapit sa relasyon natin sana nagpaalam ka man la-" hindi ko na sya pinatapos ng pagsasalita at siniil ko na sya ng halik hindi sya gumaganti sa halik ko at hinayaan nya lang na tikom ang bibig nya.
At maya maya lang tinulak nya ako.
"Nasisiraan ka na ba ng ulo King?"
"Marahil... Oo junard ... Lalo na kung ipinagtatabuyan na ako ng taong mahal ko."
"Ikaw ang nauna King kaya wag mo akong sisihin!"
"Hindi kita ipinagkatulakan Junard..." umiiyak na rin ako.
"Hindi mo nga ako pinagtulakan pero iniwan mo ako sa ere... Tas ano ngayon babalik ka? Wag na King malayo na kase ang nalipad ko at hindi mo na kayang abutin!"
"Paano kung sabihin kong gagawin ko ang lahat maabot ka lang muli"
Mas maraming luha ang pumatak sa aking mga mata at ganun din sa kanya.
"Alam mo King kung hindi mo ko iniwan dati...wala tayo sa sitwasyong ito...pati diba meron ka ng iba..."
"Wala akong iba..."sagot ko agad sa kanya
"So...parehas lang pala kami ni Chelsea pinaibig,pinasaya tas iniwan.."
"Hindi naging kami ni Chelsea"
YOU ARE READING
Z.E.L. Shares - Stories Untold
RandomFully-shared stories all from our beloved followers! Want to share a story! PM me!