Tuloy na tuloy na

102K 1.3K 62
                                    

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya bigla kong hinalungkat 'yung bag ko. Teka. Nasaan na nga ba 'yun? Nako naman. Ngayon pa makikipag-hide and seek 'tong phone ko kung kelan naglalakad ako sa kalsada oh.

Yun! Dyusmiyo! 

1 text message received

**********

From: Ken Manalo

Ey guys! Tuloy na tuloy na. Pumayag na sila Mommy and Daddy. Papalinis ko na mamaya sa caretaker yung bahay. Ako na bahala sa food naten dun. Kayo na bahala sa van, okay? Pack your things! :)

07:45 pm
03/30/12

**********


Waaaaaah! Mas lalo akong na-excite. Unli smile!

Pagdating ko sa dorm, nadatnan ko si Claire may hagdan. "Oh Claire! Bat andito ka sa hagdan tumatambay?" Tinabihan ko siya. Ano namang trip nito't dito pa tumambay eh ang lamok lamok dito.

"Wala lang. Iniisip ko kasi kung anong mga posibleng mangyari sa Batangas. Iniisip ko sina Ken, Sid at Abby. Hindi ba awkward yun?"

"Hm... Sabagay. Eto naman kasing si Abby eh. Haba ng haaaair! Pero almost a year nanamang wala sila ni Ken. Siguro kahit konti, tanggap na ni Ken 'yun. Tsaka, ano ba yan. Wag silang KJ ah. Bakasyon 'to ng barkada. Nako! Halika na nga! Mag-impake na tayo!"

 

"Beeeees! Sumama ka na!" Kanina ko pa sinisigawan 'tong si Abby. Ayaw talaga sumama. Badtrip.

"Oo nga, Abby! Sumama ka na. Minsan na nga lang tayo mag-bonding magbabarkada simula nung nag midterm eh." Miski 'tong si Claire hindi mapilit pilit 'tong bruhang 'to.

"Guys, alam niyo namang hindi ako komportable whenever Ken is around, di ba?" Nabasag din ang katahimikan ni Abby na kanina pa pa-iling iling lang samen. Kaya naman pala. Si Papa Ex ang dahilan.

"Helloooo? Ano kame? Andito naman kame eh. Andun si Sid," sagot ni Nina na kanina pa hindi makapag-decide kung anong maleta ba gagamitin niya.

"Basta! Bahala kayo!" pagpupumilit ni Abby.

"Bahala kaaa. 'Pag nambabae si Sid dun. Walang magbabantay dun. Minsan lang makawala sa paningin mo. Panigurado, maghahanap ng keso ang daga," panakot ko kay Abby.

"May tiwala ako kay Sid. Di niya gagawin 'yun."

"Ikaw ren. Bahala ka," inis na sagot ni Nina.

"Guys, 'wag niyo naman akong i-pressure. Ano ba."

Onti na lang. Papayag na 'to. "Ano bang gusto mong gawin namen, bes? Ah sige. Luluhudan ka na lang namen."

Lumuhod naman kameng tatlo. "Pleeeeeeaaaaase! Abbbbyyyyy! Sumama kanaaaa!"

"Hmp. Pag-iisipan ko."

"Beeeeessss!"

"Oo na! Oo na! Fine. Sasama na ko."

"Yaaaaaaaaaaaay!"

**********

Sid's POV

"Are you sure na gusto mo talagang sumama? Magpapaiwan na lang din ako dito sa Manila kung ayaw mo talaga." tanong ko kay Abby habang nag-aayos siya ng damit niya.

"Okay lang ako, Sid," sagot niya sa akin sabay ngiti. I know Abby is just faking a smile. Ewan ko kung anong napagbago ng isip niya.

Barkada TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon