3

12 0 0
                                    

| Love does things for a reason that reason cannot understand.. (-.-) | √

Day 1 ng pag bawi ko sa mahal ko! Gagawin ko lahat,as in lahat mabawi sya!!

Nagluto ako ng lahat ng paborito nya,sinigang na hipon ,adobong baboy at nag gawa din ako mg ensaladang mangga. Alam kong magugustuhan nya lahat ito.

Sana bumalik na sya saken. Haist!

Naligo na ako at pumunta sa site nila sa Laguna, eto na amg simula ng pag bawi ko sa kung anong dapat saken!

Pag baba ko sa kotse tinanong ko ung guard kung nasaan si Daniel.

"Nasa office po Ms. Cheska!",masiglang sagot nya.

Kilala nya pala ko,haha Siguro dahil sa model ako,malamang!

Naglakad ako papunta sa office nya pero mukang abala sya sa dami ng trabaho nya.

"Hi baby!",nakangiting sabi ko.

"Bakit nandito ka?" ,nagtatakang tanong nya.

"Masama na bang dalawin ang boyfriend ko?",

"Cheska hiwalay na tayo diba?",naiinis na sabi nya.

"Bakit pumayag ba ko?",nakangiting sagot ko.

"Cheska stop being childish!",iritableng sabi nya.

"I'm not and you know it!",and i smiled sweetly.

"So anung tawag mo sa ginagawa mo ngayon?",

"Inaasikaso ang mahal kong boyfriend!"

"Cheska naman!",sigaw nya pa!

"Bakit ba?Alam mo baby relax ka lang at wag na masyado mainit ang ulo.",malambing na sabi ko.

Ayokong patulan ang init ng ulo nya dahil isa ito sa mga dapat nyang tiisin para mabawi ang taong mahal nya!

"How can i relax kung andito ka? Ba-",hindi nya na naituloy ang sinasabi nya ng halikan ko sya.

Kung dati sya halos ang nasusunod sa relasyon namen ibahin nya ngayon! Babawiin ko sya at hindi ako titigil hanggang marealize nyang ako pa din talaga ang mahal nya!

"I love you baby!",malambing pa ding sabi ko.

"Hindi mo dapat ginawa yon!",

"Bakit hindi mo ba nagustuhan?" ,i just smirked at him.

"Hindi naman sa ganon Cheska pero alam mong wala na tayo.",mahinang sabi nya.

"Hindi mo na ba ako mahal?" ,malungkot na tanong ko.

"Cheska alam mong hindi ganun kadaling mawala ang nararamdaman ko sayo!",hopeless na sabi nya.

"Sagutin mo ang tanong ko! Mahal mo pa ba ako o hindi na?",lakas loob na tanong ko pa! It's now or never!Sigaw ng utak ko!

"Hindi ko na alam Cheska,naguguluhan na ko!",malungkot na sabi pa nya.

"Ganun ba? Hayaan mo na lang akong tulungan kang marealize na ako at ako lang ang mahal mo!",pilit kong pinasigla ang boses ko kahit gusto ko na maiyak sa sinasabi nya.

"Cheska mahal ko na si Kath.",pabulong na sabi nya.

"Kaylan lang ba naging kayo?",seryosong tanong ko! Bukod sa curious ako gusto ko din talaga malaman para malinawan ako sa lahat ng desisyong gagawin ko.

"2months bukas.",

"2 months? tapos mahal mo na? Daniel 6years tayo!",

So mag dadalawang buwan nya na pala kong niloloko,masakit man pakinggan at tanggapin pero baka naguguluhan lang talaga sya! At kaylangan ko lang ipakita na kame talaga ang ara sa isa't-isa!

"Cheska...",malungkot na bulong nya at halata mong naaawa sya sa akin. Ayokong bumalik sya sa akin ng dahil lang sa awa.I have to be brave because i'm Cheska Maitha Lee!

Pilit akong ngumiti sa kanya na parang hindi ako nasasaktan," Lets just forget about it and enjoy the food i bring! Tara kumaen tayo!",pilit ko ding pinasigla ang aking tinig para wag na syang mag isip pa!

Inabala ko ang sarili ko sa paghahanda ng pagkaen sa lamesa nya.

"Cheska wala ka bang photo shoot?",nagtatakang tanong nya

"Nakaleave ako!",balewalang sagot ko.

"Bakit?" ,nagtatakang tanong nya pero alam kong alam nya kung ano ang tunay na dahilan.

"To have you back!",simpleng sagot ko!," Tara na nakahain na ko kumain na tayo!"

Umupo sya sa harap ng lamesa at tiningnan ang mga pagkaing nakahain,nakangiti syamg tumingin sa akin.Ung ngiting parang wala kaming pinagdadaanan!

Tinikman nya ang mga dala kong pagkain at tumingin sa akin!

He just smile and hug me.

"I miss this! Ung pinagluluto mo ko at dinadalhan dito sa office!",

"Ako din naman eh! And i have news for you baby!",nakayakap pa din sya sa akin at amoy na amoy ko pa ang paborito nyang pabango!

"Ano yon?",excited na tanong nya!

"I think about it yesterday at narealize kong mas mahalaga ka kaysa sa pagmomodel ko so i'm going to quit modelling at magfofocuse na lang ako sayo!",masiglang balita ko aa kanya!

Parang nagulat sya at lamayo bigla sa akin.

"Hindi mo na kaylangan gawin un Cheska!"

"I have too!",

"Pangarap mo yon diba?",nag aalangang sagot nya.

"Date oo pero nung dumating ka nag iba na lahat yon!",malambing na sabi ko at hinawakan ang pisngi nya.

"Cheska hindi na katulad date ang lahat,hindi mo na kaylangan igive-up ang lahat para sa akin dahil nag iba na lahat! May Kathleen na masasaktan pag pinagpatuloy naten ito.",mas gugustuhin nya pang ako ang masaktan kesa ung mang aagaw na un? Napakasakit man tanggapin pero di ako susuko.

"Wag na naten syang pag usapan. Just give me a week para bawiin ka!",lakas loob na sabi ko.

"Cheska wag ka na umasa,magmove-on ka na lang. Mahahanap mo din ang taong para sayo at hindi ako un!",gusto kong umiyak pero kaylangan kong ipakitang malakas ako.

"Alam kong mahal mo pa din ako,kaya hayaan mo na lang ako kahit 7 days lang!",

"Sige hahayaan kita pero 1 week lang! After nun hayaan mo na ko sa gusto ko!",seryosong sabu nya.

"At sisiguraduhin kong babalik ka sakin sa loob ng 1 linggo!",pabulong na sabi ko.

"Hah?May sinasabi ka ba?",

"Ah wala! Sige na kumaen ka pa,alam kong favorite mo lahat yan kaya sinarapan ko lalo

ang luto!",sinubuan ko sya at nakipagkwentuhan pa sa kanya.

Ganto sana kami hanggang ngayon kung di lang dumating si Kathleen sa eksena.

Pagkatapos namin kumaen ay umuwi na ako at nangakong araw araw ko aya dadalhan ng pagkaen,kahit na tumangi sya dadalhan ko pa din sya at aasikasuhin tulad ng dati kong ginagawa.

Fall out of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon