Chapter 7

36 2 0
                                    

Mia's p.o.v 

Wala naman masyadong nangyari sa araw na ito maliban sa nalate ako at pinarusahan ng teacher ko, pinatayo dahil natutulog sa klase, pinagsulat sa isang buong papel ng HINDI NA PO AKO MAGIINGAY  at kumain ng madami. Oy Math na pala tara na po makinig hahaha

"Hoy, tabi ka nga dyan at dyan muna ako sa harap" matapang kong sabi sa nakaupo sa harap 

"Doon ka na lang.." sagot naman ni Rochelle

"hindi ka naman din makikinig kaya ako na dyan.." umalis naman ito at pumunta sa upuan ko , ang bully ko no? Pero sanay na yon sakin kasi tuwing Math lang naman ako pumupuntang harap, paborito ko kasi ang Math at walang nakakatalo sakin dito sa section namin maging sa section A . Math genius ata to , pero hindi ako sumasali sa mga quiz bee kahit anong aya sakin kasi tinatamad ako. Bahala sila!

"Ayan na si potsu makikinig na tara ng guluhin hahaah!" ayan na naman sila Jr mangtitrip na naman -__-

"Hoy wag nyo kong istorobohin minsan na nga lang ako makikinig ehh.."

"Eh sa gusto nga namin na guluhin ka anong magagawa m, kasi kanina hindi ka namin masyadong naasar.."

"Aba ,kasalanan ko pa ngayon na hindi nyo ko naasar?" mataray kong sabi

"oo naman kasalanan mo yun" -sagot ni Darl

"Kayo kasi kung wala kayong magwang matino eh magpatuli na kayo para naman hindi ko na kayo tuksuin na mga SUPOT!!" ganyan po kami nila Darl, Jr at ang ibang boys araw araw nag aasaran

"Aba, at kami pa ngayon ang supot , eh sino kaya sa atin ang nakapalda.." singit ni Cj

"oo nga ,bakit ka ba kasi nakapalda..?!" singit naman ni Joshua, oh dumadami na sila sa harap kong  nakikipag away ganyan po talaga sila kapag naumpisahan ko ng sumagot sa lahat ng pang aasar nila duamdami sila na parang kabuti. Pero hindi naman kami nagkakapikunan nagkakatuwaan pa nga kami. Bakit ba kasi ang tagal ng teacher namin ngayon sa math...

Charlie's p.o.v

Ang ingay naman dito, mas lalo na itong si Mia nakikipag away pa kasi sa boys

"Kaya lang naman ako nakapalda kasi di pa magaling ung tuli ko.." hahahahah ano bang sinasabi ng babaeng to puro kalokohan at lahat nga ng kaklase ko ay napatawa sa sinabi nya kasi ang lakas ng boses nya, mukhang sikat to dito sa room nila

"Ano ba yan potsuu...." Sabi nilang lahat 

"Oh, narinig nyo sinabi ko?" inosenteng tanong naman nito

"OO naman, bessieng pogi ang lakas kaya ng boses mo!" sagot ni Maj, kaloko talagang babaeng to parang bata

"Naku, umpisa na nga sagutan mukhang magiging masaya to.." at nagkagulo na nga ang buong klase 

"Ano ba yan ilang buwan ka nang nakapalda hindi parin magaling yang tuli mo?" tumatawang sagot nung Jr ata ang pangalan non, inabangan nila ang magiging sagot ni Mia pati si Alex ay nakisali na rin

"Oo nga naman Mia bakit nga hindi pa magaling" pabirong sabi ni Alex, lahat na ata sila nagkumpulan kung saan nakaupos si Mia at ako nakikinig lang

"Ano ba naman yan pati ikaw nakisali! Alam nyo kasi kapag gwapo mataga gumaling ang tuli.. eh kasi kayo mga pangit kayo! Kaya nga ayaw nyong magpatuli kasi mga duwag din kayo!" Nagtawanan na naman sila at napalakas ang tawa ko, napatingin sya sakin ng masama. Haahahah kung ano ano kasi ang nasa isip ng babaeng to

"Kami duwag , hindi kaya at tuli na kami di kagaya mo supot na bading pa!hahaahahahah!"

"Ako bading ! Ututs mo ! Sa gwapo kong to !"tawa lang kami ng tawa , ngayon lang ako sobrang tumawa ng ganito 

"Oo, bading ka tignan mo nga yang buhok mo ang haba! Hindi ka manlang magpagupit! "

"Ahh, eto bang buhok ko.... "  nagiisip pa ata sya ng isasagot

"OO yang buhok mo, o ano ala ka ng masabi ano! Talo kana agad?"sabi ni Jr

"Ako talo teka lang kasi hindi pa ko taposmagsalita! Kaya lang naman mahaba ang buhok ko kasi uso yan ngayon at kpop hair yan!" Tama na please hindi na ata makahinga ang bung klase sa kakatawa

"Anong kpop ka dyan ang sabihin mo GAY ka lang!"

"Kayo kayo kayo kayo, magpatuli na kayo ng tumangkad naman kayo!" turo turo halos nituro nya ata lahat ng lalaki

"Kami pa ngayon, patangkaran na lang ohh! " naghamon naman itong si Alex 

"OH sige ba kala mo uubra ka sakin!" at yon nagpatangkaran nga sila at talo si Mia

"Ang duga tumitingkad ka!" nagpalusot pa

"Hindi ahh, matangkad lang talaga ako!"

"Bessie dinuduga nila ako tignan nyong maigi!"

"Bessie halika na dito, mas matangkad talaga sya sayo!" sagot ni Celyn

"Tae naman to ohh! !" ayon nagmaktol , hindi na dumating ang teachr namin kaya nagsiuwian na lang kami

"Oy, potsu bukas ulit ahhh..." narinig kong sabi ng boys

"Oo ba, paghahandaan ko na! Kaya kayo matakot kayo mga BADINGahahahahahahah!"

I didn't know na masaya din pala dito lalo na kung ganyan ang mga classmate mo.

"Brad ang saya dito halos araw araw may baon silang joke ahahaha" sabi ni Alex samin

"Sayang kasi sa Section a pa kami napunta.. pwede kayang lumipat sa inyo?' tanong ni James at Raniel

"Wag na, don na kayo hahahahh" sabi ko naman sa kanila

"Kung alam nyo lang mga pari kng gano kasaya samin, maiinggit kayo" inakbayan ni Alex ang dalawa

"Ngayon pa nga lang inggit na inggit na kami.. -_-"

Mia's p.o.v

Naku yari na ang buong araw ko at ang sakit ng lalamunan ko....

Sige kakain muna ako hahahaa.

Pasensya na kayo kanina ang gugulo ng kaklase ko ganon lang talaga kami 

Nga pala bukas maglalaro kami ng pick up stick .. alam nyo ba yon hahaah.. 

"Mia!Mia!" sino kaya yon, gabi na ehh, binuksan ko ang pinto at nakita ko si Alyssa

"Oh Alyssa, anong ginagawa mo dito?"

"Ikaw lumayo ka na kila May at Via hayaan mo na kami tutal iniwan mo naman na kmi diba?" mataray na sabi nya

"Ano bang sinasabi mo?"

"hanggang ngayon kasi mas tinuturing kapa nilang best friend kesa sakin!" ppasigaw nyang sabi

"Mia sino ba yan?" narinig ata ni nanay

"Wala to nay kaklase ko lang" lumayo kami sa bahay 

"Eh bakit ka nagagalit?"

"Dahil kahit iniwan mo na sila ikaw parin ang best friend nila!"

"Hindi ko sila iniwan sila nga tong nangiwan sakin diba, dahil lumipat sila ng  school at iniwan akong mag isa dito! Kahit hindi tayo mag kasundo ay bestfriend parin kita kaso ayaw mo sakin kaya lumayo ako sayo.."

"Sinungaling, ang totoo lumayo ka samin dahil sinabi ng nanay mo na bad influence kami sayo!"

"Putek lasing ka ba? " naamoy ko kasi hininga nya amoy alak

"Oh so, kung nakainom ako.." mataray nyang sabi

"Kua iuwi na natin sya at baka hinhanap na sya" sabi ko sa tricycle na nghihintay sa kanya at hinwakan ko sya para isakay sa tricycle

"Bitawan mo nga ako di ko kailangan ng tulong mo! Tara na nga kua!" at yon umalis na sya, di ko alam na sukdulan na pala ang galit nya sakin at ngayon nya lang nalabas dahil lasing sya... 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Puro katuwaan

VOMMENT

The Transfer Student is BACK <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon