Mga labing nagsiil,
Mga galaw ng pag-ibig,
Sa malambot na kumunoy,
Ikaw at ako'y lumalangoyBiniyak mo ang pagitan ng aking mga hita,
Na siyang nagpaindayog sa baba,
Habang nilalakbay ng mga halik,
Ang katawan kong nag-iinit,Hindi mapigilang, mapapikit,
Ang mga talukap na namimilipit,
Sa damdaming pinipilit,
Pinipilit labanan upang hindi sumakit.Mga maskuladong katawan,
Mga katawang pawisan,
Mga matang nahihibang,
Sensasyong hindi mapigilan.Paano makakatakas, sa ganitong pakiramdam,
Mga puso't katawan ay pinagsakluban,
Ng damdaming hindi mapigilan,
Ikaw at ako'y pinaglalaban.Matatamis na halik, sa aking bukasan,
Nagpaigting sa aking katawan,
Mga dilang pinaglalaruan,
Ng Ako't ikaw.Mga ungol ng paglalambing,
Mga pagbayong kinikimkim,
Mga haplos na naglalaro,
Sa katawang tuliro.Hanggang sa maramdaman,
Ng aking kalooban,
Ang bugso, ang pagbugso,
Ng nagniningas mong kahabaan.At sa huli mga kukong bumaon,
Sa balat na tinunaw ng kahapon,
Bumitaw ka,
Drake bumitaw ka.Saan? Ano sa tingin mo?
Sa pagkakayakap, o sa relasyong pinaso mo?
Akala ko liligaya ka sa piling ko,
Kapag binigay ko ang lahat sa'yo.Pero nadaig ka ng ideyang batang ama,
Hindi mo napanindigan,
Ako't ikaw,
Iniwan mo ako, iniwan mo akong hubad.Hubad sa katotohanang,
May mapupusok na damdamin ang kabataan,
Akala ko mapapanindigan mo,
Pero ako at ang akala lang Drake ay iisa.Seen
BINABASA MO ANG
Ang Huling Tula #Wattys 2017Winner
Poetry*A WATTPAD FEATURED STORY* Iniirog kong Adonis ng kabataan, Kahit pa ang kamatayan hindi ako mapipigilan. Ang sa iyo ay magmahal, Ang tangi kong panata magpakailanman. All rights reserved. No parts of this story may be reproduced, distributed or tra...