Pag uwi ko ng bahay hindi pa din matanggal sa aking isipan ang lalaking tumulong sa amin kanina. May kung ano sakanya na hindi ko maipaliwanag..Sino kaya siya?Ano kaya ang pangalan niya?Gusto kong malaman kung sino siya at kung anong meron sakanya..
Napaka misteryoso ng dating niya sa akin sa totoo lang ngayon nalang ulit ako nagkaroon ng kung anong pakiramdam sa isang lalaki magmula nung bigla nalang nawala ng parang bula ang hinayupak kong EX, hindi nakaligtas sa aking paningin kanina ang magaganda niyang mga mata,ang mala bathala niyang mukha at napakisig na pigura..Umabot ako sa puntong siya lamang ang aking iniisip hanggang sa unti-unti ng bumagsak ang talukap ng aking mga mata..
-Kinabukasan-
Mabilis akong napabalikwas ng tumunog ang aking alarm clock mayroon nga pala akong report ngayon kailangan kong dumaan sa library bago pumasok may mga ilan akong kakailanganing libro para sa aking tatalakayin..Kaya naman nagmamadali akong nag ayos at umalis..
Pababa na ako ng jeep ng makaramdam ako ng gutom hindi nga pala ako napag agahan dahil sa aking pagmamadali kaya naman naisipan kong dumaan sa 7/11 na malapit lamang sa aming University upang makabili ng kahit anong pwedeng makakain..
Habang naglalakad ako papasok sa entrance gate ng University ay nilalantakan ko na ang sandwich na aking binili kanina halos paubos ko na nga ito ng bigla akong masamid nagmadali akong kunin ang chocolate drink sa loob ng supot na kasama ng sandwich na binili ko ngunit dahil sa pag-aabala kong hanapin ang inuming natabunan ng mga chips hindi ko namalayang may rumaragasang sasakyan na pala ang mabilis na papunta sa aking direksyon habang papatawid ako establisyemento ng aming Unibersidad.Narinig ko pa nga ang pagtawag sa akin ng isa sa aking kaklase..
"Charity tabi!!" Sigaw niya
Nilingon ko muna siya bago ko lingunin ang direksyong tinuturo ng kamay niya..Naestatwa ako dahil sa aking pagkabigla hindi agad nag sink-in sa aking utak ang mga dapat kong gawin sa mga oras na iyon,hindi ko maikilos ang aking mga paa at tumakbo kung saan ako hindi matatamaan ng rumaragasang sasakyan..Kaya mabilis ko na lamang ibinagsak ang supot na aking bitbit at ipinulupot ang aking mga bisig sa aking sariling katawan, mariin akong pumikit inihanda ko ang aking sarili sa anumang maaring mangyari...
Diyos ko!!!! sabi ko na lamang sa aking isipan
Ngunit ang inaasahang kong pagsalpok sa akin ng isang rumaragasang sasakyan ay hindi tumama o dumaplis man lamang sa aking katawan,Bagkus ay bumangga ito sa isang mamahalin at kumikintab na itim na sports car.. Pahalang ang pagkakaparada nito sa aking harapan at tila sinadya ng kung sinong nagmamaneho nito na iharang ang mamahalin niyang sasakyan upang ako'y maprotektahan lamang.
Parehong nag alarma ang dalawang sasakyang nagka-banggaan..Nakita ko pa ang mga tao sa paligid na nabigla din sa mabilis na pangyayari..Samantala ang may ari ng sasakyang muntikan ng makabangga sa akin ay pagmamay ari pala ni Theo Sebastian Alegro ..Damned anong ginagawa ng lalaking ito dito????!!
What the fvck?!! Sigaw niya pagkalabas na pagkalabas ng kanyang sasakyan..
Galit na galit ito at mabilis na pumunta sa itim na sasakyang humarang sa daanan..Hindi na nga niya napasinsin ang aking prisensya.. Dahil sa matinding init na ulo pinag susuntok at pinagsisipa niya ang kulay itim na sasakyan.Hindi niya nga inalintana ang pagtulo ng dugo sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo.Dahan-dahan namang bumukas ang pintuan ng driver seat ng itim na sasakyan at iniluwa nito ang lalaking naka all black na kasuotan at may suot din itong itim na shades ..
"Siya?!!" Namanghang sabi ko sa aking isipan
What the f*cking hell is wrong with you? sigaw sabay tulak ni Theo sa lalaking naka itim..
YOU ARE READING
MERCILESS
RandomI'm a man with no heart .. The most dangerous man you could ever met,The worst person you don't want to be with.. Maybe I'm ruthless,inhuman,brutal,cold blooded and heartless person it really doesn't matter to me.. All I want is to be with her, to l...