YOUNG MASTER..

1.3K 29 0
                                    

Ilang linggo na ang nakakalipas ng mailibing si nanay..Hanggang ngayon hindi pa rin natatagpuan ang aking tatay..Wala parin lead ang mga kinakaukulan kung sino ang may kagagawan sa pagkakapaslang sa aking pinakamamahal na nanay..

Sobrang nakaka-depressed ang mga nangyari..Ilan linggo na rin akong lumiliban sa klase..Kahit na anong gawin ko wala akong kalakas lakas bumangon, kumilos o lumabas man lang ng bahay..

Habang nakahiga ako sa aking kama at malalim na nag iisip tatlong katok ang aking narinig mula sa labas ng pintuan ng aking silid..


TOK ..TOK .. TOK ..

Hindi na ako nag abalang tumayo pa upang bukasan ang pinto madalas ko naman itong iniiwang hindi naka lock..
Hindi na rin ako sumagot dahil malamang si Whena lamang ito..Siya lang naman ang matiyagang nagpupunta dito para kamustahin ako..

Pero nakakapagtakang matapos ang tatlong katok walang Whena na pumasok..

Napalingon ako sa pintuan ng aking silid nanatili itong nakasarado ngunit bakit nakakaramdam akong may tao sa labas nito..

Tumayo ako at naglakad papunta sa aking pintuan,malakas ang aking pakiramdam na may taong nakatayo sa labas ng pintuan..

Pinagmasdan ko munang mabuti ang seradura ng pintuan,nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba ito o hindi,pero mas nakakalamang ang kagustuhan kong alamanin kung tama ba ang aking pakiramdam..

Mabilis kong pinihit pabukas ang seradura ng pintuan..

Walang tao! Pero may isang tray ng masasarap na pagkain ang naroroon sa tapat ng pintuan ko..

Agad akong luminga linga sa paligid si Whena ba ang nag iwan nito? Pero kung siya bakit naman niya iiwanan ito dito?Hindi naman gawain ni Whena ang ganitong bagay..

Ng wala akong nakitang kakaiba sa aking paligid dinampot ko ang tray ng pagkain na nasa sahig tapat ng aking pintuan...

Nakaagaw pansin sa akin ang isang tangkay ng mapulang rosas..
Sariwang sariwa ito at mukhang kapipitas pa lamang..

Pagkapasok ko sa aking silid inilapag ko ang tray ng pagkain sa mesa katabi ng aking kama..

Pinagmasdan kong mabuti ang pulang rosas na kasama ng masasarap na pagkain..

Kinuha ko ito at tinitigang mabuti..
Pamilyar sa akin ang klase ng rosas na ito?!

Ganitong ganito ang rosas na natanggap ko noong lumabas ako ng hospital noon!

Sino ang nagpapadala nito?
Ang rosas na natanggap ko noon at ang rosas na ito ngayon ay maaring sa iisang tao lamang nanggaling..Pero sino ito?!

Inilapag ko ang rosas sa aking kama at mabilis kong hinagilap ang aking telepono agad kong idinail ang numero ni Whena..

Hello frie------

Hindi ko na siya pinatapos na magsalita agad ako

Nasaan ka?

On the way na sa bahay niyo may dala akong pagka--------

MERCILESSWhere stories live. Discover now