TTRI: One point Two

349 9 3
                                    

Hi. suggest nga kayo pangalan nang lugar?

Revealing Richmond, Thane, Ethan, Arch, Maureen, Sehun and Lheslie

RICHMOND

Sino ba namang hindi tatamarin na gumala at makipag kaibigan doon sa ibang bansa. Tinatamad ako mag adjust. It's more fun in the Philippines talaga. Buti naman at pinayagan na ako na magstay dito kesa naman na wala ngang nakakakilala sa akin doon, boring naman.

Mas sanay na rin kasi ako dito. Minsan naisip ko na rin na umalis sa bansa dahil puro polusyon na dito sa Pinas. Tapos ganyan, ganito. Pero wala pa ring tatalo dito. Nakakamiss pala

Pagkatapak ko sa lugar na ito, inalis ko na yung headphones na suot suot ko. Umupo lang ako sa isang tipak nang bato habang naghihintay sa susundo sa akin. Sabi ni mama may makakasama na daw ako kaya naman wala na rin akong magagawa. Imposible naman masabi ko yung salitang 'hindi' o yung mga katagang 'ayoko nga'.

ELISE

Nakareceive ako nang sms mula kay mama na darating daw si Richmond ngayong araw. And seriously, I don't know if im going to be happy o kaya naman excited. Because my main goal is makapagpahangin muna at makapagisip isip sa mga bagay. Gusto kong makalimot. Yung mga ganun ba. Eh ngayong magkasama na kami ni Richmond ulit, but anyway bahala na.

--

Pagkarating na pagkarating ko sa bus station, nakita ko si Richmond na nakakunot yung noo, talagang serious na serious sa pagkalkal at kakatap sa cellphone niya.

Imbis na sa harap niya ako dumaan, kahit hassle, umikot pa ako para matingnan lang yung pinagkakaabalahan niya. Malay ko ba kung babae edi may pang aasar na ako sa kanya di ba?

Agad agad ko namang hinaltak yung cellphone niya kaya agad bumagsak yun flappy bird niya.

"Hoy Richmond. Na pull out na yan sa playstore ha? Anak ng tokwa, di makamove on?" Humarap siya sa akin at halatang halata yung pagkafrustrated sa mukha niya.

"Tokwa ka naman Elise eh! Isa na lang malalagpasan ko na yung high score ko!--Teka? Elise?!" Ang late masyado nang reaction nya. Pero nahampas ko talaga nang bongga yung noo ko nang pansin kung ilan ang high score niya. Gustong gusto ko siya batukan pero nagtimpi ako.

"Wow, ang galing mo naman. 4 yung high score mo! O sya, saksak mo sa baga mo!" At di na talaga ako nakapagpigil, sinupalpal ko sa kanya yung cellphone niya, kung hindi niya nga nahawakan baka dumami na yun.

"Andito ka rin pala? Wow. As in wow. Parehas ba tayo nang school? Graduating na tayo!" At para siyang timang na yinakap ako. At kahit na pinagtitinginan na kami, niyakap ko rin siya saka namuo yung luha sa mga mata ko.

"Ipush kasi natin yung wag mag aral nang one year. Ayan tuloy."

Magkasama kami sa bahay. Don't get us wrong. Hindi namin type ang isa't isa.

MONDAY nang pumasok kami sa school, as expected, kagaya nung dumating kami, wala man lang nagabalang tapunan kami nang tingin. Maliban na lang sa mga babaeng masama ang tingin sa akin dahil katabi ko 'tong si Richmond.

"Oh. Elise! Hindi ko alam boyfriend mo pala yung kapwa mo survivor?" Agad naman akong napabitiw, kagaya nang unggoy-este baboy na richmond na 'to.

Nilingon ko naman yung direksyon nang pinanggalingan ng nakakainis na boses. At tama nga yung hula ko, it's none other than that Thane-girl.

"Hi. Sino ka? At eto girlfriend ko? Asa. Hanggang kuko lang daw kasi ako ni Donghae. " Binigyan ko naman siya nang buti-alam-mo-look kaya lalo siyang sumimangot. Ni dumi nga ni Donghae Lee na asawa ko eh di nya mareach.

Nagulat naman ako kasing isang grupo rin nang kabataan-I mean ka age namin yung nagline up. Sabay sabay silang nag form nang straight line para magpakilala sa amin ni Richmond to be exact.

"Thane!" Paano ko nga ba naman makakalimutan yung pangalan niyan eh yan yung unang nanggulo sa akin?

"Ang arte mo Athaliane." Sabi nung lalaki na ayaw madikitan ni Thane. Layo nang agwat pero, seriously? Athaliane? Ang weird ha!

"Oh whatsoever Krauss!" Saka naman niya inirapan yung guy- na si Krauss daw.

"Don't mind Athalia! I'm Ethan!" Para silang baliw

"Bitter pa rin kayo sa isa't isa! Pwe! Sehun is my name! Bubble tea tayo mamaya!" Sabi nung lalaking kamukha talaga saka kapangalan pa ni Sehun nang exo. Woah. EXO SEHUN PH!

"Wait, Maureen! Lheslie bat kayo nandito?" Nagtatakang tanong ni Richmond.

"Sinamahan ko kasi si Mau. May kamukha daw kasi tas kapangalan si-" Hindi na nito natapos pa yung sasabihin kasi tinakpan ni Maureen yung bibig ni Lheslie.

"Just call me Arch." Nagsmirk muna ito tsaka iniwan kami. Napatangin naman ako kay Shenryl na nandito rin. Anyway, tahimik naman yan eh.

"Kilala niyo na ako, kelangan ko pa ba magpakilala?" Walang emosyon na sabi ni Shenryl.

"Sabay sabay kami lumipat na tatlo nila Shenryl dito last year, at dahil nasama kami kila Sehun, eto nagrepeat. " Natatawang pageexplain ni Maureen kaya napatango tango na lang kami ni Richmond.

"Sana magkakaklase tayo ulit. Wag lang kasama si Ethan."

"Bakit ba bigla kang nakipag break sa akin? Please Thane kausapin mo naman ako." Malungkot na wika nung Ethan. Wah, first day na first day may LQ? Hindi naman siya pinansin ni Thane at agad akong hinatak.

Sabay lingon sa likod, "Excited na ako! Tara na guys!"

KC2: Reveal What I did Last MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon