See You In Hell

80.4K 1.2K 352
                                    

Hi! Ang update na ito ay para sa mga mababait na nag-demand na dugtungan ko ‘yung ending. Sa totoo lang, wala na talaga akong balak na dugtungan ito dahil 1)Binalak kong open-ended story ito.  2)Sinulat ko lang naman ang storyang ito para sa movie project namen noon. 3)SOBRANG na-offend ako doon sa ibang nag-comment na kulang na lang sabihin eh napakawalang kwenta nitong gawa ko. #madrama

Alam kong nakakabitin itong gawa ko, pero sana respeto naman. Madalas ginagamit ko ‘yun, sana ‘yung iba din sainyo. Still, maraming salamat sa pagbabasa at sa mga naka-appreciate nitong gawa ko.

So eto na, after one year and a half, eto na ang kadugtong.

---

Ang mga tingin niya…

Ang mga ngiti niya…

Para bang nakikita niya ako…

Pero paano?

Naglakad siya palapit sa akin at napapikit ako ng bigla siyang tumagos sa katawan ko. Tumungo siya papunta sa may pinto palabas ng bahay. “Keeeen!” tawag ko sakanya. Pero hindi niya ako pinansin. Tumakbo ako para habulin siya. Ngunit ng buksan na niya ang pinto at lumabas na siya, hindi nakikitang harang ang pumigil sa akin sa pagtapak sa labas.

Lumakad na palayo si Ken ng bahay habang dahan dahan namang sumara ang pinto. “Keeen! Tulungan mo akooo! Keeen! Gusto ko pang mabuhaaay!” Pilit ko siyang tinatawag. Pilit ko siyang pinapabalik. Nagmamakaawa akong balikan ako ng taong pumatay sa akin.

“Walang magagawa ang pagmamakaawa’t pagsigaw mo ng tulong,” biglang sabi ng isang boses ng babae.

Napalingon ako sakanya. Ngunit paglingon ko, wala na ako sa tapat ng pinto palabas ng bahay. Nasa isang kwarto na ako na madilim. Isang kwarto na parang walang pader dahil tanging itim lang ang makikita mo.

Nasa harap ko ang isang babae. Nakaputi siya at wasak wasak ang damit. Punong puno siya ng dugo sa katawan. Naaninag ko ang suot niyang kwintas. Ginto ito at may pendant na krus.

‘Yung kwintas na nakuha ni Nina sa may damuhan.

“Ikaw ba si Rose?” mahina kong tanong sakanya.

Dahan dahan siyang tumango.

“Tulungan mo akong makaalis dito, Rose. Gusto ko pang mabuhay!” pagmamakaawa ko sakanya.

“Patay ka na din Jenny. Wala ka ng ibang magagawa kundi tanggapin iyon,” mahinahon niyang sabi sa akin.

“Hindi! Hindi pwede! Tulungan mo ako, Rose! Ayoko dito! Ayokong makulong dito!”

Matagal niya akong tinitigan bago niya ako sagutin. “Isa lang ang paraan.”

May paraan. Meron pang paraan para makaalis dito. Para mabuhay ako. “Anong paraan?”

Lumingon siya sa gilid niya. Meron doong malaking salamin. “Salamin,” bulong niya.

“Paano?”

“Salamin ang tanging paraan. Salamin ang magagamit mo para makipagpalit sa maliligaw na kaluluwa at magnakaw ng katawan…”

Caretaker’s POV

Naulit ang lahat ng pangyayari ng gabing ‘yun.

May panibago na namang nabiktima si Ken.

Barkada TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon