Huling Tula

939 73 25
                                    

Mahal kita, yun ang totoo Drake,
Kahit all the time ako'y break.
Alam kong ako'y may pagkukulang,
At sana maibigan mong ako'y humihingi ng paumanhin.

Drake bakit?
Bakit mo ako iniwan?
Bakit hindi ka nanindigan?
Ano sasabihin ko sa kanya? Na duwag ka?!

Gusto mong malaman kung sino siya?
Yung tinutukoy ko sa kwento na 'to,
Siya lang naman ang iyong dugo't laman,
Nagmula sa'yo, ngunit tulad ko tinalikuran mo.

Dalawang taon kang nawala't 'di nagpakita,
Siguro pang-apat na taon kung binabasa mo 'to,
Lumabas siyang walang amang kinikilala,
Drake, anak mo siya!!!!

Hindi ako humihingi ng kahit ano,
Tanging habol ko makilala mo siya, sa lalong madaling panahon,
Para sa darating niyang kaarawan, kahit yun lang,
Mibigay mo bilang isang ama.

Galit, poot, ang gusto kong ibato,
Pero Drake p*tang *na baliw yata ako,
Kasi hanggang ngayon mahal pa rin kita!!!
Alam mo yun!!! Kahit g*go ka!!!

Pero siguro hanggang dito na lang,
Kahit pa ang sasakyan, nawawalan ng gas minsan,
Kahit ang gulong ay napupudpud din,
At minsan ang puso'y may kapaguran.

Weird noh?
Kasasabi ko lang na mahal pa rin kita,
Pero parang kinakain na rin ako ng sistema,
Drake mahal kita pero, ang tanga natututo rin pala.

Seen

You received a voicemail

"Hi Drake si Yzabella 'toh, ahmmmmm ay oo nga pala, baby say hi papa"

"Hi Papa!!!"

"Very good!!, ahmmm Drake kasi ano ahmmmmmm, paano ba 'to?? Kasi gusto ng an-a-a-ak... anak mo na makita ka niya, gusto niya nasa birthday ka niya, hinihintay ka niya Drake....."

"Hinihintay ka na-ahhhhhhhhhhh!!!!!!!!"

*bogshhh!!!



[ Drake's POV ]

Tumutulo na ang mga luha na walang kapatawaran, na kanina pa nagbabadya na bumagsak sa aking mata.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman.

Galit.

Poot.

Kawalan.

Wala paring mintis ang pagtulo ng aking mga luha, matapos marinig yung huling boses nila. Sa kahulihuliaan ako parin nasa isip nila.

Ahhhhhhhhh!!!!!!

Ibalik mo sila!!!!

Binato ko ang cellphone at napaluhod sa harapan nilang dalawa.

Ibalik mo sila, kahit sandali lang!!!!

Ang Huling Tula #Wattys 2017WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon