The Three Idiots

23 1 0
                                    

PARIS

Isang malakas na putok ng baril ang narinig niya sa may kusina. Nagulat at kinabahan siya sa narinig kaya agad niya itong pinuntahan. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niyang nakahandusay na sa sahig ang katawan ng kanyang boyfriend na naliligo sa sarili nitong dugo at may tama sa noo nito.

Napaatras siya at napatingin sa salarin na nakasuot ng makulay na damit at ang kapal ng makeup nito sa mukha na nakangiti ng napakalapad. Napagtanto niya basi sa hitsura nito ay isa itong- clown? At tumawa ito ng malakas.

Napasigaw nalang siya at tinutukan siya ng baril nito.

"Ikaw na ang susunod."

"Huli ka!"

"Ay, Crocodile!" Napapiksi ako ng may biglang humawak sa balikat ko kaya napahinto tuloy ako sa pagtatype ko sa laptop.

"Wow, English. Meyemen." Nakangising sabi ni Troy ng binalingan ko siya.

"Hindi. Trip ko lang. Ikaw na bwesit ka. Sinira mo momentum ko. Malapit na sana ako matapos." Sabi ko sabay hampas ko sa balikat niya.

"Ouch. My precious maskels." Hinilot-hilot pa niya ito.

"Muscles, my ass." I just rolled my eyes at him.

"Sos, ayan ka na naman sa mga kadiri mong suspense stories. Kailan ba 'yan matatapos?" Reklamo niya at umupo sa tabi ko.

"Malapit na. Pag ikinasal na kami." Because I just so loved my stories to death.

"Baka sa kahuhumaling mo ng mga storya mong 'yan, isang araw mabalitaan nalang namin na murder suspect ka na ha." Pang-aasar niya sa'kin kaya binalingan ko siya.

"Oo at ikaw ang magiging unang biktima ko."

"He-he. Huwag ka mag-alala. Bibisitahin ka pa rin naman namin sa kulungan." Nakangising panunukso niya.

Ang sarap talagang hambalusin nitong si Troy. Hari ng pang-aasar. Hindi makokompleto ang araw niya pag hindi ako nakikitang nababad trip. Bwesit. Nawala na tuloy ako sa sinusulat ko. Kainis.
Malapit na sana akong matapos sa sinusulat ko na bago kong libro. Iniisip ko pa kung anong magiging title nito.

Isa pala akong suspense-thriller novelist. Ehem. Hindi naman sa pagmamayabang pero isa ako sa pinakakilalang author sa larangan ng genre na ito. Ehem ulit. Marami-rami na rin akong naisulat na best-sellers at itong ginagawa ko ngayon ay ang latest book ko na subject for completion na at matatapos na sana kung walang istorbo.

Expected na'to ng publisher ko by next month kaya kailangan bilisan kasi may editing phase pa, kaya heto ako na kahit saan magpunta ay dala-dala ang laptop ko kahit dito sa isang coffee shop para kung may lumabas man na ideya ay maisulat ko kaagad.

Nandito ako ngayon sa Cup Republic na ang nagmamay-ari ay ang kaibigan nitong si Troy at ng bestfriend kong si Lambert na si Brad. Nakilala ko lang si Brad at Troy dahil isinama ako ni Lam ng magkita sila noong nagreunion silang tatlo. Magkaklase sila sa isang unibersidad sa Canada at nagkikita-kita ulit dito sa Pinas ng magsettle silang tatlo dito. Brad put up his own coffee shop, Troy succeeded his family's business, and si Lam? Ewan kung kailan pa 'yon titino. Lam's a football player by the way, but he's not just good in the field. He's the best when it comes to the female specie.

Isang tingin lang niyan, kahit simpleng tingin lang na parang nabobore ay kakapit na agad ang babae sa kanya. Leech. Hindi naman kasi siya flirt, lady magnet lang talaga. Minsan ay siya pa nga ang umiiwas sa babae pero ang mga hinayupak ay binablack-mail siya para lang mapansin niya. Malandi, hindi ba? Pwe. Buti nalang- hay, buti nalang at nagpapasalamat talaga ako at hindi ako na-attract sa lalaking 'yon.

To Paris with LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon