16

13 0 0
                                    

--DANIEL'S POV--

Agad kaming nagpunta sa bahay ni Nathan para makita si Cheska.

Hindu naman ugali ni Cheska na pumunta ng kung kani-kaninong bahay lalo na pag ganitong oras.Ano na kayang nangyari doon? Napatingin ako sa Mommy ni Cheska na mukhang nag aalala na talaga.

Huminto kami sa kulay asul na bahay at bumaba.

Nagmamadaling nagdoorbell si Tita.

At may lumabas na may edad ng babae.

"Sino po sila at ano pong kailangan nyo?",magalang pa ding sabi nya.

"We're looking for my daughter Cheska Maitha Lee,nanjan ho ba sya?",magalang na sabi ni Tita.

"Ay naku Misis kaaalis lang ho nila ni Sir Nathan!",nakangiting sabi nya.

"Saan ho sila nagpunta Manang?",tanong ko pa.

"Naku hindi ko naitanong pero naligo lang sila at nagmamadali ding umalis!"

"Ganoon po ba! Manang pag bumalik po sila dito pakitawagan ho kami ha!",magalabg na sabi ko at binigay ko ang calling card ko.

"Sige po!"

Pumasok na kami sa kotse ni Tita.

Nasaan na kaya ung babaeng yon! Pinag aalala nya kame lalo na si Tita! Saan kaya sila nagpunta ng lalaking un?

"May alam ka pa bang pwedeng puntahan ng anak ko?",nag aalalang sabi nya.

"Wala na po Tita,hindi nya naman kasi ugaling pumunta kung saan -saan,halos trabaho-bahay lang po un o kya sa bahay ko.",malungkot na sabi ko.

"Ganun ba,sige pakihatid na lang ako sa bahay baka naandoon sya."

Agad kong pinaandar ang kotse at nagpunta sa kanila.

Ng makarating kami sa bahay nila ay wala din daw nakakitang pumunta doon si Cheska.

Lugmok akong umuwi ng bahay at alalang-alala kay Cheska.

Nagulat ako ng bukas ang ilaw ng buong bahay.Nagmamadali akong bumaba at nakita kong nakaupo si Kath sa sofa at napaangat anv tingin ng bumukas ang pinto.

"Babe san ka ba galing?Bat mo ko iniwan sa resto kanina?Pinag alala mo kong mabuti",lumapit sya sa akin at yumakap.

"Tinawagan kase ako ng Mommy ni Cheska,nawawala si Cheska!"

"So? Wala na kayo kaya wag mo na syang pakaisipin!"

"Hindi pwede Kath!"

"At bakit hindi? Tungkol nanaman ba to sa kasal na sinasabi mo kanina ha?"

"Oo,pananagutan ko si Cheska!"

"Bakit nung gabi lang bang un may nangyare sa inyo ha?"

"Hindi pero--"

"Pero ano? Un lang kase ang pagkakataon na nahuli kayo ng Mommy nya? Dan kung gusto mo talaga syang panagutan dapat date pa! Dapat nung una pa lang na may nangyare!"

Napatungo ako at nag isip.

Tama si Kath pero ayokong tanggihan si Tita.Baka kung ano pang masabi nya.

"Kath ayokong may masabi si Tita sa akin!"

"Pero paano ko Dan? Ano na lang ang sasabihin nila Daddy pag nalaman ito?"

"I'm sorry Kath pero pananagutan ko si Cheska kahit anong mangyare!",buo na ang isip ko. Nagkamali ako noon at kaylangan kong itama ito ngayon.

"Selfish ka Dan! Hindi mo man lang inisip ung mararamdan ko!",umiiyak na sabi nya at pinagpapalo ang likod ko.

Fall out of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon