14

11 0 0
                                    

"ANONG KALOKOHAN TO CHESKA MAITHA LEE!!",nagising ako sa sigaw ng babae sa kwarto ko.

Imumulat ko sna ang mata ko ng maramdaman ang mabigat na bagay na nakapatong sa bewang ko.

"CHESKA , DANIEL BUMANGON KAYO JAN!!",ano daw? Cheska at Da..DANIEL!!??

Napamulat at nagmamadaling tumayo! Napatingin ako sa sarili ko na walang saplot,nagmamadali kong hinablot ang kumot at tumingin sa katabi ko!

"SHIT!",gising na din si Daniel at tinakpan din ang hubad na katawan.

"ANONG KALOKOHAN ITO HA CHESKA!",sigaw ulit ng may edad ng babae.

"Mom magpapaliwanag ako!",nag aalalang sabi ko.

"AT ANONG IPAPALIWANAG MO HA CHESKA? NA WALANG NANGYARI SA INYO! LOOK AT YOURSELF AND EXPLAIN TO ME THE TRUTH!!",galit na galit na sabi ng Mom ko.

Naguguluhang napatingin ako kay Daniel,pero puro galit lang ang nakikita ko sa mata nya!

"FIXED YOUR SELF, BOTH OF YOU AT MAG USAP TAYO SA LABAS! BILISAN NYONG DALAWA!",at pabalyang sinara ni Mom ang pinto.

Nanghihinang napahiga ako sa kama at ibinaon sa unan ang mukha ko!

"Panaginip lang to! Cheska gumising ka na!",sigaw ko sa unan! Hindi totoo lahat ito! Panaginip lang lahat to!Hindi to pwedeng mangyare!

Nagulat ako ng may humigit sa braso ko at pabalyang binitawan ako!

"Ano nanaman bang kalokohan to Cheska ha?!",galit na sigaw nya.

"Wala akong alam! Akala ko panaginip lang lahat to!"

"Akala? O pinlano mo lahat ito? Ganyan ka na ba kadesperada ha?! ",galit na sigaw nya.

"Bakit ko paplanuhin to? Ano namang mapapala ko ha? Isinuko na nga kita eh! Kaya nagulat na lang ako na nandito ka ngayon!",galit na ring sabi ko! Ang kapal naman ng mukha nya!

"Alam kong gusto mo kong mabawi kay Kath pero hindi na pwede Cheska!"

"Nung isang araw un pero ayoko na ngayon!",pagsisinungaling ko sa kanya.

"HINDI PA BA KAYO LALABAS JAN O MAG EESKANDALO PA AKO DITO?",galit na sigaw ni Mommy.

"Magbihis na tayo at mamaya na mag usap!",nagmamadali akong tumayo at pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig.

Pumasok ako sa banyo at nanghihinang napaupo! Bakit ganun sya? Bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko? Sinasaktan nya ko at pinagtatabuyan!

Impit akong napaiyak at pilit inaalala ang mga nangyare kagabi,akala ko panaginip lang pero totoo pala! Ano bang kahibangan nanaman ang ginawa ko!

"Lumabas kana jan at galit na galit na ang Mom mo!",sigaw ni Daniel.

Nagmamadali akong nagbihis at lumabas na ng kwarto.

Masamang tingin amg bumungad sa akin sa sala,Tingin ni Mommy at ni Daniel.

Huminga ako ng malalim at umupo sa arm rest ng upuan ni Mommy.

"Doon ka umupo sa tabi ni Daniel Cheska!"-Mommy

Tumango lang ako at umupo sa sofa pero may distansya pa din sa amin ni Daniel.

"Cheska pinayagan kita tumira ng malayo sa amin dahil akala ko matino ka at alam mo ang tama at mali pero nagkamali yata kami!",galit na sabi ni Mommy.

"Mom--"-me

"At ikaw Daniel pinagkatiwala namin ang anak namin sayo pero sinira mo ang tiwala namin! You disappointed me a lot!"

Fall out of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon