Kinabukasan kailangan kong kausapin si Alyssa dahil gusto kong maayos ang hindi namin pagkakaunawaan. Pasensya na kayo, ayoko pa kasi ikwento kung ano talaga nangyari sa pagkakaibigan namin nila Alyssa. Ang dapat ko lang gawin ngayon ay iays ang lahat. Maaga akong naligo at maaga akong papasok.
"Oh, anak himala ata at ang aga mo ngayon.."
"Naman, minsan na nga lang ako magmamaaga eh.." paalis na sana ako ng bigla akong tuksuin ni kua
"Ayun ehh, siguro may gusto kang makita.. ayiiieee" panunukso ni kua
"Ewan ko sayo, sige alis na ko nay, oh ikaw baho maligo ka naman!" tapos yun umalis na nga ako,pagdating ko sa school "Aba himala, ang aga mo atang pumasok ngayon!" yan ang bungad sakin ni Manong Guard at ng mga kaklase ko, tae ala pa din si Alyssa baka hindi pa yon pumasok, sayang ang effort sa maaga kong paggising,tatanungin ko na lang ang mga kaibigan ni Alyssa, nga pala magkaklase kami ni Alyssa kaso hindi na kami ganon kaclose
"Bessie , bat ang aga mo?"bungad sakin ni Edward
"Trip ko , bakit bawal na ba magmaaga ngayon?" pasungit kong sabi sa kanya "Oo, kung sayo lang din siguro nagkaroon ng himala kaya naisipan mong pumasok ng maaga haahahahah!"kaloko nito talaga, ayun nakita ko na ang kaclose ni Alyssa
"Oy, Cathy nakita mo ba si Alyssa?"
"Hindi pa, malelate ata yun ngayon ehh.." sagot nya habang inaayos ang buhok, yan ang mga bagong bestfriend ni Alyssa mga matured na at nagmemake up na din. At eto naman ako ngayon immature parin at isip bata, ewan ko ba ayoko kasing magbago ... natatakot ako..
Late nga syang dumating, kailangan ko syang makausap na kaming dalawa lang, naku kailangan kong isakripsyo ang break time -___- anak ng tokwa talaga, ngayon ko lang gagawin to .. Ang pagkain ko!!!!! Break time na at pinauna ko ang mga kaibigan ko
"May himala talagang nangyayari sayo bessie , ngayon ka lang di nanguna sa reccess .." pang aasar ni Celyn
"Sana naman hindi ka nasapian ng kung anong demonyo.." -Fritzie, niyugyog yugyog ako ni Maj
"Umalis ka sa katawan ng bestfriend ko, UMALIS KA!!" pangloloko nya
"Ay Naku, itigil nyo na nga yan mauna na kayo sunod na lang ako!" tapos ayon umalis na sila si Alyssa naman mejo may hangover pa ata kaya nagpaiwan muna sya sa room
Alyssa, pwede ba tayo mag usap , ung tungkol kagabi.." mahinahon kong sabi, tumayo sya agad at galit ang mukha
"HINDI KO ALAM KUNG ANONG MERON SAYO AT KAHIT HINDI KA NA NAMIN KAIBIGAN AY IKAW PARIN ANG BUKANG BIBIG NI VIA" pasigaw nyang sabi
"Hoy, wala na kong kinalaman don , ang alam ko lang ginawa ko kung ano ang alam kong tama pero kayo tong lumayo sakin, ano dahil nalaman nyo na hindi ko trip ang pagmemake up nyo nung first year tayo, nagalit na kayo sakin, un lang naman ang hindi ko trip sa inyo pero bestfriend ko parin kayo kahit na ganon kayo!" ayun pinagbabalibag nya ung upuan at pintatama sakin
"INIWAN MO KAMI!" galit na galit nyang sabi
"Tang ina naman ohh, ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako ang nangiwan sa inyo ! Kayo ang nang iwan sakin! At staka okay parin naman kami nila Via ahh wala na kaming sama ng loob sa isa't isa, ikaw lang tong naguungkat ulit para lang magalit ka sakin!" tapos ayun nakita nya ung monoblock na upuan staka nya initsa sakin buti at nakailag ako pero ang masaklap napunta yon sa kabilang lote at nabasag ang 2 bintana. "Patay!" yan na lang ang nasabi ko at si Alyssa tulala
"Anong gagawin natin Mia, paano na yan , anong gagawin natin.." Bigla syang nagpanic, pumasok ang guard at ayon ipinunta kami sa office, nang nasa office kami ay kabang kaba itong si Alyssa at hindi alam kung anong gagawin, dumating ang principal namin at galit na galit
BINABASA MO ANG
The Transfer Student is BACK <3
Novela Juvenilthe transfer student is back... Isang probinsyana at isang taga Manila , will they survive in long distance relationship