May liwanag....
Nakakakita ako ng puting liwanag..
Unti-unti kong iminumulat ang mga talukap ng aking mga mata...Iginala ko ang aking nanlalabong paningin sa paligid..Nakakaaninag ako ng dalawang bulto ng tao..Natitiyak kong isang lalaki at isang babae ang mga ito..
Anak?...Enrique ang anak natin gising na! (Sabi ng boses ng babae)
Kung ganun ang mga taong naaninag ko ay sina nanay at tatay pala..
Bahagya akong kumilos para makaupo ngunit nakaramdam ako ng kaunting pag kirot ng aking ulo..Ouch!....(pag inda ko)
Anak wag ka munang kumilos magpahinga ka na lang muna..
(Boses naman ni tatay ang nagsalita)Tama ang tatay mo anak..
Sabi ng doctor nagka panic attack ka kaya nawalan ka ng sa malay tao kanina (pag dedetalyeng sabi ni nanay)Nakapikit ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi nila tatay at nanay..
"Panic attack?"Biglang pumasok sa aking isipan yung mga nangyari sa Varsity Quarters kanina ..Sinong hindi magpa-panic kung bigla ka nalang bumalandra sa pintuan ng walang kalaban laban?
Ipinilig ko ang aking ulo upang mawaglit sa aking isipan ang pangyayaring iyon....
Anak wag matigas ang ulo...sige na mahiga ka muna ulit at magpahinga mukhang sa kilos mo hindi mo pa kayang tumayo.. ( sabi ni nanay na may halong pag aalalang tinig)
Hindi na ako nagprotesta pa dahil talagang nahihilo at sumasakit pa ang aking ulo...Saglit kong iminulat ang aking mga mata kahit medyo nanlalabo pa ang aking paningin..
Kumurap kurap ako..Naaninag kong nasa sofa ang bulto nila nanay at tatay...Papikit na sana ako ng maaninag ko na may isa pang bulto ng tao na nakatayo sa bandang bintana ..
Nay? Sino siya? (Tawag at tanong ko kay nanay)
Sino anak? (Nagtatakang sabi ni nanay)
Yun lalaki po sa may bintana?hindi niyo naman po sinabing may kasama po pala kayong bisita (Sabi ko pa)
Enrique! ( Rinig ko tawag ni nanay kau tatay)
Naaninag kong papalapit si tatay sakin..
Charity anak! Sinong lalaki ang sinasabi mo? (Tanong ni tatay habang hawak ang magkabila kong balikat)
Ayun po sa------ (hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil wala na ang bulto ng lalaking nasa bintana)
Umayos na ang aking paningin malinaw na ulit ngunit kasabay pagbalik ng maayos kong paningin ang pagkawala ng lalaking sinasabi ko...
Wala po pala tay, Akala ko po kasi kanina may lalaking nakatayo sa may bintana.. Siguro sanhi lamang po ito ng panlalabo ng mata ko kanina..
(Sabi ko nalang kay tatay)Sabay tingin at ngumiti ako kay tatay ganun din ang ginawa ko kay nanay na ngayon nakatayo at hawak ang tikom niyang bibig..
Hindi nakatakas sakin paningin ang pagtititigan ng aking mga magulang na para bang nag uusap sila sa pamamagitan ng kanilang mga mata...
Lumiban ako sa lahat ng subjects ko ngayon araw dahil ayon sa doctor kailangan ko daw muna ng sapat na pahinga..Kaya naman umuwi na kami ni tatay at si nanay na ang pumunta sa University na aking pinapasukan upang ipagpaalam ako sa aking mga professors..

YOU ARE READING
MERCILESS
RandomI'm a man with no heart .. The most dangerous man you could ever met,The worst person you don't want to be with.. Maybe I'm ruthless,inhuman,brutal,cold blooded and heartless person it really doesn't matter to me.. All I want is to be with her, to l...