Nung tayo'y nasa sinapupunan pa lamang,
Naalala mo ba?
Nung mga panahong pinagdikit ang tiyan ng ating mga ina
Gumalaw at lumundag tayong dalawa.Doon pa lamang, may koneksyon na tayong dalawa.
Hanggang sa paglabas natin
Andoon pa rin ang koneksyon
Na paso at limot na ngayon.Sa ating paglaki, at pagdagdag ng edad,
Mas lalo pang tumibay ang samahan
Na siyang naging pundasyon...
Sa dati nating koneksyon.Takbo dito, takbo doon,
Ang panata ng magkababata
Naglalaro sa ilalim ng puno,
Ang mahuli siya ang talo.Tawa dito, tawa diyan,
Mga ngiting mas mainit pa sa araw,
Mga ngiting mas maliwanag pa sa buwan
Ang sumisilip sa mga labing walang kapaguran sa pagngiti,Laro dito, laro diyan
Mga damit na ang dudungis
Mga putik na tumatak
Ngunit ang dalawang bata, tuloy parin sa paglaya.'Habulan, habulan tayo'
Ang larong pagnataya ka hahabulin ang isa,
Pero Drake ako yata ang taya,
Hanggang ngayon kasi habulan habulan parin si tanga.Pagnagugutom tayong dalawa,
Pupunta sa tindera,
At magtatanong kung may kendy pa ba?,
At hahatiin sa dalawa, minsan nga pinaubaya mo pa.Pagmaynang-aaway sa akin,
Andoon ka lagi para ako'y sagipin.
Hindi ka si Knight in shining armor ko,
Pero ikaw si Drake na mahal ko.Hindi ko alam noon ang salitang 'Mahal kita'
Pero sa umpisa pa lamang kahit sa murang edad,
Nahulog na ako sa'yo,
At hanggang ngayon ikaw parin ang nilalaman nito.Sabay na papasok sa eskwelahan,
Maghihiraman ng mga lapis at papel,
Sabay din sa recess, at hanggang uwian,
Drake?? Naalala mo pa ba??Lagi kang nasa bahay namin,
Palusot mo gagawa tayo ng takdang aralin,
Ngunit ang dalawa naglalaro lamang pala,
Ng tagu-taguan, ang masilayan ang taya.Basang-basa sa ulan,
Ang mga katawang nangangatog sa kasiyahan,
Ng dulot ng kalayaan,
Kalayaan ng dulot ng pag-iibigan.Mga batang masaya,
Mga batang nagsasaya,
Mga batang sumaya,
At mga batang sa ngayon masaya pa ba?Seen
BINABASA MO ANG
Ang Huling Tula #Wattys 2017Winner
Poetry*A WATTPAD FEATURED STORY* Iniirog kong Adonis ng kabataan, Kahit pa ang kamatayan hindi ako mapipigilan. Ang sa iyo ay magmahal, Ang tangi kong panata magpakailanman. All rights reserved. No parts of this story may be reproduced, distributed or tra...