Jenny's Dream

67.2K 996 93
                                    

Ugh. Andilim. Asan ako? Teka. Hindi ito 'yung kwartong tinutulugan ko ah. May narinig akong babaeng umiiyak.

 

"Tulungan mo kooooooo!"


Sino 'yun?

"Tulungan mo ko! Umalis na kayo dito! Habang maaga pa!"

May babae!

Nakadapa't duguan.

Patuloy siya sa pag-iyak.

Hindi ko makita mukha niya. Ang labo.

"Mapapahamak lang kayooooo!"

Warak warak ang damit niya. Gusto niya akong abutin.

"Umalis na kayoooooooo!"

Nagkalat ang dugo sa paligid namen. Parang footsteps. Hindi ako makasigaw at makatayo. Gusto kong tumakbo!

Huh! Napabalikwas ako sa kama. Panaginip. May babae. Babae sa panaginip ko. Kaboses niya 'yung babae na napanaginipan ko sa van nung papunta na kame dito. Siya 'yun. Oo. Siya nga 'yun. Malabo. Ang labo ng mukha niya. Hindi ko alam kung sino ba siya at kung anong ibig niyang sabihin na umalis na kame dito. Halong awa at takot ang nararamdaman ko.

May onting liwanag sa may paanan ko. Bukas ang pinto sa kwartong tinutulugan ko ngayon. Teka, ang alam ko sinarado 'yun kanina ah.

**********

Abby's POV

Hmm... Maliwanag na sa labas. Si Sid. Saktong pagdilat ko ang maamong mukha ng mahal ko ang sumalubong saken. Mahimbing pa ang tulog. Hinawakan ko ang mukha niya. Ang matangos niyang ilong. Pisngi. Jawline. At ang malambot niyang labi. Ang sarap panuoring matulog ng mahal ko.

Alam ko na. Ipagluluto ko muna sila ng breakfast.

"Good morning!" Gising na pala si Ken. Binati niya akong nakangiti. Nasa kusina na't nakapagluto na pala siya ng almusal.

"Good morning din." Lumapit ako sa may dulo ng mesa.

"Let's eat," aya niya saken.

"Bat dalawa lang 'yung plato?"

"Let's eat." Inulit niya ang pagyaya saken. Hindi niya ata narinig ang tanong ko.

"Tatawagin ko lang sila." Tumalikod na ako't pupunta na sa kwarto.

"No! I said, let's eat! Now!" Hinampas niya 'yung kamay niya sa mesa. Napaharap ako uli sakanya sa gulat. Ano nanamang gusto nitong si Ken?

"Babe." Nagising na si Sid. Lumapit saken at inakbayan ako. Napansin niyang iba ang titig ni Ken.

"Good morning, guys!" bati ni Nina. Buti't nagising na din sila. Hindi ko alam kung ano pang pwedeng mangyari kung hindi pa sila dadating.

"Hmp. Kala mo walang nangyari sakanya kagabi oh," pagtataray ni Claire kay Nina.

"I told you, Claire. Wala akong natatandaan sa mga pinagsasabe mo. Okay? Oh, anyare dito? May dumaan na sampung anghel?" pagtataka ni Nina. Okay na uli siya.

"Umupo na kayo. Kumain na tayo," binasag ko na ang katahimikan nameng tatlo. Kumuha na ako ng plato't hinainan sila. Umupo na sila. Pati si Ken. Pero hindi pa din nagbabago ang mukha niya.

"Si Jenny?" tanong ni Sid.

"Tulog pa. Nastress ata saken kagabi. So guys, saan tayo after breakfast?" sagot ni Nina.

"I know! Jogging! Nang mabawas bawasan naman 'yang inaalagaan mong fats!" pangaasar ni Claire kay Nina.

"Grabe ka, Claire! Sexy na ako no!"

 

"Aaaaaahhhhhhh!" rinig nameng sigaw ni Jenny.


Binitawan namen mga hawak namen at tumakbo papunta sa kwarto. 

"Jen! Anong nangyare? Ayos ka lang?" pag-aalala ni Claire.

Pawis na pawis si Jenny. Kabado. "May babae. Hindi ko siya maintindihan. Ang alam ko lang pinapaalis na niya tayo dito," bulong ni Jenny sa amin.

"Nako. Epekto lang 'yan ng kalokohan ni Nina kagabe," sabi ni Claire habang pinupunasan si Jenny.

Nagkanya-kanya na kame ng pwesto dito sa bahay matapos pakalmahin si Jenny at mag-almusal. Baka gutom lang 'yun.

Ako ang natira dito sa kusina. Hugas ng plato. Napalingon ako sa bintana. Andun nanaman si Ken sa may tabi ng lumang bahay. Kasama niya uli 'yung Manong na kausap niya kahapon. May inabot na susi 'yung Manong. Nag-uusap sila. Gusto kong marinig kung anong pinag-uusapan nila. Mukhang nakakaawa 'yung Manong. Pinapagalitan na naman ni Ken.

Nagpunta kame nina Claire at Sid sa may likod ng bahay. Kahapon pa daw gustong mamitas ng mangga ni Claire. Napansin niya daw 'to habang nag-iikot ikot sila kahapon nung napahiwalay ako sakanila. Si Sid na ang umakyat sa puno samantalang si Claire naman ang nag-iipon ng mga mangga.

"Claire, saglit lang ah." Nagpaalam muna ako kay Claire.

"Teka, san ka pupunta?"

"Sandali lang ako." Pumunta na ako palapit sa matandang lalaki na kinausap ni Ken.

"Hello po," bati ko sakanya.

"Magandang umaga po, Ma'am."

"Ano po kayo ni Ken?"

"Caretaker po ako dito."

"Uhmm... Ano po bang meron sa lumang bahay at galit na galit si Ken?" Diniretso ko na ang gusto kong malaman.

Ilang segundo pa bago makasagot uli si Manong. "Ma'am, pasensya na po. Madami pa po kase akong gagawin eh. Sige po." Tinalikuran na ako ni Manong at lumakad papalayo saken. May tinatago siya. Ano ba 'yun? Bakit kailangan itago? Nilingon niya ako uli. "Ma'am, mag-iingat po kayo parati." At lumakad na uli palayo saken.

Barkada TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon