3. You made my day

118 4 5
                                    

A/N: Update. Nababadtrip ako nawawala yung Library Card ko! Paano masisignan yung clearance ko huhu XD Ge share >:D Enjoy Reading!

PS: Dedicated sa kanya kasi natuwa ako sa sinabi niya lol hahaha hello Kuya Angeloooo XD Ikaw lang ata nakaka-appreciate huhu :’))) tears of joy XD lol

 

3. You made my day

 

 

Aki’s POV

 

Nakakabwisit na ‘tong napakapanget na mukha ng lalaking ito! Ang sarap imud-imod sa sahig! Argh. Nakakainis siya! Bakit ba kina Aine at Aina napakabait niya! Bakit ganun siya pero pagdating naman sa’kin ang salba-salbahe niya! Daig niya pa ang mga halimaw!

Inirapan ko nga siya! Pero ngumiti lang siya saakin?! Kung akala niya naiinis ako sa ginagawa niya puwes sasabihin ko kumukulo na ang dugo ko sa mga ginagawa niyang pang-iinis sa akin! Ang sarap niyang sapakin! Kung magagawa ko lang yun e! Kaso andyan yung kapatid ko tska kaptid niya na mala-anghel na di tulad niya na mala-demonyo!  Bwiset!!!

Andrei’s POV

 

 

Pffffffffft! Kung makikita niyo lang siguro yung itsura ni Aki ngayon baka sumakit at sumabog na yang tiyan niyo katatawa! Grabe lang kulang nalang hambalusin niya ako dito sa sahig para mailabas yung galit niya sa akin e! Grabe talaga hahahaha! Masydo ba talaga akong gwapo at ganun na lang niya ipakita ang pagmamahal niya sa akin? Hahaha mahangin ba? Sympre. Kung walang hangin edi namatay ka! Common sense dude

“Kuya Andrei! Ate Aki! Punta lang kami ni Aina kina Kuya Zildjian ah! Papaturo lang kami mag-bass. Free daw kasi siya ngayon e. Wala daw silang date ni Jasmine ngayon e. Sige babye! Kayo na bahala dito sa bahay ah!” Aina. Agad naman silang lumabas ng pintuan! Napaghahalataan tuloy sila! Baliw talaga ‘tong bata na’to! Alam ko naman na gumagawa lang sila ng excuse ni Aine e!

Dati nga kasi nung bata pa kami, diba magka-away kami? Tapos ayun nung nagging super super super close silang dalawang bata sina Aine at Aina, siniship nila kaming dalawa ni Aki! Sabi nila simula lang daw yun, pag tumagal na mag-kakainlove-an daw kami. Ano to teleserye? Naglolokohan ba kami? Laos na yung mga ganun! Cliché kung baga! Yung tipo na aso’t pusa sa simula tapos sa huli magkakasundo tapos maiinlove ganun? No.

At para sabihin ko sa inyo mayroon na akong girlfriend! Mabait yung babae nay un hindi tulad ne’tong si Aki! Napakasama ng ugali ang maldi-maldita kaya sinong magkakagusto sa babaeng yan ha? Sabohin niyo nga sa’kin? Tapos tatanungin niyo akong nag-dedeny ako? Hindi no! ang epal kaya ng babaeng yan nakakabwiset siya!

Tapos kanina habang pauwi kami galling sa mall nakakainis siya! Hindi parin siya nag-sosorry hanggang ngayon dahil sa pagtapon niya sa akin ng Blizzard niya, tapos ako pa yung sisisihin niya? Naglolokohan ba kami dito? Siya nga tong careless na babae sa storya e! Tae! Ang daldal ko na parang babae! Pero oy, karapatan kong magsalita kaya hindi purket madaldal ang isang lalaki ay bakla na ito! Sa gwapo ko ba naman na ‘to? Sasayangin ko ang itsura ko at magpapakabakla? Hindi ah!

I wishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon